CHAPTER 61 -70

6.3K 143 8
                                    


CHAPTER 61

LANCE's

"Hayato Takishima." Mahinang basa ko sa pangalang nakasulat doon.

"Sigurado ka ba Hitomi?" Tanong ko sa kanya. Mas lalo naman siyang napangiti.

"Bakit naman hindi? Ano bang kinakatakot mo? Hindi ko naman sinabing patayin mo siya." Kalmado at nakangiti paring sagot niya sa akin. Kung hindi ko lang talaga alam ang ugali ng isang to malamang iisipin kong mabait siya.

"Ang ibig kong sabihin, kapatid mo to diba?" Paglilinaw ko sa kanya. Nagiba naman ang reaksiyon niya pagkarinig niya ng salitang kapatid.

"Patay na ang kapatid ko. Pinatay na siya noon ni Nanjiro." Makahulugang sagot niya. Napailing na lang ako.

"Saan ko naman hahanapin to?" Tanong ko pa ulit.

"Dalawang bansa ang possible niyang puntahan. Korea at Hong Kong. Mamaya ang flight mo papuntang Korea. Tawagan mo ako pag dating mo doon. Sige na, maghanda ka na." Seryosong sagot niya sa akin. Hindi nalang ako kumibo at umalis na doon. Mamaya kung ano na naman ang maisipan niyang ipagawa sa akin eh.

Dumiretso nalang ako sa condo ko. Mag aayos pa ako ng gamit ko.

Pagdating ko ng condo, agad na akong nag ayos ng gamit na dadalhin ko. Ilang sandali pa, lumabas na din ako. Ayokong magtagal dito dahil baka magpang abot pa kami nila Ryuu. Ayoko ng madamay pa sila.

Paglabas ko ng unit ko, saktong pagbukas ng elevator at lumabas si Raven mula doon. Parehas pa kaming napahinto sandali bago pa niya ako sinenyasang sumunod sa kanya. Balak ko pa sanang tumanggi pero sa huli, sumunod na din naman ako sa kanya sa unit niya.

"Balita sayo?" Tanong niya agad sa akin ng makapasok ako sa unit niya. Hindi man lang hinintay na makaupo ako.

"Aalis ako ng bansa mamayang gabi. May inutos si Hitomi sa akin." Kaswal na sagot ko sa kanya habang nag lalakad patungo sa sofa. Hindi ko na hinantay ang imbitasyon nya, hindi naman yan mag aabala.

"Biruin mo nga naman, aalis ka din." Sagot niya sa akin. Napalingon naman ako sa kanya na puno ng pagtataka.

"Aalis din sila Ryuu. Sasama sila kila Kyohei para mag ensayo." Dagdag pa niya na para bang nabasa ang tanong sa isip ko.

"Ensayo? Eh ikaw?" Tanong ko ulit.

"Hindi ako pwedeng sumama kahit gustuhin ko pa. Hawak ng Kashushima ang negosyo ng pamilya ko." Sagot niya matapos umupo sa katapat na sofa.

"Sabagay. Si Kiyo ba? Nakita niyo na?" Alangang tanong ko sa kanya.

"Nasa pangangalaga siya ni Jansen. Pinagkakatiwalaan siya ng babaeng iyon kaya wala tayong magagawa sa ngayon kung hindi pagkatiwalaan na rin ang lalaking iyon. Kahit na hindi pa tayo sigurado sa kung ano man ang motibo niya." Mahabang sagot ni Raven. Lagi naman akong walang magawa eh. Napaka hina ko talaga. Nakakaasar.

"Anong sabi ni kuya Kyohei?" Maya maya pa'y tanong ko ulit. Napangisi naman siya bago sumagot.

"Hindi niya alam." Napanganga nalang ako sa sagot niya.

"Paanong hindi niya alam?" Nag tatakang tanong ko.

"Hindi ko sinabi. Alam kong dapat kong sabihin ang nalalaman ko pero somewhat, naiintindihan ko ang babaeng iyon. Lumayo siya sa lahat para hindi tayo makialam sa kung ano man ang binabalak niya. Isa pa, kasama naman niya ang guardian niya." Mahabang paliwanag niya. Gaano ba talaga karami ang nalalaman ng isang to? Pati ang pagiging guardian ni Nanjiro alam niya. Well, alam ko rin naman ang tungkol doon dahil nasabi na sa akin ni kuya Kyohei iyon bago pa niya ako bigyan ng misyon na mag espiya sa Yaban Jin.

When Miss ASSASSIN meets the GANGSTERS (Edited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon