Part 24

2.8K 44 0
                                    

Nginitian niya ang lalake na papalabas ng study room. Natigilan pa ito ng makita siya at akmang iiwas sa kanya subalit nilapitan niya ito at sinalubong.

"H-hi, I made breakfast. Kumain na tayo." Anyaya niya rito. kulang na lang ay ibuka niya ang dalawang braso para harangan ito. Nasense yata ng lalake na hindi ito makakaiwas sa kanya kaya walang kibo na nagpatianod na lang at nagtungo sa lamesa upang kumain, sumunod naman siya rito.

Halos sabay silang naupo sa hapag kainan. Nilagyan niya muna ng pagkain ang plato nito.

"Sandali ipagtitimpla muna kita ng kape," akmang tatayo siiya subalit pinigilan ni Lorenzo ang isang braso niya.

"What are you doing?" kunot-noong tanong nito.

"Magtitimpla ng kape," sagot niya.

"No, I mean what are you doing?" mariing ulit nito.

"Ano ba sa tingin mo?" tanong niya, muling bumalik sa pagkakaupo.

Binitiwan ni Lorenzo ang braso niya.

"Kung naaawa ka sa akin, don't. Hindi ko kailangan ng awa mo o ng simpatiya mo. I thanked you sa pakikinig mo kagabi pero you don't have to do this just like how you don't have to pretend to have fallen in love with me." Matiim ang ekspresyon ng mukha nito habang sinasabi iyon.

"Hindi kita kinaaawaan. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Hindi rin ako nagpapanggap na mahal kita. Sinabi ko 'yun dahil iyon talaga ang nararamdaman ko." Umayos pa siya ng upo paharap rito na para bang sa pamamagitan niyon ay mararamdaman nito ang sinseridad niya. "Hindi ko alam kung paano nagsimula pero iyon ang nararamdaman ko para sayo. Hayaan mong mahalin kita, let me love you, hayaan mong tulungan kitang mabura ang sakit na nararamdaman mo. You cannot undo the past but you can choose to start over. Puwede mong kalimutan kung anuman ang nagpapasakit sa kalooban mo." Puno ng emosyon na sabi niya rito.

Umiling si Lorenzo at sinalubong ang titig niya at pagkatapos ay mapait na ngiti. "Hindi ko magawa."

"Bakit?" nafru-frustrate na tanong niya.

"Maybe because it was my price to pay," malungkot na sabi ni Lorenzo.

** Please share with your friends, family, realatives, neighbor, sa mga nakakasalubong nyo sa daan, nakakasakay sa jeep, nakakasabay kumain sa karinderya 😛 and please ADD ME ON FACEBOOK FOR MORE STORY UPDATES. JUST CLICK OR COPY THE LINK BELOW **

https://www.facebook.com/janne.phr

Let Me Love YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora