Chapter Nine

5.4K 100 6
                                    

"WHERE IS my wallet?"

Nagulat si MJ sa galit na tono ni Wax. Nang nagdaang gabi ay naroon na ito sa kanila kaya hindi niya inaasahan na maaga itong pupunta muli doon. Sa halip na kabahan dahil sa tanong nito ay mas nag-alala pa siya para sa kalagayan ng lalaki. Naka-tiim bagang ito at mapula ang mukha. "What happened?"

"Just answer me. Where is my wallet and my flashdrive?"

Unti-unting nag-sink in sa isip niya ang ikinakagalit nito. Juice colored! Paano na ito? Biglang bumundol ang kaba sa kanyang dibdib. Paano niya aaminin na wala sa kanya ang hinahanap nito kung ganitong galit ito? This is the first time she saw him really angry at her. Mas nakakatakot pa ang itsura nito ngayon kaysa noong unang gabi silang magkita sa Gorilla’s at nabanggit niya ang tungkol sa pagiging music teacher niya.

"A-ah. A-ano kasi..." Hindi niya maituloy ang sasabihin. Gusto niya sanang sabihing nasa kwarto lamang niya at ipagpatuloy ang kasinungalingan pero paano kapag pinilit na nitong kunin iyon sa kanya? Tutal naman ay nagkakaintindihan na sila ng damdamin... Baka hindi ito magalit nang husto kapag umamin na siya. Sa totoo kasi, nawala na sa loob ni MJ ang tungkol sa wallet nito na ginawa niyang pam-blackmail para makilala ito nang husto.

"Nasaan nga?!" singhal nito sa kanya. "It has my latest software creation. Ni hindi pa iyon nailalabas sa market at ilalabas pa lang sana namin. But my wonderful evening yesterday was ruined because in the news replay, I saw that my software was being launched by the other company as their own new creation!” pigil na pigil nito ang galit. “Paanong napunta sa kanila ang software na ‘yon kung nasa iyo ang flashdrive? Explain it to me!" sigaw nito. Kitang kita ang frustration at galit sa mukha.

Natameme na lang siya. Anumang oras ay tutulo na ang luha niya dala ng takot at guilt dahil sa kasinungalingang ginawa niya. "W-wala sa akin ang flashdrive, Wax."

Kumunot ang noo nito. "Paanong wala sa'yo? You said you have my wallet! Damn it! Ibinigay mo ba ito sa kalabang kompanya? May kakilala ka ba doon? Kaya ba nakipaglapit ka sa’kin para makuha ang latest creations ng kompanya ko? Are you a spy?!" sunod-sunod nitong tanong na malinaw ang tinutumbok. Inaakusahan na siya nito na may masamang intensyon kaya siya nakipagkilala noong una.

Yes. May agenda siya. Gusto niyang gawin itong bida sa nobela niya. Pero hindi siya spy ng kahit ano’ng kompanya. Ni wala nga siyang alam sa mga software-software na sinasabi nito. "No, Wax. Listen to me,” mahinahon niyang sambit kahit na nagrarambulan sa takot ang kanyang dibdib. Kalakip niyon ang panalangin na sana ay makinig ito at patawarin siya pagkatapos.

"Just tell me! I trusted you, Musique Joaquinne!"

"Wax, huwag kang sumigaw. Please,” pigil niya rito kahit alam niyang hindi ito kakalma. “I never had your wallet and flashdrive even from the start. Hindi ko talaga nakita or nahawakan 'yon. Nagsinungaling ako sa’yo. When you asked kung nasa akin ba, I just told you na nasa akin nga. Pero wala talaga. At kung nasa akin man ‘yon, hinding hindi ko iyon ibibigay kahit kanino. Wax, please believe me," may pagmamakaawa sa tinig niya. Hinawakan niya ang pulsuhan ng lalaki subalit marahas lang nitong tinanggal iyon.

"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo iyong gawin sa akin! Napakaimportante sa akin ng flashdrive na ‘yon, MJ," anito at naupo habang hinihilot ang sentido. "I don't understand why you have to lie to me. Sana nahanap ko agad ang flashdrive kung noong una pa lang sinabi mo nang wala sayo!"

"Wax, I'm so sorry because I lied at first. Ginawa ko lang naman iyon para makilala ka nang husto. Wala akong intensyon na masama. I’m really sorry. Hindi ko inisip na puwedeng mangyari ‘to. Nang dahil sa kalokohan ko ay nawala ang mahalagang bagay sa kompanya mo. Wax, sorry." Naiiyak na siya ngunit kailangan niyang magpakatatag dahil kailangan niyang maipaliwanag sa lalaki ang katotohanan.

Blackmailing the Music-hater [PHR] - CompletedWhere stories live. Discover now