Three

14.9K 409 20
                                    

Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman 'tong mga 'to lalo na kapag naiisip ko si Cohen. I mean, never pa 'kong nagkagusto sa isang tao. Sa sobrang pihikan ko, never akong unang nagkagusto. Hindi naman sa pagmamayabang pero sila talaga yung nagkakagusto sakin pero ako? Baka kahit anong pilit mo hindi parin kita magustuhan.

I'm in the office right now pero anong ginagawa ko? Busy sa pangi-stalk kay Cohen! Google, Twitter and even her Instagram hinanap ko na! Hindi ko kasi maaccess yung facebook diba? Kainis!

Google results.

Cohen Danielle Guevarra Lazaro
23 years old.
Graduated at University of the Philippines
Suma Cum Laude of her batch
Has a brother naming Cole Daniel Guevarra Lazaro, 30 years old and has his own family.
Based on my research, she's really a shy type.
Doesn't eat jelly ace 'cause she finds it weird.
Beside of  their Family business arcade games, she's an investor of the famous five star hotels, she also has some shares in other business here and abroad.

Hanggang diyan palang ang nalalaman ko dahil private talaga siyang tao. I remember na inadd ko siya sa facebook! Binuksan ko kaagad yung account ko sa laptop ko atsaka ipinunta sa facebook niya.

What the hell?! Hindi niya parin ako inaaccept?! Samantalang online naman siya nung inadd ko siya! Nakakainis!

Sila Sam friends niya na and even Crey! As in lahat sa barkada then ako? Ako lang yung hindi niya friend? The hell! May galit ba siya sakin?!

Tumunog ang telepono kaya sinagot ko naman.

"What is it?" Medyo inis kong tanong.

"M-Ma'am, meeting niyo na po in five minutes..." Sabi nung secretary ko. Nag okay lang ako atsaka ibinaba yung tawag.

Sinara ko agad yung laptop ko atsaka dinala yon sa conference room.

The meeting is about a shareholder na ibinenta na sa ibang investor yung shares niya dahil hindi na siya magi-stay dito sa bansa. Na review ko na naman kaya wala na 'kong violent reactions. Nung una medyo inisip ko pa kung sino ang bibili ng shares niya dahil medyo malaki 'yon pero sinabi naman niya agad na meron ng willing na bumili non. Hindi siya dito sa company pero marami din daw business 'yon. Hindi ko na inalam kung sino dahil alam ko ipapakilala rin naman 'yon ngayon.

May hinihintay pa yata kaya hindi pa nagsisimula ang meeting. I don't mind. Ini-stalk ko pa si Cohen sa twitter. Iniscroll ko pa yon hanggang sa pinakauna niyang tweet.

Cohen Lazaro

I don't know, but the moment she layed her wonderful eyes on me, I blushed.

Comments:

Kianna Sta. Cruz

The girl on the island surely marks on you💕

Megan Yap

The girl named Lj Go?

Cohen Lazaro

Shit ka, Meg!

Megan Yap

Bitch, you're not connected with her here! Its fine😉

Tangina! Naalala ko na! Siya yung may shade ng color gray ang mga mata at may mole sa tip ng nose na sinasabi ni Sam before!  Siya yung inaasar nila Alec kay Lj nung naabutan namin sila ng mga girls sa may part ng arcade games sa island! She looks more matured now...dati, obvious na sobrang mahiyain siya dahil sa asar sa kanya nila Alec.

But, wait! She likes Lj?! Oh my god! Dapat ba 'kong mainis kay Lj? The hell!

"Ms. Lim?" Napatingin ako sa isang shareholder din. Magkasalubong ang kilay. Napalunok naman siya. "T-the new shareholder is here..." Huminahon naman ako.

Yeux GrisTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang