Chapter Four

5.5K 119 3
                                    

PAPALABAS NA sila ng bahay ni Wax dahil napagkasunduan nila na dalhin siya sa opisina upang malaman niya ang tungkol sa negosyo nito. Nang mapadaan sila sa malaking espasyo sa loob ng bahay, naisip niya na sana ay may grand piano doon, kagaya ng mga nakikita sa malalaking bahay; kagaya nang sa bahay nila.

"Wax bakit hindi ka maglagay ng piano dito? Black ang white din naman iyon," bigla ay naitanong niya out of curiosity.

Sumagot ang lalaki nang hindi siya nililingon. "I don't need trash in my house. Mas gusto ko ng open spaces kaysa lagyan iyan ng mga bagay na hindi naman importante."

Para sa kanya na isang musikera, importante ang mga musical instruments. Kapag nagagasgasan nga ang gitara niya, parang siya pa ang nasasaktan imbes na ang gitara. How dare him say that it was a just a trash? Kokontrahin na sana niya ang sinabi nito nang maalala niya na ayaw nito sa musika. Subalit sa halip na itigil ang pang-uusisa ay mas lalo pa siyang nagtanong. “Oo nga pala. Ayaw mo sa music. Wala namang ginagawang masama ang musika. Siguro hindi maganda ang boses mo, o kaya, wala ka sa tono kaya galit na galit ka sa music,” aniya. Wala kasi siyang maisip na dahilan na ikakagalit nito.

Hindi kagaya noong unang beses silang magkita na nagbago ang mood nito nang mabanggit ang music, natawa lang si Wax ngayon. “Seriously?” Hawak na nito ang tiyan sa kakatawa. “You really think I hated music because of that? For your information, lady, nasa tono ako. May mga bagay lang na naaalala ko sa tuwing nakakarinig ako ng malungkot na tugtugin. At hindi magagandang bagay ang naaalala ko, MJ. Kaya kung i-interview-hin mo talaga ako, huwag mo nang isali ‘yon.”

“Eh paano kapag may nagte-text sa’yo? Siyempre tutunog ang phone mo. Music ‘yon! Or if someone is calling you, may tunog rin iyon. Alangan namang naka-vibrate o silent mode ka lang lagi. Kapag nagpupunta ka sa mga bar. Oh!” nanlaki pa ang mata niya habang nagpapaliwanag. “Sa Gorilla’s! It was filled with music and sounds!”

Hinila siya sa braso ni Wax. “Hindi naman ganoon ka-OA ang disgusto ko, MJ. ’Wag ka ngang makulit! Basta ayoko ng music at kahit ano’ng musical instruments. Tara na!” tila nauubos ang pasensya nitong inakay siya hanggang sa kotse nito.

“Eh bakit nga kasi?” muling tanong ni MJ. Gusto niya talagang malaman at walang makakapigil sa kanya.

Nang makaupo na ng maayos si Wax sa driver’s seat ay nilingon siya nito at natatawang sumagot, “Matutuyuan yata ako ng dugo sa sobrang kakulitan mo, MJ.”

“Tandaan mo, ang flashdrive!” pagbabanta niya. Ipinagdiinan pa niya iyon.

“Oo na. Don’t use that against me all the time.” Nagkamot ito ng ulo bago paandarin ang sasakyan nito. “I just need to prepare myself a little. Ngayon lang may nakaalam ng tungkol sa pag-ayaw ko sa music. Ngayon lang may nagtanong sa akin kung bakit. Hindi pa ako handang ikuwento sa ngayon. Kagaya ng sabi ko sa’yo, hindi magagandang alaala ang naiisip ko. Right now, I hate myself for even considering na sabihin sa’yo ang lahat. Ewan ko ba. Ang kulit mo kasi. Kalahating araw pa lang kitang kasama pero ganyan ka na kakulit.”

“Eh ganito na talaga ako. Hangga’t hindi mo sinasagot, paulit-ulit ko lang tatanungin kaya sabihin mo na.”

“Can you wait a little longer? Ihahanda ko lang ang sarili ko. That means you have to stick with me hanggang maging ready ako,” seryosong paliwanag nito.

Nakonsensya naman siya dahil hahalukayin niya ang isang seryosong bahagi ng buhay nito. Hindi siya sigurado kung tama pa ba ang ginagawa niya. Well, mali naman talaga na i-blackmail ang lalaki para lang sa impormasyon na gagamitin niya sa kanyang nobela pero kagaya nang hindi maipaliwanag na pakiramdam, may nagtutulak sa kanya na alamin ang mga bagay na iyon.

Blackmailing the Music-hater [PHR] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon