"....I understand, lalo pa at babae ang sa,yo," narinig niyang sabi ng nanay ni Lorenzo sa kanyang ina.
Habang papasok siya sa sala ay hindi niya mapigilang maconcious dahil nakatingin sa kanya si Lorenzo, sinundan siya ng tingin nito hanggang sa makabalik siya sa kanyang upuan at mailapag ang mga dala sa center table. Parang tumatagos sa kaluluwa niya ang mga titig nito. Upang hindi mahalata ay itinuon niya na lamang ang atensiyon sa ama nito na nagsasalita, hindi yata niya kakayanin kung makikipaglabanan siya ng titig sa binata. Baka tuluyang atakehin ang puso niya.
"We didn't know about the situation and I want to apologize kung hindi kami kaagad nakaharap sa inyo. Pinalaki namin na responsable si Lorenzo kaya hindi kami tututol sa gusto mong mangyari, we also think that it's the right thing to do." Mahabang sabi ng ama ni Lorenzo. Nakaharap siya sa mga Madrigal, ngayon niya lang napagmasdan nang maigi ang hitsura ng mga magulang ni Lorenzo, ang ina nito ay maganda pa rin kahit na may edad na, medyo kahawig ito ng artistang si Celia Rodriguez, mukhang mataray ito sa unang tingin, subalit kapag tinitigan ay nawawala dahil di kagaya ng aktres na parang laging nakataas ang kilay, ang sa nanay ni Lorenzo ay tila kay amo ng mga mata.
Ang ama naman ng binata ay hindi maitatanggi ang lahing kastila sa features nito, kahit puro puti na ang mga buhok ay mababakas pa rin ang taglay na kakisigan at kaguwapuhan, dito kumuha ng feature ang binata, naimagine niya si Lorenzo na katulad ng hitsura ng ama kapag umabot na ito sa ganoong edad.
"Mabuti naman ho at naiintindihan ninyo ang kalagayan namin. Nag-iisa ko lang anak si Monica, mula pagkabata ay pinagsumikapan ko siyang mabigyan ng magandang buhay. Alam ko ang hirap na maaaring danasin ng isang single parent, lalo pa at babae siya at hindi ako makakapayag na maranasan iyon ng aking anak. Hindi ho sapat na ang bata lang ang paninindigan ni Lorenzo." Sagot naman ng kanyang ina.
Napakurap pa siya nang magsalita ang binata. "Gusto ko hong humingi ng paumanihin sa inyo kung nabigyan ko kayo ng impresiyon na inaagrabiyado ko si Monica," tumingin ang binata sa kanya nang banggitin nito ang pangalan niya. "Hindi ko nasabi kaagad sa mga magulang ko ang sitwasiyon, I'm sorry ho kung kayo pa ang kailangang unang humarap sa akin. Pakakasalan ko ho si Monica," seryoso ang mukhang sabi ni Lorenzo, sa ina na niya ito nakatingin.
Napatingin naman siya sa ekspresyion ng kanyang ina. Tila satisfied ito sa sinasabi ng mga kaharap. Habang siya naman ay hindi makapagsalita. Ngayong kaharap niya ang mga magulang ng binata at ang binata na mismo, ay tila ngayon lang unti-unting nagsisink in sa utak niya ang mga mangyayari. Magpapakasal sila, ibig sabihin ay magsasama sila sa iisang bubong ng lalake. Magsasama rin kaya sila sa iisang silid? Hindi niya mapigilang isipin. Ngayon pa nga lang na magkakaharap sila kasama ang mga magulang nila ay halos hindi na makasurvive ang puso niya, paano pa kaya kapag dalawa na lang sila?
** Please share with your friends, family, realatives, neighbor, sa mga nakakasalubong nyo sa daan, nakakasakay sa jeep, nakakasabay kumain sa karinderya 😛 and please ADD ME ON FACEBOOK FOR MORE STORY UPDATES. JUST CLICK OR COPY THE LINK BELOW **
https://www.facebook.com/janne.phr

YOU ARE READING
Let Me Love You
RomanceHanda na sanang kalimutan ni Monica ang isang gabing namagitan sa kanila ni Lorenzo subalit hindi niya akalain na magbubunga iyon kaya sinabi niya sa binata ang kalagayan niya, pananagutan naman daw nito ang bata,pero ang bata lang, hindi siya kasam...