Chapter 5

1.8K 31 1
                                    

"Simon saan mo ako dadalhin? "

Sa wakas ay natanong ko din kanina pa kami bumabyahe pero hindi pa rin kami nakakarating sa paroroonan namin.

"To my house. From now on saakin ka na titira at magiging personal kong alalay."

After a few more minutes huminto ang sasakyan namin sa isang malaking kulay itim na gate.

Pag busina niya ay pinag buksan kami ng dalawang lalaki . Base sa uniporme ng mga ito ay tiyak kong bodyguards ito ni Simon.

"Baba." Dali dali akong bumaba

"Good evening sir."

Bati sa kanya ng isang guard tinanguan lang niya ito.

"Sinunod mo ba ang inutos ko?"

tahimik lang ako na nakatayo habang nakikinig sa pinag uusapan nila.

"Yes sir. Tinanggal ko na po lahat ng maid tulad nang sabi niyo."

"Good. Because from now on may bago ng gagawa sa lahat ng tungkulin sa bahay ko."

alam kong ako ang tinutukoy niya ngunit nanatili lang akong tahimik.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay inilibot ko ang paningin ko sa buong bahay.

May kalakihan ang bahay.

"Ano pang tinatanga mo? Ipagluto mo ako ng makakain. Bilisan mo."

Pagkatapos niyang sabihin yun ay agad siyang umakyat.

Ako naman ay walang kibong pumunta sa kusina para magluto.

Naghanap ako ng pwede kong mailuto at sakto naman na may mga ingredients siya pang adobo kaya yun na ang napag desisyunan kong lutuin.

Nagsaing nadin ako habang niluluto ang ulam para mas mabilis akong matapos.

Nang maluto ay naghain nako at umakyat sa taas upang tawagin si simon.

"Luto na ang pagkain. "
Nagsalita ako kahit hindi pa man niya ako pinagbubuksan ng pinto.

Pero pagkalipas ng ilang Segundo ay lumabas na din siya at pumunta sa kusina.

Gusto ko nang magpahinga. San kaya ang kwarto ko?

Pumunta ako ng kusina upang itanong kung saan ako pwede magpahinga.

Naabutan ko naman siya na nakaupo lang at hindi ginagalaw ang pagkain niya.

"Simon Gusto ko ng magpahinga, bukas ko na sisimulan ang trabaho ko saan ako pwede matulog?"

"Maupo ka . Kakain ka."

It's not even a question it's a command. Kaya wala akong magawa kundi ang umupo .

"Busog pa'ko."

Wala pa akong kinakain pero hindi lang talaga ako makaramdam ng gutom ngayon kaya ko nasabi yun.

"kakain ka o ikaw ang kakainin ko?"

Wait what?

Nanlaki ang mga mata ko at agad akong sumandok ng pagkain at nagmamadali na sinimulan ang pagkain.

Tahimik kaming natapos na dalawa sa pagkain.

matapos kong hugasan ang pinagkainan amin ay naabutan ko si Simon sa sala habang nanonood.

"Simon Saan ako pwedeng magpahinga? hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kanina."

Tumingin naman siya sakin ng diretso.

"Sa kwarto natin."

"Ha? nababaliw ka na ba?"

Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sakin.

Di pako baliw nito Pxiantine. Doon ka sa tabi ko sa ayaw at sa gusto mo.

Pag kasabi na pagkasabi niya non ay agad na pinatay niya ang t.v at dire-diretso na naglakad patungo sa kwarto at ako naman ay tahimik na sumunod.

Pasalampak na nahiga siya sa kama

Sa baba na lang siguro ako matutulog..

Kukunin ko na sana ang extrang kumot at unan sa tabi ni simon ng mabilis niyang hapitin palapit ang aking bewang..

"Dito ka sa tabi ko matutulog Pxiantine hindi ka pwedeng lumayo ."

Sasagot pa sana ako ngunit agad niya ako hinila pahiga at hinalikan.

hindi katulad ng karaniwang halik ang halik na ipinararanas niya sa akin ay sobrang sakit halos magdugo na ang aking mga labi sa paminsan minsan niyang pagkagat .

At tumigil lang siya ng pareho na kami kinapos ng paghinga.

"Iniwan moko dahil sa hindi ako magaling? Pwes kabahan kana Pxiantine because I'm going to fuck you real hard. Sisiguraduhin ko na doble ang sakit na mararanasan mo sa pag iwan sa akin na miserable. "

My Heartless Ex HusbandWhere stories live. Discover now