CHAPTER 71 - EPILOGUE

11.9K 254 72
                                    


CHAPTER 71

KIYOMIKO's

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Mikage kung saan nakahiga si Nanjiro. Gabi na pero wala pa rin siyang malay. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. Halo halo na ang emosyon sa loob ko. The war is just around the corner while I am still mourning for the lost of Seal, I hurt the person I love and it backfires to me twice, Nanjiro is still unconscious and I want to drag Hitomi to hell this instant. Damn it! This is all his fault.

Hindi ko na mabilang kung nakailang mura na ako sa isip ko. Tsk. I guess I should make my move now. Sorry fiancé pero mukhang hindi na kita maantay na magising.

Kinuha ko si Karupi at ang jacket ko. Kinuha ko din mula sa bulsa ni Nanjiro ang susi ng kotse niya na naiwan sa park. Hihiramin ko muna ang kotse niya. Dito ko na sisimulan ang paghihiganti ko.

Lumabas na ako ng condo ni Mikage. Hindi ko alam kung nasaan siya pero mabuti na iyon para wala ng magtatanong pa kung saan ako pupunta. Tutal nakuha ko na ang list kay Anton, iisa isahin ko muna ang mga traydor na iyon bago ko ihuhuli si Hitomi.

Paglabas ko ng building ay agad akong pumara ng taxi.

"Sa SRB Tower." Sabi ko sa driver. Kukunin ko muna ang ilang weapons ko. Buti nalang upgraded na ang SIMAN ko kaya pwede na akong mag store ng maraming weapons.

Madali akong nakarating sa condo ko. Agad akong pumasok doon habang bitbit parin sa braso ko si Karupi. Inilapag ko muna siya sa sofa at tinungo ang kwarto ko. Nagbihis na din ako at kinuha na ang mga kailangan ko.

Paglabas ko ng kwarto ay napatingin ako sa paligid. Napaka nostalgic ng lugar. Bawat sulok, nag huhumiyaw ng alaala ni Seal. Binalingan ko ang dating kwarto niya. Parang tinutusok ang puso ko. Lumabas ako ng unit at tinungo ang kabilang unit kung saan huling tumira si Seal. Mabuti nalang at alam ko ang password nya. Pagbukas ko ng pinto ay nakangiting mukha ni Seal ang sumalubong sa akin pero sa isang iglap, naglaho ang imaheng iyon.

"Seal, igaganti kita. Pangako iyan." Malungkot na saad ko. Tuluyan kong inihakbang ang paa ko papunta sa loob ng kwarto niya at natagpuan ang sarili ko sa harap ng cabinet niya. Binuksan ko iyon at marahang hinaplos ang ilang damit niyang naiwan doon. Lalo lang sumisiklab ang galit sa puso ko.

"Hindi sapat ang buhay ng hayop na iyon kapalit sa buhay mo Seal. Hindi lang buhay mo ang kinuha niya, kung hindi pati kalahati ng kaluluwa ko. Kukunin ko ang lahat ng meron siya at sa mga kamay ko mismo malalagot ang hininga niya." Puno ng hinanakit na sabi ko.

Habang tumitingin sa mga gamit niya ay may nakita akong isang box. Nakapangalan iyon sa akin. Puno ng pagtatakang kinuha ko iyon. Naupo ako sa kama hawak ang box na iyon at marahang tinanggal ang ribbon na nakatali doon. Pagbukas ko ng box, may nakita akong singsing na nakapaibabaw sa isang papel at CD case.

Kinuha ko ang sing sing at laking gulat ng makita ang insignia niya. A cresent moon facing down the star embedded in a black stone. It's his symbol. The one that I created. Inilagay ko nalang ang sing sing sa kwintas na binigay ni Lance sa akin.

Kinuha ko ang papel na kasama ng sing sing at binuksan iyon. Isang sulat. Gusto ko mang basahin ang sulat na gawa ni Seal pero sadyang nanlalabo na ang mgaa mata ko dahil sa luhang nagbabadyang kumawala. Agad kong itinupi ang sulat at ibinalik sa kahon. Hindi ko pa pala kaya.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at lumabas na sa kwarto niya dala ang kahon. Inilagay ko na iyon sa bag na dala ko. Binuhat ko na din si Karupi at tuluyan ng lumabas ng unit ko.

When Miss ASSASSIN meets the GANGSTERS (Edited Version)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora