CHAPTER 41 - 50

7.8K 139 23
                                    


CHAPTER 41

RAVEN's

Nasa school na kami ngayon ni Kiyo at kasalukuyang nag hihintay sa susunod naming prof. Kakatapos lang kasi ng una naming klase.

Magkatabi si Kiyo at Ryuu pero parang hindi nila kilala ang isa't isa. Si Ryuu, nakikipag usap sa amin pero ni tumingin sa gawi ni Kiyo ay hindi niya ginagawa. Si Kiyo naman halata sa ekspresyon ng mukha nya na malungkot siya kahit pa ngumingiti siya sa amin at nakikipag usap.

Nagtataka na din sila Kurt at Martin pero sinabihan sila ni Kei na pabayaan nalang. Si Lance naman parang walang pakialam. Naka dukmo lang ang ulo sa desk niya at parang lumilipad ang utak.

Maya maya pa, biglang pumasok sa room namin ang daddy ni Ryuu which is the school director. Tumahimik ang buong klase.

"I came just to inform you guys that your former teacher is on leave and here with me is your new professor." Sabi ni director De Guzman kasunod naman ang pag pasok ng isang lalaki na naka semi formal at may salamin sa mata. I guess he's on his early twenties.

Maririnig ang malakas na bulungan ng mga kaklase namin. Panibagong sakit ng ulo na naman.

"Good morning class I'm Nanjiro Syuusuke. I'll take over from now on." Pakilala niya sa amin at bahagyang ngumiti.

"Okay, I'll be going now. Prof. Syuusuke, I'll take my leave now." Sabi ni director De Guzman at lumakad na palabas pero bago pa man siya makalabas ng room ay huminto ulit siya at muling humarap sa amin.

"Before I forgot, Kiyo, drop by my office later. Your father sent you something." Pahabol na sabi ni director De Guzman bago tuluyan ng umalis.

Napatingin naman ang lahat kay Kiyo. She looks so shocked. Bakit kaya? Pagtingin ko sa paligid nakita kong nakatingin din si Lance sa gawi ni Kiyo at may malungkot na ekspresyon sa mukha. Si Ryuu naman nakatingin din pero hindi mo mabasa ang nasa isip niya. What's with this people? Something's really off these past few days. I can understand Ryuu's but what puzzled me is Lance's.

Ibinaling ko na ang tingin ko sa harap at naabutan ko ang bagong prof na nakatingin din kay Kiyo at may kakaibang ngiti pero ng mapansin niya atang nakatingin ako ay biglang bumalik sa pagiging seryoso ang ekspresyon niya at bumaling sa iba ang tingin.

Damn it. Bakit pakiramdam ko maraming mangyayaring hindi maganda ngayong araw? I feel a little uneasy today.

Natapos na ang morning classes at sabay sabay na kaming papunta ngayon sa cafeteria pero ang akward parin ng atmosphere. Hindi pa din nag papansinan si Ryuu at Kiyo. Si Lance naman lutang pa din ang utak.

"Rave, daan pala muna ako sa office ni Uncle. Sunod nalang ako." Paalam sa akin ni Kiyo. Bago pa ako makasagot ay tumakbo na siya palayo.

Nang makarating na kami sa cafeteria ay noon lang nila napansin na wala si Kiyo. Umupo na ako sa tabi ni Lance at katapat ni Ryuu matapos kong bumili ng makakain.

"Ryuu, what's wrong between you and Kiyo? Is it because of Rina's death?" diretsong tanong ko sa kanya na ikinatahimik ng table namin. Napatingin silang apat sa akin sabay kay Ryuu.

"Rina's dead?" gulat na tanong ni Lance sa akin.

"Yeah, just this morning." Simpleng sagot ko sa kanya.

Nagulat kami ng biglang tumayo si Ryuu at walang sabi sabing umalis ng cafeteria. Napatingin nalang ako sa likudan ni Ryuu habang papalabas siya. Masyado pa ata siyang apektado. Hindi ko naman siya masisisi, mahal niya si Rina at importante sa kanya si Kiyo.

When Miss ASSASSIN meets the GANGSTERS (Edited Version)Where stories live. Discover now