Dead #10

608 15 7
                                    

"Miss Luna." nagising ako sa liwanag na galing sa bintana ko.

"Miss Luna,nakahanda na ang liliguan mo." bumangon na ko at sinuot ang tsinelas ko.

"Tuwalya niyo." kinuha ko ang tuwalya sa kamay ni Aimee."Salamat" at dumeritsyo na ko sa banyo.

Hinubad ko na ang suot kong damit at ibinabad ang sarili ko sa bathtub.Ipinikit ko ang aking mga mata habang ninanamnam ang mainit na tubig sa katawan ko.

Flashback~

Pinihit ko ang doorknob at nakita ko si..

"Cha." nakakunot ang nuo nito habang nakatingin sa akin.

Dali-dali kong ipinikit ang mga mata ko,nakita niya kaya?

"Anyare sayo Cha? masakit ba mata mo?"

"Cha!" hinawakan niya ako sa braso,dali-dali kong iniwas ang sarili ko sa kanya.Nagtalukbong ako ulit ng kumot.

"Cha naman eh,para ka namang baliw.Ano ba talaga nangyari sayo?kanina sabi mo masakit ulo mo.Ngayon naman,mata mo na?" ang kulit din talaga nitong si Pat.

"Sige na Pat,kaya ko na ang sarili ko.Papunta na din naman sina Aimee dito."

"Sige na nga! basta Cha ha,tandaan mo iyong sinabi ko sayo! bye! muah!"

End of flashback

Napamulat ako ng may marinig akong kumakatok.

"Miss Luna,ayos lang ba kayo diyan? kanina ka pa hinihintay ni Ms.Therese sa baba." nakatulog pala ako.

"Ayos lang ako Aimee,bababa na din ako." pagkatapos kong maligo,nagbihis na ako at bumaba na para mag-agahan.

"Good Morning ate Chandy! kamusta ka na?okay ka na ba?" umupo ako sa harapan niya at kumuha ng isang pirasong dahon.

"Okay na'ko."

"Buti naman! nag-alala pa naman ako sayo kahapon.Grabe,akala ko kakain ka na ng tao..hoo!" ang oa din nito.

"Ano bang ginagawa mo dito? wala ka bang pasok?"

"Meron,siyempre sasabay ako sayo!" napailing nalang ako,manang-mana talaga siya sa mama niya,ang kulit din eh.

Mag-isa akong naglalakad sa hallway,wala pang masyadong estudyante dahil maaga pa naman.Wala pa din ang madaldal na si Pat,hmm..san naman kaya ako pwedeng tumambay,hindi pwede sa graden kasi inaayos daw iyon ngayon.Huminto muna ako sandali sa harap ng bulletin board.

Binasa ko ang mga nakasulat doon,wala namang bago,aalis na sana ako ng may biglang bumunggo sa akin.Nahulog tuloy ang mga dala kong libro.

"Oh My Gosh! sorry,humaharang-harang ka kasi sa dinadaanan ko eh." tinignan ko siya.

"Oh~ Luna Colis,right?ikaw yung babaeng lumalandi sa Daniel ko?!" baliw na talaga siya,hindi ko nalang siya sinagot,pinulot ko na ang mga libro kong nasa sahig.

"OHH~ Tama,pipi ka pala,oh well sinasayang ko lang ang precious time ko sayo.Let's go na nga Bea!" buti naman at umalis na siya.

To be continued..

________________________

aw~ sorry, blanko kasi talaga utak ko ngayon kaya medyo panget yung nagwa ko haha!

geh,bye!

The Living Dead [KathNiel]Where stories live. Discover now