"I called doctor Mallari, he's our family doctor, pupunta siya rito para matingnan ka, for the mean time, he asked me na pahigain ka muna habang hinihintay siya." sabi nito, hawak pa sa isang kamay ang celphone.
"Salamat, pero sa tingin ko hindi mo na siya kailangan papuntahin, nawala na yung kirot." Paliwanang niya rito.
Nakita niyang nabawasan ang pag-aalala sa mukha ng lalake nang marinig ang sinabi niya. "Are you sure na hindi na masakit?" tanong nito.
Tumango siya.
"That's good. Pero kailangan mo pa ring matingnan ng doctor para makasigurado tayo."
Kahit na alam niyang nag-aalala lang ito para sa bata ay naantig pa rin ang damdamin niya sa ipinapakitang concern nito.
"K-kung iyon ang gusto mo," sagot niya.
Ang akala niya ay lalabas na ang lalake subalit naupo pa ito sa gilid ng kama. Bahagya itong nakatalikod sa kanya.
Nang walang ano-ano ay biglang kumulo ang tiyan niya. Biglang nag-init ang mukha niya nang lumingon si Lorenzo, ang kunot sa noo nito ay unti-uting nawala at napalitan ng amusement ang reaksiyon ng mukha nito. halatang narinig nito ang pag-iingay ng sikmura niya.
"S-sorry, hindi kasi ako gaanong nakakain kanina sa restaurant," nahihiyang paliwanag niya.
"Sandali lang, I'll be back." Sabi nito sa kanya at mabilis na tumayo mula sa kama at lumabas ng silid.
Paglabas ng binata ay hindi niya napigilang itakip ang mga palad sa mukha. Nakakahiya.
** Please share with your friends, family, realatives, neighbor, sa mga nakakasalubong nyo sa daan, nakakasakay sa jeep, nakakasabay kumain sa karinderya 😛 and please ADD ME ON FACEBOOK FOR MORE STORY UPDATES. JUST CLICK OR COPY THE LINK BELOW **
https://www.facebook.com/janne.phr

BINABASA MO ANG
Let Me Love You
RomanceHanda na sanang kalimutan ni Monica ang isang gabing namagitan sa kanila ni Lorenzo subalit hindi niya akalain na magbubunga iyon kaya sinabi niya sa binata ang kalagayan niya, pananagutan naman daw nito ang bata,pero ang bata lang, hindi siya kasam...