CHAPTER 1 - 10

25.5K 370 38
                                    


PROLOGUE

"You almost failed your mission. Good thing I sent Seal to be your back up." Bungad samin ni dad. Di man lang tinanong kung okay ako.

"I'm realy sorry, oto~sama. I was ambushed." (father) Mahinang sagot ko sa kanya matapos mag bow habang naka alalay parin sa akin si Seal.

"What's done is done. What's more important is the success of your mission." Napangiti naman ako ng mapakla sa sinabing 'yon ni dad.

"Oh by the way, since you almost failed your mission, you will be punished. You will be sent to the Philippines and will be banned from any mission for a year. Also, take that opportunity to finish your studies. I already discussed it with your mother. Pack your things now. Your flight is the day after tomorrow. Kyohei will pick you up there. You may rest now." Matapos marinig yung sinabi ni dad ay umakyat na ako sa kwarto ko. Kasama ko pa din si Seal.

"Thanks, Seal. Can you help me clean my wounds?"I ask Seal for assistance.

"Sure. H'wag mo nalang masyadong isipin yung mga sinabi ni Elder Takeno. Isipin mo nalang magbabakasyon ka sa Pilipinas." Sabi nya sa'kin sabay salpak ng makapal na tela sa bibig ko at pinahiga na ako sa kama.

Ibinaba ko na ang kabilang parte ng suot kong ninja suit para malinisan na nya yung sugat ko sa balikat. Sinimulan na nya'ng buhusan iyon ng alcohol habang ako nama'y napapikit nalang sa sobrang hapdi. Di ko kinaya ang hapdi kaya naman nawalan na ako ng malay.

Nang magising ako, may benda na ang kaliwang balikat ko at napalitan na rin yung damit ko. Inilibot ko ang paningin sa paligid at nakita si Seal na nakahiga as sofa habang nakataas pa ang isang paa. Napailing nalang ako habang nakangiti.

Ako nga pala si Kiyomiko Takeno. Bunsong kapatid nila Kyohei Takeno at Kisune Takeno. Katulad nila, isa din akong assassin. Galing kami sa pamilya ng mga assassins. Ang katapatan namin ay nasa Takehashi Clan pero natanggap din kami ng mga piling misyon sa labas ng angkan. Kahit na pagpatay ang kinalakihan naming propesyon, hindi naman kami pinalaking walang puso. Madali lang samin ang pumatay pero tinuruan din kaming pumrotekta ng buhay.

Kahit medyo masakit pa din yung sugat ko ay sinimulan ko nang mag impake ng mga gamit ko para sa pag alis ko sa susunod na araw. Hindi ko man gusto ang ideyang iyon ay wala naman akong magagawa. Takot ko lang kay daddy.

Ano kayang buhay ang nag hihintay sakin sa Pilipinas? Buti nalang at itinuro na sa amin ni Master Kiguri ang lengwahe at kultura sa Pilipinas noong mga bata palang kami kaya naman hindi magiging mahirap sa akin ang manirahan doon.

Isang taong walang misyon. Isang taong walang pera. Sabagay marami na naman akong naipon pero bwisit lang talaga,kakayanin ko ba ang isang taong walang aksyon?

CHAPTER 1

KIYOMIKO's

"Gusto mong kumain muna?" Tanong sa akin ni kuya Kyohei habang nag mamaneho ng sasakyan nya.

"Buti naman natanong mo yan kuya,akala ko gugutumin mo na ko eh." Biro ko sa kanya.

"Alam ko namang marami kang alaga dyan sa tiyan mo." Biro pa niya sa akin.

Sa amin magkakapatid, mas malapit ako sa panganay namin na si kuya Kyohei kaysa sa mapang asar na si kuya Kisune pero magkagayun pa man, pantay naman ang pagmamahal ko sa dalawa kong kapatid.

"Kyohei-aniki, gusto ko ng sinigang, adobo at saka yung salted egg na color red yung shell! I so missed those food." (Brother) Request ko kay kuya Kyohei habang inaalala kung kailan ako huling kumain ng mga nabanggit kong pag kain.

When Miss ASSASSIN meets the GANGSTERS (Edited Version)Where stories live. Discover now