Chapter Three

6.3K 117 1
                                    

HINDI KAAGAD sumagot si MJ. Alangan naman kasing aminin niya ang totoong dahilan kung bakit siya nag-walk out? Pero sa bandang huli, napagdesisyunan din niyang sabihin ang naisip niya nang nagdaang gabi. Sabi nga ng mga matatanda, “Honesty is the best policy”.

“Wax, I’m so sorry last night if I left you there. Honestly, nahihiya kasi ako sayo dahil I sort of offended you or something. Hindi ko rin alam kung bakit nag-iba ang mood mo. Don’t try to deny it. I felt it. At hindi ako sanay sa conversation na galit ang kausap ko kaya I have nothing else to do but go away. Actually, I am not expecting you to contact me again today after last night,” buong katapatan niyang paliwanag. Kung ibang tao lang ang kausap, hindi siya mag-aabalang magpaliwanag. ‘Pakialam ba niya? But since he is Wax, may nagtutulak sa kanya na magpaliwanag rito.

“I understand, MJ. May naalala lang naman ako kagabi kaya nag-iba ang mood ko. Pasensya ka na rin. I became rude to you. I deserved to be left there,” anito at natawa pa.

“Bakit natatawa ka pa na iniwanan kita? Hindi ka galit?” nagtatakang tanong niya.

“Why would I get mad? Sanay na akong iniiwanan. Wala nang bago doon. I just didn’t expect that you would, too.”

Kinagat siya ng konsensya niya. Tila napakalalim ng hugot ni Wax sa sagot nito sa kanya. Ibig bang sabihin, marami nang nang-iwan kay Wax sa buhay nito? Bakit ba kasi hindi na lang siya nagpaalam nang maayos?

“I totally understand why you did that. Besides, first time pa lang nating nagkita at wala pa tayong alam sa isa’t isa. Understandable ang mga nangyari. Pero huwag mo nang isipin pa iyon. Ayos lang ang lahat sa akin. Anyway, that is not the reason why I asked you to call,” tuloy pa ng lalaki.

Mabuti naman at hindi galit si Wax. Ayaw niya nang may nagagalit sa kanya kahit pa hindi niya ito kaano-ano. “So what is it that you need from me?” diretsong tanong niya para makabawi man lamang.

“Do you happen to have my wallet? Hindi naman importante ang pera doon.”

Kumunot ang kanyang noo. “Ano’ng tingin mo sa akin, Wax, magnanakaw?” bahagya pang tumaas ang boses niya.

Dali-dali namang bumawi ang lalaki. “No! That’s not it. Sorry. I’m just concerned sa isang flashdrive na naka-ipit doon. It contains important information about my company kasi. I need it sana kung naiwan ko sa’yo, nalaglag sa bag mo or whatever. I already cleaned the house, asked my friends and I also came back to the Gorilla’s para magtanong pero wala kasi doon. Pasensya na talaga. Desperado kasi akong mahanap iyon,” tuloy-tuloy nitong pahayag.

Wala sa kanya ang hinahanap nito. Nag-ayos na siya ng gamit kagabi, pati ang bag na dala niya sa Gorilla’s ay nalinis na niya. Sigurado siyang walang wallet doon na hindi niya pag-aari. Bigla ay nakaisip siya ng isang paraan para hindi tuluyang mawala ang hero niyang si Karlos sa buhay ng kanyang nobela.

“Wax,”

“Yes, MJ? Do you have it?”

“Oo, nandito sa akin. Nahulog mo ‘yata sa bag ko.” OMG, Lord. Sorry, I lied!

Wax sighed with relief. “Buti naman at nasa mabuting kamay ‘yan. Akala ko hindi ko na makikita.”

“Huwag ka nang mag-alala. Nasa akin. Pero ibabalik ko lang ito sa’yo sa isang kondisyon.” Medyo kinabahan siya sa plano niya. Hindi niya alam kung gaano kaimportante ang nawawalang flashdrive para kay Wax pero saka na lang niya aaminin sa lalaki na wala talaga sa kanya iyon kapag nakuha na niya ang impormasyong kailangan niya para sa kanyang nobela.

~~~


WOW! I have to say, you have a very nice house,” bati ni MJ pagpasok nila sa pinto ng bahay ni Wax. Kasama niya sina Jessy at Emilio. Iyon ang kondisyon niya para ibalik ang flashdrive nito na wala naman talaga sa kanya – ang hayaan siyang makilala si Wax nang lubusan.

Blackmailing the Music-hater [PHR] - CompletedWhere stories live. Discover now