Dead #2

1.3K 71 45
                                    

Luna Chandria's POV

Nagsimula na akong maglakad papasok ng eskwelahan, sa pagpasok ko namangha ako sa mga punong bumungad sa akin. Maganda pala ang lugar na to,tahimik at sariwa ang hangin.

Habang naglalakad ako dito sa parteng gubat ng St. Arthur Academy may napansin akong isang lalakeng natutulog sa isa sa mga puno sa gilid ko.

"Hindi kaya siya mahuhulog?" pabulong kong sabi sa sarili ko.

Hayaan ko na nga lang, pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa tapat ng principal's office.

*tok*

*tok*

*tok*

Dahang dahan kong binuksan ang pintuan.

"Magandang umaga po mam." Magalang kong sabi sa isang babaeng nasa 40+ na ata ang edad,siya siguro si principal Masabe.

"Oh! Ms. Colis. Im glad to see you here in my office." Nakangiting sabi niya.

Tinignan ko lang siya habang nakatayo pa rin ako sa may pintuan.

"Masaya talaga ako at nakita ko na sa personal ang nag-iisang tagapagmana ng mga Colis."

Ngumiti nalang ako ng pilit.

"By the way Ms.Colis, heto na iyong susi ng locker mo." Sabay bigay sa akin.

"Hindi mo pa ata kabisado tong school,kaya i totour nalang mo na kita bago kita ihatid sa classroom mo. Total naman may 20 mins pa bago mag start ang klase ninyo." Tumayo na siya at sumunod naman ako palabas ng office.

Pinakita ni principal Masabe sa akin ang buong academy. Buti nalang pala at hindi gaanong mainit sa lugar na to,kaya okay lang na hindi nalang ako mag papayong. Mala- nature kasi tong St. Arthur eh.

Pagkatapos niya akong i tour, hinatid niya agad ako sa classroom namin. Pansin ko lang kanina nung naglalakad kami sa hallway, panay tingin sa akin ang ibang mga estudyante. Nahalata kaya nila tong kulay ng balat ko,sabagay hindi ko naman din to maitatago.

Nasa tapat na kami ng room 502.

"Sige na Ms.Colis, pumasok ka na."

"Okay mam." Mahina kong sabi.

Binuksan ko na ang pintuan ng room at ..

"Yes?" sabi ng isang babaeng morena na nasa harapan ng blackboard ngayon.

Napatingin naman sa akin ang ibang mga estudyante.

"Ehem"

"Oh! Principal Masabe,ikaw pala."

"Ms. Valerio,ito pala si Ms. Colis the new transfer student." Pagpapakilala sa akin ni Ms.Masabe.

"Hi Ms. Colis,Ako nga pala si Ms. Ann Fee Valerio,your homeroom teacher." Nakangiti niyang sabi.

"Ikaw na bahala sa kanya,Ms. Valerio."

"Sige po mam."

The Living Dead [KathNiel]Where stories live. Discover now