Naguluhan siya sa huling sinabi ng asawa. "Anong ibig mong sabihin?"
Tiningnan siya nito,tila nagtatalo ang isip kung sasagutin ba ang katanungan niya. Makalipas ang ilang sandali, bumuntong hininga ito at nagsimulang magkuwento.
"She was my girlfriend for ten years. Gusto niyang makapagbarko dahil gusto niyang malibot ang mundo kaya hinayaan ko siya. Last year, I planned to propose to her pagbaba niya. Pero hindi ko alam na nabuntis siya ng kasamahan niya sa barko. inilihim niya sa akin iyon."
Bakas ang pait sa boses nito habang nagkukuwento. Halos hindi na siya humihinga sa pakikinig. Hindi siya kumibo at hinintay na magpatuloy si Lorenzo.
"Nalaman ko lang na buntis siya nang nakabalik na siya rito. I never felt so betrayed. I was hurt. Ang mas masakit pa, hindi siya nagawang panagutan ng nakabuntis sa kanya dahil may pamilya na raw iyon dito sa Pilipinas."
Nakita niya ang pagtitiim ng bagang nito.
"Gusto ko siyang sumbatan," pagpapatuloy nito. "Pinagmukha niya akong tanga. Ten years, I was faithful to her. I planned my future with her, alam niya kung gaano ko siya kamahal kaya hindi ko maintindihan kung bakit nagawa niya sa akin 'yon."
Nakita niyang inihalamos ni Lorenzo ang kamay sa mukha. Tila gustong burahin ang sakit na nakabakas roon.
"Pero mahal ko siya kaya pinili ko siyang patawarin. Kahit na alam kong sa ibang lalake ang pinagbubuntis niya, pinilit ko 'yong tanggapin. Kaya lang, ang hirap pala. Dahil sa tuwing magkasama kami, wala akong ibang naaalala kundi ang kataksilan niya. I still love her pero hindi ko pala kayang tanggapin ang ginawa niya. I was not happy anymore. Everytime I looked at her, I no longer see the girl I planned my future with. Parang ibang tao na siya. Kaya nakipaghiwalay ako sa kanya kahit na nagmamakaawa siyang huwag ko siyang iwan."
This time hindi na naitago ni Lorenzo ang emosyon. Tumulo ang luha nito. Ngayon lang siya nakakita ng lalakeng umiiyak, bakas na bakas ang paghihirap ng kalooban nito. At nasasaktan siya sa nakikita niya. Awang-awa siya rito, hindi dahil mukha itong mahina dahil sa pag-iyak. No, he was far from being weak. Dahil labis-labis ang sakit na kinikimkim nito kaya hindi na napigilang bumuhos nang ganoon ang emosyon ng lalake.
"Paulit-ulit siyang nakiusap na balikan ko, na patawarin ko, pero nagmatigas ako. I gave her hope that we could still be happy together, na kaya ko pa rin siyang tanggapin sa kabila ng lahat pero ako rin mismo ang sumira ng pag-asang iyon because I just couldn't be with her anymore. So I moved on. I ignored all her calls, I shut her out because I canit forgive her for what she has done."
Huminto ito at napapikit nang mariin, bakas ang pait sa mukha nito. "For days, wala akong narinig sa kanya, I thought she was moving on, too. Pero hindi ko alam—" parang may bumara sa lalamunan nito. "Hindi ko alam na ipinalaglag pala niya ang batang ipinagbubuntis niya.
This time ay napasinghap siya sabay tutop sa bibig. "What?" mahinang bulong niya. unconsciously ay napahawak siya sa sariling puson.
"Kaya lang hindi kinaya ng katawan niya, masyadong maraming dugo ang nawala sa kanya. Naisugod siya sa ospital ng mga magulang niya but it was already too late, Masyado nang maraming dugo ang nawala sa kanya. She didn't survive. When I arrived at the hospital she's already gone. Hindi ko man lang siya nakausap para ibigay yung kapatawaran na paulit-ulit niyang hiningi." Muli na namang umagos ang luha sa mga mata nito.
"Oh my God," bulong niya na may kasamang singhap. It was not what she had expected. Ang akala niya ay naghiwalay lang ito at ang dating kasintahan. Ngayon ay naging malinaw na ang lahat sa kanya kung bakit sa tuwina ay may lungkot na lagi niyang naaaninag sa mga mata nito. Her husband is not just in pain, he is also filled with guilt and regret. She felt her heart breaking for him.
"I was so guilty. Alam kong kailangan niya ko pero pinabayaan ko siya. I could have not shut her out, I could've stayed as her friend. Alam kong kailangan niya nang masasandalan nang mga panahon na 'yon. She was so vulnerable during that time at pinabayaan ko siya. Kung hindi ko iyon ginawa ay hindi niya maiisipang ipalaglag ang ipinagbubuntis niya. Sana ay buhay pa siya. It was my Fault that she's dead."
"Hindi mo kasalanan. God rest her soul, but it was her choice to abort her baby. You did what you had to do. It wasn't your fault." Nanginginig ang boses na sabi niya, hindi niya alam na umiyak na rin pala siya. "At kung nandito siya ngayon, alam kong hindi ka niya sisisihin sa nangyari sa kanya."
"Pero wala na siya. Hindi na ko makakahingi ng tawad sa kanya at hindi ko na rin maibibigay nag kapatawaran na ilang ulit niyang hiningi. All that's left are pain and regret, and I have to live with that for the rest of my life. I don't desereve to be happy, I don't deserve anything except for this misery. And for a long time I was miserable that's why I took a leave of absence. I did nothing but drowned myself with pain and agony. Hindi ko hinayaan ang sarili ko na kalimutan ang nangyari sa kanya. Until I can no longer stand the loneliness kaya noong last day ng company outing ay sumunod ako sa Batangas, i wanted to get away from myself pero nang nandoon na ko I couldn't bring myself na makihalubilo sa inyo how can I be happy being alive when Lory is dead? Nang datnan mo ako sa cottage I was even planning to drown myself, but you came, I invited you in because I was afraid that I would go through with what I was thinking. You see, I was a coward. I can't even let myself free from this agonizing pain. Because I know I deserved this, I deserve to be miserable." Mapait ang tinig na sabi ni Lorenzo.
"Hindi yan tooo. You have to forgive yourself. Hindi mo kasalanan ang nangyari. You don't deserve this pain. Hindi ka dapat maging miserable sa isang bagay na hindi mo kasalanan." Hinawakan niya ang kamay nito. "You deserve to be happy. You deserve to be love."
Napako ang mga mata nitong basa ng luha sa kanya. "How can you say that?" mahinang sabi nito.
Tiningnan niya rin ito sa mga mata, pinigilan niya ang kumurap at humugot muna nang malalim na buntong hininga upang ipunin ang lakas ng lob bago nagsalita. "Because I have learned to love you."
Napakurap-kurap ito habang nananatiling nakatingin sa kanya, at pagkatapos ay umiling subalit hindi ito nagsalita. Dahan-dahan nitong inalis ang kamay niyang nakahawak sa kamay nito, at pagkatapos ay tumayo at lumabas ng silid. Naiwan siyang mag-isa habang nakatingin sa espasyong iniwan nito.
** Please share with your friends, family, realatives, neighbor, sa mga nakakasalubong nyo sa daan, nakakasakay sa jeep, nakakasabay kumain sa karinderya 😛 and please ADD ME ON FACEBOOK FOR MORE STORY UPDATES. JUST CLICK OR COPY THE LINK BELOW **
https://www.facebook.com/janne.phr

YOU ARE READING
Let Me Love You
RomanceHanda na sanang kalimutan ni Monica ang isang gabing namagitan sa kanila ni Lorenzo subalit hindi niya akalain na magbubunga iyon kaya sinabi niya sa binata ang kalagayan niya, pananagutan naman daw nito ang bata,pero ang bata lang, hindi siya kasam...