Dead #7. Fieldtrip

736 42 11
                                    

Chapter 7 (Fieldtrip)

"Waaaaah! Ang laki ng bahay niyo Cha!!" -Pat,habang nililibot ang tingin niya sa buong mansyon.

"Hindi naman."

"Asus! kitang-kita naman eh! grabe,ang yaman niyo!"

"Tss."

Maagang nagpunta si Pat dito sa bahay,hindi halatang excited siya noh? 10am pa yung usapan namen,pero 8am palang andito na siya.

Early bird eh.

"Ba't ang aga mo ata?" umupo siya sa sofa at kumuha ng isang piraso ng biscuit sa lamesa.

"Excited kasi akong makapunta dito sa bahay niyo,hehe!"

"Ganun ba."

"Yes yes yow!" hindi talaga siya nauubusan ng energy.

***

"Ready na ba kayo class?!" -Ms. Valerio

"Ready'ng ready ba po Miss!"- classmates,para talagang mga bata.

Sa wakas,matapos ang ilang oras naming paghihintay ni Pat.Makakaalis na din kami..

"Uwaaaaaah! ***** here we gooooooo..comeeeeee or whatsoever!" ayan na na naman siya.

"Sumakay na kayo ng bus,class! walang magtutulakan at mag-uunahan ha.Hindi na kayo mga bata at hindi din naman kayo mauubusan ng seats."

Sumakay na kami ng bus ni Pat,pinili nami--ni Pat pala na maupo dun sa bandang dulo para wala raw'ng distorbo.Gusto niya kasing masulo yung chips niya,tss..ang damot talaga.

"Gusto mo Cha?" alok sa akin ni Pat habang nguya-nguya ang isang tinapay.

Umiling ako " Busog pa'ko."

"Okidoki."

"Oh My Gosssh~! ang pogi talaga ni Papa Daniel!" narinig kong sinabi nung isa kong kaklase.

"Kyaaaah~! san mo nakuha yan,girl?" -Girl 2

"Marami kayang ganyan sa internet,tanga!"-Girl 3

"Shocks! ang abs~ tumutulo na laway ko!"

"Kadiri ka girl!"

Ano kayang picture yung tinitignan nila? parang gusto ko tuloy tignan. Umiiling-iling ako,hi-hindi..a-ano ba tng iniisip ko.

"Sige na Luna,tignan mo na..sure akong gustong-gusto mong matignan yun,lalu na yung abs ni Daniel!" bat ba ang landi nitong utak ko?

Pasimple kong tinignan si Pat.Naka pikit ang mga mat nito at may nakalagay na earphone sa tainga niya.

"Chance mo na to Luna! dali!habang nakapikit pa si Pat!"

Sinunod ko naman ang sinabi ng utak ko.Dahang-dahan kong tinaas ang ulo ko para makita yung picture na pinag-uusapan ng mga kaklase ko.Nasa harap ko lang kasi sila,kaya hindi ko na kelangang umalis sa pwesto ko.

Ko-konti nlang..makikita ko na,hahawakan ko na sana ang plastik sa nasa likod nung upuan ng may kumalabit sa akin.Napaharap sa may left-side ko at nakita ko ang mukha ni Pat,nakakunot ang noo nito..patay.

"Cha,anong ginagawa mo?" napako ako sa kina-uupuan ko.Hala,pano ba'to? hindi ko naman pwedeng sabihin na gusto kong makita yung ab-este picture ni Go..nakakahiya.

"Wa-wala,ti-tignan ko lang sana kung may nakaupo ba dun sa harap." umupo ako ng maayos at kinuha yung teddy bear ko sa gilid.

"Iyon lang pala eh,kala ko naman kung ano na.Buti pa..matulog ka nalang,wag kang mag-alala makikita mo din mamaya si Daniel." pumikit na siya ulit at niyak yung unan niya. A-ano daw?

"Heyow *****! wohohoho! ang sarap ng hangin dito!" nakakain ba yung hangin? bumaba na din ako ng bus.Tinignan ko ang paligid,maganda nga dito.

"Pakidala naman ng mga gamit ko,ingatan mo yan ha..mas mahal pa yan sayo!" napatingin ako sa babaeng pababa din ng bus.Pamilyar sa akin ang mukha nito.

"Ginawa mo naman akong julalay mo Liza,bweset ka!" sabi nung babaeng naka salamin.

"Wag ka nalang magreklamo diyan,Bea.Hindi kita sinama para magpakasaya,sinama kita para may taga dala naman ng gamit ko." mataray nitong sabi.

"Youre so mean,isusumbong na talaga kita kina tita."

"Uggh!Shut up,will you? and stop complaining,k? let's go na nga at baka naghihintay na si Daniel sa akin." naglakad na paalis yung Liza,hirap namang sumunod yung babaeng naka salamin.

Kaya pala pamilyar sa akin ang babaeng yun.Siya pala yung babaeng kasama ni Daniel sa CR na gumagaw ng milagro..tss.

"Tara na Cha!" pinulupot ni Pat ang kamay niya sa braso ko.

"Okay."

To be continued..

The Living Dead [KathNiel]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora