Chapter Eight

5.1K 103 3
                                    

I LOVE you, Wax,” bulong niya sa lalaking nakatitig sa kanya.

Hindi na niya napigilan ang sarili na masabi iyon sa lalaki. Mahirap sa kalooban niya na kimkimin iyon lalo at sa mga oras na iyon ay parang gustong magwala ng puso niya sa labis na pagmamahal para sa lalaking kaharap. Wala na siyang pakialam kahit pa magulat ito sa sinabi niya. Ang importante ngayon ay malaman nito ang nararamdaman niya.

“Why?” tanging sambit lang ng lalaking namimilog ang mata.

“Honestly, wala akong dahilan. Basta bigla ko na lang naramdaman.”

“Naaawa ka lang sa nakaraan ko kaya mo sinasabi ‘yan.”

“Of course not!” mariing tanggi niya. “Bago mo pa man sabihin sakin ang nangyari sa’yo, mahal na kita. Kaya pala ako naiinis kay Sunshine at sa’yo. Iyon pala, nagseselos ako. ‘Di ba tinanong mo ako noon kung nagseselos ba ako? May sagot na ako ngayon. Oo, nagselos ako. At nagselos ako dahil mahal kita!” malakas niyang sabi sa lalaki.

“B-but... I-I can’t,” bulong nito.

Parang kutsilyo iyon na humiwa sa puso niya pero wala pa rin siyang pakialam. “I don’t care if you can’t love me. Sinasabi ko lang naman sa’yo ang nararamdaman ko dahil gusto ko. Iyon ang mahalaga sa akin, na malaman mo na mahal kita.”

“MJ, it’s not what I meant. I-I love you, too. Okay?” Tila hirap na hirap pa si Wax na aminin iyon sa kanya. “Huwag mong isipin na hindi kita mahal. Come to think of it. Bakit ko ba ginagawa ang lahat ng ito para sa’yo? Yeah, I think I have the same answer. Dahil m-mahal din kita. I just don’t think na kaya kong humawak ng relasyon. I just told you about the relationship I had back with my family. Natatakot lang ako na baka mangyari sa akin ang nangyari sa kanila. Baka masaktan kita. And I can’t afford to hurt you, MJ. You are the only person who makes me happy right now. P-pero...”

“You don’t have to force youself to be in a relationship with me. Sabi ko nga sa’yo, ang gusto ko lang naman ay malaman mo na mahal kita. Bonus na lang ‘yong malaman kong mahal mo rin pala ako,” nakangiting sagot niya.

~~~

NANG gabing iyon, naging malinaw kay MJ ang lahat. Ang lahat ng kanyang tanong tungkol sa lalaki at maging sa kanyang sarili ay nagkaroon ng kasagutan.

Kahit na hindi pa kaya ni Wax na pumasok sa isang relasyon ngayon, sapat na para kay MJ na malamang parehas sila ng nararamdaman. Mahal nila ang isa’t isa. Sapat na iyon para maging simula nilang dalawa. Hindi niya mamadaliin ang lalaki. Hihintayin niya ito hanggang sa kanya na nitong sumuong sa isang relasyon.

Binuksan niya ang laptop pati ang file ng kuwentong isinusulat niya na hango sa kanila ni Wax. Buong gabi, iyon ang pinagkaabalahan niya. May mga binura siyang parte at mayroon ding dinugtungan. After realizing that she loved Wax, she would not write their story in fiction anymore. Isusulat na niya sa nobela ang tunay niyang nararamdaman. Siya na mismo si MJ na ginawa niyang karakter sa kanyang obra maestra.

May panahon na natitigilan siya nang makalahati niya ang kuwentong isinusulat dahil hindi niya alam kung ano ang magiging pangwakas niyon. Alam niya na magkakatuluyan si Karlos at MJ ngunit hindi niya malaman kung paano. Iyon ay dahil wala pa siyang nararamdamang pagmamahal para sa real-life na bidang lalaki. Subalit ngayon na naliwanagan na siya sa mga nararamdman niya tungkol kay Wax, tila kay dali na para sa kanya na panindigan ang happy ending ng kuwentong isinusulat niya.

Hinawakan ni MJ ang tapat ng puso niya. “Magmula ngayon, ang puso ko ay titibok na lamang para sa’yo, Joaquin Karlos.”

~~~

Blackmailing the Music-hater [PHR] - CompletedWhere stories live. Discover now