Twenty Six

12.2K 331 147
                                    

Wearing my simple black dress, I smilingly walked through the house's grand staircase. Iniisip ko palang ang mangyayari mamaya sa dinner date namin ni Cohen, napapangiti na kaagad ako. Honestly, I'm not a fan of formal dates. As long as I love the person, I don't care where we go basta we are together.

I was told na Cohen is already on the yacht, waiting for me. Nakangiting nakatingin lang si Hopey sakin while si Lj ni hindi manlang lumingon sakin. Tss!

"Yung mga ganyang kaganda, Mon, I think may mangyayari na mamaya!" Inirapan ko si Hopey pero natawa din naman ako.

"Stop dreaming, Monique Aphrodite, that is MY yacht. Got it?" There, lumingon na sakin si Lj. Katulad sa ginawa sa asawa niya, inirapan ko din siya. Kinuha ko na kay Hopey ang iniabot niyang pouch sakin. Magpapaalam na sana 'ko kaya lang biglang nag ring ang phone ko kaya agad ko 'yong kinuha sa pouch ko.

Sam's calling. Nagtataka man, sinagot ko din yon.

"Mon!  Fuck shit! Go home now!" Nabigla ako sa biglang sigaw ni Sam. Kinakabahang napatingin ako sa dalawa. Tumayo si Lj sa pagkakaupo niya at mabilis na lumapit samin ni Hopey.

"W-why, Sam? Is there a-anything wrong? And you're out of the country, right?" Gulong tanong ko naman. Why is she shouting?

"No! Nandito na kaming lahat sa Manila! Lj didn't tell you?!" Napatingin ako kay Lj. Seryoso lang siyang nakatingin sakin. "Damn that bestfriend of yours! But, shit Mon you need to go back now! Nasa OR si Crey right at this moment! May bumaril sa kanya kanina kaya sinugod agad siya dito!"

WHAT?!!!

"MON!! Are you still there?! Fuck it, just go home now!"

Hindi ko na pinakinggan pa ang sinasabi ni Sam. Niyakap kaagad ako ni Hopey ng makitang iyak na 'ko ng iyak! Si Lj na rin ang kumausap kay Sam. Sinabi kong kailangan naming umuwi agad at hindi na sila nagreklamo pa. Ipinahanda agad ni Lj ang private chopper niya at hindi ko na inisip pa ang mga sumunod na nangyari basta nakita ko nalang ang sarili ko na umiiyak sa ospital kung saan inooperahan si Crey.

Hindi manlang ako binati ng mga kaibigan namin. Lahat sila ang sasama ng tingin sakin at sa tingin ko alam na nila ang lahat. Hindi ko nalang muna inintindi yon when in fact ang sakit sakit lang din talagang makitang parang wala lang ako dito para sa kanila.

Crey's parents are not yet here. They are out of the country since last month pa. Yung mga pinsan niya naman papunta palang dito.

Ipinaliwang ng doktor na maayos naman na si Crey pero siyempre, hindi pa siya makakalabas kaagad. Inilipat muna siya sa isang private room para pwede namin siyang mabisita. Bumuhos nanaman ang panibagong luha ko ng nakita ko kung ano ang hitsura niya ngayon.

She will not like it if she see herself like this. Ayaw niya ng mukha siyang madungis kaya alam kong magpapalakas siya kaagad.

Hinawakan ko ang kamay niya ng makita kong maayos na ang pagkakahiga niya. She's still unconscious.

"How dare you hold her hand when you're the one who fucking let go in the first place?" Gusto ko mang harapin ng sama ng tingin si Shine hindi ko rin magawa. I know I am fucking wrong!

"So kaya pala nawalan ka ng gana mag-ayos ng kasal niyo kasi may kinakalaguyo kang iba? What the hell, Monique!" Singhal naman ni Steff.

"Nasaan yung kabit mo? Nahiya ka pa! Hindi mo pa sinama!" Si Shine nanaman. I understand her kasi saming mga babae, siya ang may pinakaayaw ng cheating dahil sa past ni Cloud. I understand Steff, too, dahil alam ko namang kaibigan nila si Crey. Kung ganyan ang trato nilang lahat sakin ngayon, naiintindihan ko dahil kasalanan ko naman talaga.

Yeux GrisOn viuen les histories. Descobreix ara