CHAPTER 11 - 20

11.5K 199 19
                                    



CHAPTER 11

GIO's

Nakita ko ang lahat ng nangyari sa kanya ngayong araw. Simula ng pagpasok nya hanggang sa tumakbo sya palabas ng campus. Hindi ko alam pero nakasanayan ko na atang subaybayan sya mula sa malayo, pero nang makita ko sya kanina na tumakbo palabas ng campus, nagdesisyon akong sundan sya at naabutan ko sya sa may park. Umupo sya sa ilalim ng puno na malayo sa mga batang nag lalaro. Wala sana akong balak na lapitan sya pero ng makita ko ang mga luha sa mata nya, hindi ko na naman napigilan ang sarili kong lapitan sya. Inialok ko ang panyo ko sa kanya pero tinitgan nya lang yun at parang gulat na gulat na tiningala ako, puno ng pagtatanong ang mga mata nya.

"Nag aalala lang sya sayo kaya sya ganun!" nasabi ko nalang sa kanya. Nakatingin lang sya sakin na para bang hindi pa nya naiintindihan kung ano yung ibig kong sabihin. Umupo ako sa tabi nya at nagsalita ulit.

"Dapat nung tinanong ka nya, sinabi mo yung totoong nangyari." Dugtong ko pa. Alam kong nagtatampo o nagagalit sya sa ginawa sa kanya ni Ryuu. Kita naman sa expression nya kanina, parang disappointed pa nga sya.

"Kung sinabi ko yung totoong nangyari, mas lalo syang magagalit kila Jason. Kasi totoo na gusto akong saktan nila Jason, pero Gio, nung una lang yun. Alam kong nagawa lang ni Jason yun dahil sa kapatid nya. Kaibigan ko na sila kaya alam ko na hindi na nila uulitin yun. Isa pa kayako namang protektahan yung sarili ko eh." paliwanag nya sakin. Napangiti naman ako sa isip ko dahil hindi sya nahiyang magsabi sakin.

"Alam ko Kiyomi, nakita ko lahat ng nangyari." Nagulat sya sa sinabi ko. Hahaha parang alam ko na tinatakbo ng isip nito.

"Eh? Gio, nakita mo lahat ng nangyari? As in lahat?" tanong nya sakin na nanlalaki pa ang mga mata.

"Hehehe. Oo. Wag ka mag alala, pumikit naman ako nung nagbihis ka eh." sagot ko sa kanya pero ang totoo hindi ko naipikit ang mata ko. Hindi sa manyak ako ah, napansin ko kasi yung peklat sa balikat nya at sa may bandang tyan hanggang sa nasuot na nya yung shirt ni Jason. Nainggit pa nga ako kanina sa kanila ang saya kasi nila at higit sa lahat kasama nila si Kiyomi.

"Hoy! Sigurado kang pumikit ka ha? Bakit namumula ka?!" tanong nya sa akin. Hala namula ba ko? Tinawanan ko na lang sya para hindi halata.Hahaha, sa totoo lang, napansin ko ding maganda ang katawan nya.

"Hahaha. Pero Kiyomi seryoso. Wag kang magalit kay Ryuu, gusto ka lang nya protektahan. Napangunahan lang sya ng pag aalala." Sumeryoso ako bigla pagkatapos kong tumawa. Kahit parang tingin nya sakin ay kakaiba alam kong naintindihan nya yung gusto kong sabihin.

"Sabagay tama ka. Di naman talaga ako galit. Tampo siguro tsaka disappointed, kasi pinag isipan nya ko ng masama." Napangiti ako sa sagot nya. I like it when she's honest with me, I really feel like somehow, she trust me.

"Ganyan nga, Mayonaka." Sagot ko sa kanya habang nakatingin sa kawalan.

"Nga pala Gio, paano mo nalaman na ako si Mayonaka? Sino ka ba talaga?" tanong nya sakin. Kahit hindi ako sa kanya nakatingin, ramdam ko ang titig nya.

"Want to know a secret?" tanong ko sa kanya at tumango naman sya. "I am the Reaper." Diretsong sabi ko sa kanya at tumingin na rin sa kanya. Nakatitig sya sa mata ko kaya napatitig na din ako. Ang ganda ng mga mata nya.

"As in THE Reaper? Pero paano mo nalaman na ako nga si Mayonaka? I always go on a mission masked." Tanong nya sakin na para bang gulat na gulat.

"Yeah. I just know." Maiklang sagot ko. I know. Because of him, I came to know her. Even before I met her at school, HE ask me to look after her, from afar. At masaya ako ngayon dahil sa wakas, kayako ng makalapit sa kanya.

When Miss ASSASSIN meets the GANGSTERS (Edited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon