Twenty Three

12.6K 357 138
                                    

"You punched, Crey?!" Singhal ni Hopey kay Lj. We're currently having a video call. Hindi na sinama ni Lj si Hopey pabalik dito sa manila dahil ayaw niya daw ma stress yung pamilya niya sa kakapabalik-balik.

Ngumuso si Lj. "Baby, she grabbed my cuello! That's her conseque—" Natahimik siya ng tinignan siya ng masama ni Hopey. Gusto kong humagalpak sa kakatawa dahil sa maamong mukha ni Lj ngayon. Under talaga! Hahahaha.

"Did she punch you first?" Umiling siya. "See?! Hindi naman pala! Diba sabi ko wag kang mananakit?!" Humiga ako bed nila, pinapanuod na pagalitan si Lj. "Wag na wag kang uuwi dito, Louise Jayle!" And damn, Hopey ended the call.

Nagkatinginan kami ni Lj at nagtawanan. Natatawang umiling nalang siya at humiga din sa tabi ko.

"Sus, isang kalabit ko lang naman bumibigay na." Sinapak ko siya sa braso.

Kinuha ko yung phone ko sa gilid ng kama. Tinext ko si Hopey na wag magsasalita basta sagutin nalang ang tawag ko. Nag okay naman siya."Hindi ka ba naiinis na ganon si Hopey sa'yo?" She chuckles. Anong nakakatawa sa tanong ko? Dapat nga na-o-offend siya, e!

"No. I love her for being herself." Ngumiti siya. "Ang dami ngang nagsasabi sakin na bakit daw pinapayagan kong ganunin ako ni Athena, ang palagi ko namang sinasagot, mahal ko siya. I don't really care kung ano ang tingin nila sa relationship namin. I'm really blessed na she chose me1. Nakikita niyo yung side niya na ganon pero para sakin gustong-gusto ko na ganon siya kasa alam kong para sakin din naman kung bakit niya ko pinagbabawalan minsan. May mga sides din akong siya lang ang nakakaintindi kaya I'm thankful na siya talaga yung naging asawa ko." Damn, wala si Hopey sa tabi namin pero kung magsalita siya parang gusto lang niyang pakiligin si Hopey. Hindi niya rin alam na nakikinig si Hopey pero grabe talaga siyaaa!😍 I really wish na may ganyan din sakin. Yung tipong kahit hindi kayo magkasama, proud pa rin na ikaw yung kasama niya sa buhay.

"How much do you love, Hopey? I know that sobrang matagal mo na siyang gusto nung college days palang pero gusto kong malaman ngayon kung ano na ba?" Nakatingin lang kaming dalawa sa kisame ng kwarto nila. May mga photos sila ng pamilya niya doon kaya ang sarap pagmasdan.

"Wayback in college, gusto ko siya kasi ang ganda niya. Gusto ko siya kasi nakakaakit yung mga maliliit niyang nunal sa mukha. Gusto ko siya kasi para sakin lahat ng ginagawa niya, cute siya tignan. Gusto ko siya kasi she knows how to turn down her suitors. Gusto ko siya kasi ang bango niya. Gusto ko siya kasi parang ang sarap sarap niyang ipagdamot. Gusto ko siya kasi ang sarap pakinggan ng boses niya kahit maliit." Napatawa kami sa sinabi niya. Yes, ang liit talaga ng voice ni Hopey and it really sounds so cute! Ang lambing kasing pakinggan kaya lakas din maka pa-fall! "Pero ngayon? Kahit pa hindi siya mag-ayos wala na 'kong pakialam. Kahit pa wala na siyang suot, okay lang basta ako lang nakakakita. Kahit pa bumaho siya ngayon, kahit pa lumaki ang boses niya, wala na 'kong pakialam. I love her. Kapag mahal mo, lahat ng flaws niyan mamahalin mo. Alam mo ba nung buntis siya one time bigla siyang umiyak tas sabi niya hindi na daw siya yung nagustuhan kong babae before. Hindi na daw siya yung magandang kinahumalingan ko. Ang taba na din daw niya. Kung hihiwalayan ko daw siya maiintindihan daw niya pero sinabi ko sa kanya na wala naman na 'kong pakialam kahit pa tumaba siya. Mahal na mahal ko siya. Atsaka, never naman siya pumangit kaya nga kahit dalawa na yung anak namin grabe ko parin siya kung bakuran, e. Wala e, sobrang ganda ng minahal ko na minsan hindi ko parin talaga maisip kung bakit ako yung pinili niya."

Damn, Lj! She really loves Hopey so much. Nakangiti akong humarap sa kanya. Pinatay ko yung tawag atsaka tinext si Hopey.

"Sinong katext mo? Yung duguan o yung napuruhan ko?" Tanong ni Lj. Hindi ko siya pinansin.

Me

Okay na ba, Madame? Triplets na ba kalalabasan nito?

Hopey

Kainis talaga yang baby ko na yan! Pauwiin mo na yan dito. Nanggigigil ako! Gusto ko na siyang halikan!😊😍😍

Me

Parang kasasabi mo lang na wag na wag siyang uuwi? Hmm?

Hopey

Oh shut up, Mon! I miss my baby!😞 Pauwiin mo na please? Mag stay muna kayo dito ni Cohen. Alam kong gusto mo rin naman.

Me

Good idea. Sige, iinform ko lang si Cohen.

"I'll call Cohen. Doon muna kami sa Palawan. Ikaw? Wag ka daw uuwi, e." Tinawanan ko siya.

"Whatever, Mon. Hindi ako matitiis non!"

"Sige nga, call her nga! Kapag hindi siya sumagot within three rings, galit pa yan sa'yo." Though, I'm sure na isang ring palang sasagutin na ni Hopey yan.

Kinuha niya yung phone niya at tinawagan na nga si Hopey. Napasuntok pa sa hangin si Lj ng isang ring lang sinagot na kaagad ni Hopey. See?

"Baby ko, sorry na ha? Wag ka ng magalit please? Naiiyak na 'ko...hindi ko kaya ng nagagalit ka sakin...nanghihina ako," Pang uuto niya kay Hopey. Inirapan ko siya pero nag tongue out lang siya sakin.

Hinayaan ko siyang kausapin si Hopey don. Pumunta ko sa veranda para tawagan si Cohen. Nag-aalala pa rin ako sa mukha niyang duguan.

"Yes, mahal? Nandito lang ako sa pool side." Naglakad na agad ako pababa. Mabilis ko siyang pinuntahan sa pool side. Pinatay ko na yung tawag ng nakita kong nandoon nga siya!

Malinis na rin yung mukha niya dahil nilinis nga pala ni Lj kanina. Nakapagpalit na rin siya ng damit. May dugo rin kasi yung suot niya kanina. Umupo ako sa lap niya at yumakap kaagad.

"Hindi ka umalis?" Sabi ko habang nasa leeg niya ang mukha ko.

"Hindi po." Hinahaplos niya yung likuran ko. Damn her long fingers!

"Where's Crey?"

"Umuwi siya pagtaas niyo ni Lj. I didn't disturb you because I know that its your time with your bestfriend..." Humalik siya sa pisngi ko. "Let's go to my house na? I missed you."

"I missed you so much..." Hinaplos ko yung cleft chin niya. "We will go to Palawan with Lj." Tumango siya. "Do you have work?"

"I always have, but I can work through my laptop. I want to be near you all the time." Tumingin siya sakin. Umayos ako ng upo sa lap niya. Yumakap ako sa leeg niya. Magkatapat ang mukha namin.

Dahan-dahan ko siyang hinalikan. Kinagat niya yung pangibabang labi ko kaya napanganga ko. Her tongue delved into my mouth and taste every part of it. She pull my lower lip using her teeth then lick it seductively.

"Not in my house! Kami lang ng asawa ko ang pwedeng mag love making sa bawat part nito!"

Natatawang tinigil ni Cohen ang ginagawa niya. Inis na inis naman akong tumingin kay Lj! Binuhat ako ni Cohen at inupo sa tabi niya. Ang sama parin ng tingin ko kay Lj.

"Hey, you might kill me with that look! Kasalanan ko bang sa bahay ko kayo nag ganyan? Itong tigang na 'to ako pa sinisisi!" Namula ako sa sinabi niya.

"Whatever. I'll prepare my clothes then let's go to Palawan." Hinila ko na si Cohen palabas. Narinig ko pa yung sinabi ni Lj.

"Monique Aphrodite, quicky lang ha? Namimiss ko na yung asawa ko! Iiwan ko talaga kayo diyan! Tsaka na round two!" Bwisit! Bwisit talaga siya minsan!

Hanggang makarating sa bahay tawa ng tawa si Cohen dahil sa mga pinagsasabi ni Lj. Bentang benta porket crush! Hmp!

"Baby, tara, quicky lang daw pwede!" Sabi niya habang papasok kami sa bahay. Hinampas ko siya sa braso. "Aww!" She laughs. Naglakad na 'ko pataas sa hagdan. Paglingon ko nakaupo na siya sa couch habang hawak yung phone niya.

"What are you doing?" Nagtatakang tanong ko. Its not that I want the quicky thing ha? I just thought na she'll go with me in my room.

"Uh, waiting for you to finish your things?" She said with as-a-matter-of-fact tone.

"You can go with me inside my room," I replied.

"I'll wait here. It's unproper, baby. Now, go and prepare your things." She smiled. Napangiti din ako.

This girl...really.

😍

Yeux GrisWhere stories live. Discover now