Chapter 05

7.6K 296 17
                                    


Aubrey's POV

I still don't know kung papayag ba ako sa offer ni Warren. Maganda ang offer pero I have this feeling na parang hindi ako worth it. Lack of confidence I guess.

I can't imagine myself smiling in front of a camera. Baka may tinga ako sa ngipin at ma-publish 'yung picture tapos kumalat Nationwide. That would be very embarrassing!

After school, dito agad ang punta ko sa pinapasukan kong coffee shop. It's just a few meters away in my school. Walking distance lang kaya saved na ko sa pamasahe.

"Hi Aubrey," she greeted while smiling at me. I smiled and asked for her order.

Suki na s'ya sa coffee shop namin. She and her friends come here regularly. Maganda kasi ang ambiance ng shop. Perfect for those people who like taking photos.

"Same thing Aubrey parang hindi naman ako nabili dito." Magiliw niyang sabi at saka tumawa ng bahagya. She's Megan. Maganda s'ya and I'm kind of attracted to her but studying must be put first always.

Hindi naman ako umaasang mapapansin n'ya 'ko. There's no way na papatol s'ya sa isang patpatin at nerd na kagaya ko. I heard na gusto n'ya si Zain. Well what do I expect? G'wapo at hot daw ang mga bad boy na kagaya nila. Tss.

I looked at her and when I saw her smile napangiti na rin ako. How can Zain ignore this beautiful woman?

Agad akong bumalik sa counter para sabihin ang order ni Megan.

10:30 p.m. na when I got home. I ate na kanina together with my co-workers. Some of them are working students like me kaya hindi kami nagkakalayo sa age. We always eat in a small karinderya just a few steps away sa shop.

Twenty-four hours daw silang bukas which is true naman. We get to eat different dishes in the most inexpensive way possible sa karinderya ni aling Pasing. Imagine in just thiry pesos. solve ka na. Complete meal na 'yun.

Agad akong pumunta sa kwarto ko to change into comfortable clothes at saka ako sandaling nagpahinga. I need to cook dinner for them. Late naman silang umuwi kaya wala akong dapat ipag-alala.

Tito's busy in managing business. Tita is with her friends. Agatha is with her friends too same as Xander. Lahat sila late umuwi, in short ako pa lang sa bahay.

Bumaba ako ng kitchen at ipinagluto ko na lang sila ng tinolang manok at saka iniwan sa dining table. Bahala na silang mag-microwave.

Pagkatapos kong magawa ang assignments ko ay naglinis ako ng k'warto ni Xander. S'ya lang ang nililinisan ko ng k'warto. S'ya lang naman kasi ang pumapayag na mapakialaman ang gamit n'ya.

Used condoms and boxers na kung saan-saan nakasabit. Napaka talaga ng lalaking 'to! Pagkatapos ko sa k'warto n'ya ay ang bahay naman. This is my routine every single day. Paulit-ulit lang. No partying. No gala since birth ako. Wala naman akong kaibigan eh.

Time checked 12:00 a.m. it's already midnight and yet wala pa rin sila? Seryoso? Bahala sila punta na 'ko ng k'warto ko.

Medyo nangamoy pawis ako sa ginawa kong paglilinis. I should take a half bath. Kahit malamig ang tubig, I managed to soaked myself in the tub. Sarap. Sana laging gan'to.

BAM! BAM! BAM!

Agad akong napamulat ng mata nang nakarinig ako ng sunod-sunod na malalakas na katok sa aking pinto.

Sino ba 'to?! Inis akong nagtapis ng tuwalya sa aking katawan at saka kunot noong hinarap ang balasubas na kumakatok ng pinto ko.

"Ano'ng problema mo?" I calmly asked kahit gusto ko nang sigawan 'tong Xander na 'to. It's my resting time na. Give me a break!

The Androgynous Nerd (BxB)Kde žijí příběhy. Začni objevovat