VII

527 11 25
                                    

Chapter Seven

Humalukipkip ako sa isang tabi ng parking lot, malapit sa sasakyan ni Jungkook na maayos na naka-park sa usual spot nito habang mariin niya akong tinititigan, matapos mawala sa paningin namin ang sasakyan ni Kuya Hoseok.

I couldn't believe those two really left me in this jerk's hands when they knew very well how I disgusted the guy. Hindi ba nila naisip man lang na baka masaktan ko lang ang salbaheng lalaking ito? Hindi man lang ba sila nag-aalala para kay Jungkook?

"Are you just gonna stand there? Maggagabi na." The jerk told me, more likely, lightly growled at me. Mahina lang iyon kaya hindi siya nagmukhang galit.

Wow! Ang sarap lang talagang ipa-alala sa kaniya kung sino rito ang nagboluntaryong isabay ako gayong pareho naming alam na hindi iyon magandang ideya!

Umirap ako at itinuon ang tingin sa ibang direksyon dahil naiinis ako sa pagmumukha niyang may pasa, by the way, as usual. Mukhang may naka-away na naman yata ng kupal. Hindi na iyon nakakabigla dahil pala-away naman talaga siya, palagi niya nga akong ina-away.

Magulo ang long sleeves polo niya at bukas ang halos lahat ng butones ng red blazer niya. His necktie was in a messy loose just like how messy his brown hair was. Kumikinang ang diamond earring sa kaliwang tainga niya.

He did really sport his bad and rude boy getup.

And I couldn't believe girls were still drooling over him, when he in fact looked like someone who was ready to beat the hell out of anyone. And again, I believed that was scary.

"Who told you I'll be riding with you? Mauna ka na, magpapasundo na lang ako kay Manong Selmon." Hinawakan ko ang sling bag ko para makuha sa loob ko ang phone ko. Parang gusto ko na ring sirain ang date ni Jimin para magsumbong sa kaniya pero naisip kong masisira ang plano namin so the best choice was to really call Manong Selmon to ask the poor old man to pick me up.

Kaya kong maghintay rito kay Manong Selmon kaysa ang makasama ang kupal na ito sa isang lugar.

Hindi ko alam kung sadyang excited lang sina Ate Milan at Kuya Hoseok sa date nila at sadyang nagmamadali lang sila kaya hindi na nila naalalang hindi kami magkasundo ni Jungkook.

"Nagmamagandang loob lang ako, Hannan. So before I change my mind, tara na sa kotse," sabi niya saka tumalikod na at nagtungo na sa sasakyan niya habang natatawang pinanood ko siya. Did he just threaten me? Na magbabago ang isip niya?

Damn you, go ahead!

Seriously? Ako pa talaga ang tinakot niya? Oh, right, let's freaking show the jerk who was he threatening to.

Inilabas ko ang phone ko at agad na idinial ang number ni Manong Selmon na kabilang sa speed dial ko para sa mga emergency cases na ganito. Agad namang nitong sinagot ang tawag ko.

"Manong Selmon, pakisundo po ako—" Naputol ang sinasabi ko nang may marahas na humablot ng phone ko mula sa kamay ko. Nakangangang nilingon ko ang kupal para lang makitang masama siyang nakatitig sa akin habang nakataas ang kamay na mahigpit na hawak ang phone ko.

From the way his arms corded, I felt like he would destroy my phone with just his grip. Kabibili ko lang noon!

"What the hell is your damn problem?! Akin na iyang phone ko!" galit kong sigaw sa kaniya sabay hablot sa phone ko ngunit mabilis niya iyong inilayo sa akin. Sinalubong kong muli ang galit niyang tingin.

I didn't freaking know why was he freaking doing this to me! Hindi naman talaga kami dapat nag-uusap in the first place e, ang isabay pa kaya niya ako pauwi?! That was just plain ridiculous!

He Submits [BTS Fanfiction] √Where stories live. Discover now