CHAPTER 15

1.2K 18 6
                                    

After that incident hindi nako masyadong pinapansin ni Simon kinakausap niya lamang ako kung Importante talaga .

  kahit sa bahay , humiwalay narin siya ng kwarto at binigyan niya rin ako ng sarili kong office sa kumpanya.

 Pati narin ng credit card,  hindi ko tinanggap nung una pero ang sabi niya ay ang laman daw nun ay ang paunang sweldo ko kaya naman ay tinanggap ko na .

Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng biglaang pag iwas niya . 

halos tatlong linggo narin simula ng pumasok sa kumpanya at wala akong ginawa kundi mag record  at mag encode ng napakaraming paper works at files. 

sa sobrang dami ng gawain ko ay hindi na'ko makatayo upang umihi man lang .

"Ms. Xian hindi ka po ba kakain muna ?"

tanong ni Mia. Siya lang ang bukod tanging babaing nakagaanan ko ng loob, dahil narin siguro sa maamo niyang mukha gayun na din ang pagiging approachable niya.

" Drop the formality Mia magkasing edad lang tayo . Kakain ka na rin ba ? "

nahihiyang ngumiti ito .

" Ah , Oo gusto ko sanang sabay na tayo."

tiningnan ko naman ang tambak na gawain sa aking lamesa at tumingin kay Mia .

"Pasensiya na gustuhin ko man pero ang dami pang kailangang gawin eh . Next time ."

pag papa-umanhin ko .

" Okay , sige pero wag mong kakalimutan kumain pag nagugutom kana ."

wika niya sabay alis .

Ilang oras pa ang lumipas at hindi parin ako nag ha-hapunan.

kumakalam na ang aking sikmura ngunit hindi pa rin ako makatayo upang kumain dahil wala pa ko sa kalahati ng aking ginagawa .

maya maya lamang ay naputol ang pagtitipa ko sa aking laptop ng may nagpatong ng baunan sa aking lamesa . 

nang tingnan ko kung sino ito ay nakita ko si Gray na naka-kunot ang nuo .

"Sabi ni Mia hindi ka pa daw tumatayo diyan simula kanina ."

nakunot naman ang nuo ko sa aking noo.

"kakain narin ako maya-maya kakalahatiin ko lang tong ginagawa ko."

napatitig naman si Gray sa tambak na mga papel sa aking lamesa.

" Mababaliw ka muna bago mo pa makalahati yan kung hindi ka kakain , at sino ba nag sabi na ikaw ang gumawa ng lahat ng yan? kumain ka muna nagluto ako ng baon ko saluhan mo'ko"

Hindi ko maiwasan na mapatingin muli sa baunan na nasa aking lamesa .

" Ikaw nagluluto ? at bakit ka pa nagbabaon ? mayaman ka naman kayang kaya mo bumili ng kahit anong pagkain na gusto mo ."

" Yes, ako ang nagluto and No , hindi ako mayaman mahirap na mamamayan lang ako ng bansang pilipinas . kaya wag kana maraming tanong kumain na tayo."

Ako pa ang niloko nito e halatang halata sa relo pa lamang nitong  Audemars Piguet ay nag susumigaw na ang yaman nito .

tatanggi na sana ako ngunit bigla na lamang kumalam ang aking tiyan .

" See? I know that you're hungry ."

wika nito habang ina-aayos ang baunan na dala.

"Come on tine let's eat work can wait."

" At kailan pa tayo naging close para bigyan ako ng nickname?"

My Heartless Ex HusbandWhere stories live. Discover now