Chapter Two

6.7K 142 6
                                    

ARE YOU with some friends or are you alone?” tanong nito sa kanya. Dahil sa ingay ng paligid, napilitan silang mag-usap nang parang nagbubulungan pero malakas ang tinig. Nang magpakilala ito sa kanya kanina ay niyaya siya nito sa isang lamesa malapit sa dance floor. Maaga itong dumating at kanina pa daw siya hinihintay sa entrance.

“I am with friends. Nand’yan lang sila sa tabi-tabi,” nakangiti niyang sagot. “How about you?”

Nakakapagtaka na unang beses nilang magkita pero ni hindi siya nakaramdam ng awkwardness kapag kausap ito. Siguro, maliwanag kasi ang layunin niya. Makikipagkilala lang naman siya para may maisulat sa nobela niya. Nothing more. Ngunit kahit medyo komportable siyang makipag-usap, nananatili ang pagiging mapagmatiyag niya at maingat sa mga kilos dahil hindi pa niya ito kilala. Kapansin-pansin lang talaga na kumpara sa ibang tao, mabilis naging palagay ang pakikipag-usap niya sa lalaki.

“I’m alone.”

Nang tumama sa batok niya ang mainit nitong hininga, abot-langit ang naramdaman niyang kilabot. Napalayo siya at agad na lumagok sa cocktail drink na hawak niya. “A-ano… P-paano mo pala ako nakilala agad kanina?” tanong niya upang mapalis ang kung anu-anong pumapasok sa isip niya dala ng sensasyong hatid ng hininga nito. Umupo siya nang tuwid upang magkaroon ng kausting espasyo sa pagitan nila.

“I looked at your picture long enough to memorize your face last night. Magaling ang memorya ko sa ganoon,” paliwanag ni Joaquin Karlos.

“A-ahhh. Okay. Buti hindi ka binangungot sa picture ko,” biro niya. Nauutal pa siya dahil sa ‘di malamang dahilan. Malamang tinitigan nito ang larawan niya nang matagal. Sinasabi na nga ba! Baka modus ‘to! O baka minanyak niya ang picture ko kagabi! sabi ng isang parte sa isip niya kaya’t mas lalo siyang naging alerto. Bigla niyang tinigilan ang paglaklak sa cocktail dahil baka mahilo pa siya kahit na kaunti lang ang alcohol content niyon. She also defensively covered her chest with her arms. Wala lang. Hindi naman iyon kalakihan subalit maaari na ring pagtiyagaan. Lalo kung manyak ang isang tao, kahit pa ‘hills’ lang at hindi ‘mountain’ ang hinaharap niya, mamanyakin pa rin nito.

“Who would have a nightmare with your face so beautiful?” tila nambobolang tugon naman nito.

“Masyado ka namang bolero, Joaquin Karlos,” sagot na lamang niya.

“Just call me ‘Wax’. Para hindi ka na mahirapan,” anito saka natawa.

And surprisingly for her again, she couldn’t help herself but relax a little. Nakakatuwa sa pandinig niya ang tawa nito. Kahit pa sobrang lakas ng musika sa loob ng Gorilla’s, hindi natabunan niyon ang tawa ni Wax. At aaminin na niya, may epekto ang pambobola nito. It was not every night that some people would say that she’s beautiful.

“Okay,” nakangiting sang-ayon niya sa lalaki. “Huwag ka na’ng mambola. Alam ko ‘yang ganyang mga style niyong mga lalaki,” natatawang saway. Tumikhim siya upang ibahin ang usapan at magsimula na sa tunay niyang agenda. “Let’s talk about something else. Tell me something about yourself,” paanyaya niya dito upang masimulan na ang kanyang research.

Balak niyang ibase sa totoong tao ang mga karakter sa kanyang nobela. Nakatatak na sa isip niya ang mga bagay na kailangan niyang malaman mula kay Wax para umusad na ang isusulat niyang istorya. So far, plot pa lang ang mayroon siya ngunit wala pang mga tauhan ang kuwento niya. Tanging mga pangalan pa lamang na “Karlos” at “MJ” ang nandoon. Ang lahat ng ugali, trabaho, kilos at nakaraan ay ibabase niya sa kung sino siya at kung sino si Wax.

Tumaas ang kilay ni Wax at tinitigan lang siyang mabuti.

“What? Sabi ko, tell me something about yourself,” muli niyang untag.

Blackmailing the Music-hater [PHR] - CompletedWhere stories live. Discover now