Chapter 04

7.2K 311 29
                                    

Aubrey's POV

Hindi ba pwedeng maging peaceful muna ngayon? Psh.

Ano'ng ginagawa ng isang Zain dito?

Nagsimula akong manginig dahil sa presensya niya. Those dangerous eyes are looking straight at mine.

"A-Ah I used to eat here b-but I can leave if you want," nabulol kong sabi. Agad akong tumayo at inayos ang gamit ko bago pa siya maging dragon.

Ayaw na ayaw niyang may tao na umiistorbo sa kanya. I'm so dead.  Sana hindi siya galit.

Kahit gustong-gusto kong ipaglaban ang puwesto na 'to na sa tingin ko ay ako naman talaga ang unang tumambay ay tumahimik na lang ako. Mahal ko pa buhay ko. Kailangan ko lang umalis ng tahimik dito.

There are two ways kung paano ka papahirapin ng heartless Zain na 'to. The first one is ipapabully ko sa makakati at malalandi n'yang fans and the second one is  makikita na lang ang bugbog mong katawan na nakandusay kung saan.

Lahat nang nakakatanggap ng kulay itim na rosas mula sa kanila makakaranas ng ganu'n. Halos lahat ng nabiktima ng pagpapahirap n'ya ay napapaalis ng school o hindi naman kaya ay naho-hospital.

You know what's ironic? Zain and his friends are innocent. Wala kasing nakapagpapatunay na sila gumawa nu'n.

Witnesses' mouths are shut. No trace of evidences. Malinis sila gumawa.

Lalabas na sana ako nang magsalita s'ya.

"Don't fucking move," malamig na utos niya. Napapikit ako at nagsimulang magdasal.

Napako ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang malamig n'yang boses. Ano na naman ba 'tong pinasok ko? Bubugbugin n'ya ba ko? 'Yun na eh! Bubuksan ko na lang 'yung pinto at makakaalis na 'ko. Bakit kailangan pa niya akong patigilin?

Can I at least eat my lunch first?

I gasped when I heard his footsteps. Papalapit siya sa'kin. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. I bit my lip hard and closed my eyes.

One.

Two.

Three.

Run.

Agad kong binuksan ang pinto at saka nagmamadaling tumakbo palayo. Ang dami ko ng nababangga pero patuloy lang akong tumatakbo.

Hindi n'ya ko p'wedeng maabutan dahil yari ako. Nang bigla akong mabangga ng kung sino kaya napaupo ako sa sahig. Nang makita ko si Justin ay bigla nya akong hinigit at saka niyakap.

"H-Hey you okay?" Sa hindi malamang dahilan ay nanginginig ako. I was trembling hard in his arms. I was gasping for air.

"H-Hey you okay? Bakit ka ba tumatakbo? Look at yourself." May kinuha s'yang panyo sa bulsa n'ya at saka pinunasan ang pawis na pawis kong mukha. Gano'n na ba 'ko katakot sa Zain na 'yun to the point na nawawala na ako sa sarili?

"What happened? Why are you running? May humahabol ba sa'yo?" nag-aalala n'yang tanong matapos naming umupo sa bench.

Hinabol ba ko n'on? Hindi ko na alam. Basta tumakbo na lang ako. I was too afraid to look back.

"A-Ah wala nagja-jogging lang ako." It's a stupid alibi, I know. Wala lang akong ibang maisip na dahilan. I'm still shaking. How can I stop my body for pete's sake!

"Sabi ko naman kasi sa'yo sumabay ka na lang sa'kin." Panenermon ni Justin. I looked at him bakas pa rin ang pag-aalala at pagtataka sa g'wapong mukha n'ya.

"You okay now?" Agad akong napabitaw sa mahipit n'yang yakap nang marealized kong nasa hallway kami. We looked like mga tuko kung magyakapan. Nakakahiya sa kanya.

"Ahh I-I'm fine. Thank you," nahihiya kong sagot at saka nilisan ang lugar. Nanghinayang ako ng mapansin kong hindi ko na hawak ang lunch box ko.

I think I dropped it somewhere. Paano na ako kakain ngayon? Tito gives me allowance but it's inconsistent and ngayong month he didn't give any. Kailangan kong kumain dahil may work pa 'ko mamaya.

I sighed habang naglalakad sa malawak na soccer field. Ang ginhawa talaga dito. The grass is very green and sarap pa ng simoy ng hangin.

Umupo ako sa damuhan at saka nakatungkod ang kamay na tumingin sa asul na kalangitan. Makulimlim ang langit. Hindi mas'yadong malakas ang sikat ng araw. Baka umulan mamaya. Wala pa naman din akong payong.

Kung sinuswerte ka nga naman..

"Hey!" Agad akong napatingin sa likod ko nang may marinig akong boses ng lalaki.

He's wearing a black V-neck shirt, tall and masculine. Kasingkatawan n'ya ang members ng Pirus Gang. He looks so handsome. I wonder, model kaya s'ya?

Tumabi s'ya sa kinauupuan ko. Naamoy ko tuloy ang katawan n'ya. He smells surprisingly good. I mean pawisan kasi s'ya diba? But he still smells good.

"Hindi na 'ko magpapaligoy-ligoy pa. My name is Warren." Inabot n'ya ang kamay niya asking for a hand shake which I gave him hesitantly. "I always see you in the school pero never kitang nilapitan. My manager thinks you're cute and she wants me to ask you kung gusto mong maging model gaya ko."

Model? Niloloko ba niya ako? Ano namang nakita sa'kin ng manager niya aber? I'm not even stylish. Sa dami ng estudyante dito na parang runway model bakit ako pa ang nilapitan niya?

"Ahmm are you sure? I mean hindi naman ako g'wapo," I replied na parang nahihiya pa. Ano'ng imo-model ko aber? I don't have muscles. Hindi ako g'wapo. Kung p'wede lang i-model ang katalinuhan baka sikat na 'ko.

"Hindi ka naman talaga g'wapo," he smirked. Napasimangot naman ako. Hindi man lang kumontra.

"Maganda ka kasi. Teka tibo ka ba?" nagtatakang tanong niya.

Seriously?

Nang iinis 'ata 'tong lalaking 'to eh. Inis akong tumingin sa kanya at natatawa siyang napataas ng dalawang kamay.

The Androgynous Nerd (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon