CHAPTER NINETEEN

6.2K 109 2
                                    

MADAM's/CASSANDRA's POV

"Ano ba Liezl!kanina ka pa Hindi mo pa rin naisasara ang zipper ng damit ko." bulyaw niya sa assistant.

"Madam nagtataka po ako Kung bakit Hindi na sa inyo magkasya itong gown,imposible naman pong magkamali ang designer mo matagal na siyang gumagawa ng mga gown para sayo madam." paliwanag nito na nasa kanyang likuran at pilit na isinasara ang zipper ng damit niya.

"Tsk,alis.Anong gusto mong palabasin?tumaba ako!"inis na sabi niya kay Liezl."Deo!where the hell are you?" sigaw niya."Ano pang tinatanga-tanga mo dyan hanapin mo ang manager ko!"sigaw niya dito at nagmamadali itong lumabas ng dressing room dito sa bahay niya.

"Madam may problema ba?" malandi nitong tanong sa kanya ng dumating ito.

"Oo malaki!bakit Hindi mo sinigurado ang sukat nitong gown na isusuot ko para sa pupuntahan kong party mamaya!"iritableng sabi niya dito.

"Oh my!madam Hindi ako pwedeng mawrong sa waistline mo!" sagot nito at nanlalaki ang mga matang tiningnan ang likuran niya."Madam....ano itech..tumaba ka.."tili pa nito at pilit sinusubukan na maitaas ang zipper.

Padabog siyang naupo sa harap ng salamin at nakasimangot na tinitigan ang sariling repleksyon.

"No,hindi ako tumaba!I'm sure nagkamali ang designer ko."sabi niya sa sarili.''Ihanap mo ako ng ibang gown sa wardrobe ko." utos niya kay Deo.

"Ay madam...gawin ba naman akong assistant!di bagay sa beauty ko,pero dahil manager mo ako slash kaibigan,sige na nga." mahabang pahayag nito saka nagmamadaling naghanap ng pwede niyang isuot.

"Isa ka pa Deo mas lalo mong pinag-iinit ang ulo ko!pwede ba kapag kasama mo ako tigil-tigilan mo yang kabaklaan mo!" sita niya sa manager.

"Madam ano ka ba,di ka na nasanay matagal na akong baklush!accept mo na lang!apat na taon mo na akong manager ngayon ka pa nairita sa beauty ko."paliwanag nito habang abala sa paghahanap ng maisusuot niya." Here madam I'm surenez kasya na itech sayo."dala ang isang  damit.

"Sige na labas!papuntahin mo dito si Liezl hindi na bumalik ang impaktang yun!"mainit pa rin ang ulo na sabi niya ng makuha ang damit na ibinigay nito.

"Naku surenez madam nakikipaglaro yun sa napakacute mong baby." tumatawang sagot nito habang papalabas ng kwarto."kung ako nga natutuwa din sa anak mo."

Hindi na niya pinansin ang mga pinagsasabi ng manager at minabuting magbihis na lamang dahil malapit ng magsimula ang gaganaping opening ng hotel Kung saan kinuha siyang endorser ng may-ari nito.

Hindi na niya pinansin ang mga pinagsasabi ng manager at minabuting magbihis na lamang dahil malapit ng magsimula ang gaganaping opening ng hotel Kung saan kinuha siyang endorser ng may-ari nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

______

Madaling araw na ng makauwi siya sa bahay,kahit nahihilo ay nakaya niyang makapasok sa loob ng bahay matapos siyang ipahatid sa driver ni Deo.Nagpumilit ito dahil marami na siyang nainom sa party kaya hinayaan na lamang niya ang kagustuhan ng manager.

"Tutulungan na kitang makapunta sa kwarto mo,muntik ka ng matumba mabuti na lang naagapan Kita." napalingon sa nagsalita at mabilis na nahawakan siya sa bewang upang hindi siya matumba.

"Kaya kong maglakad mag-isa!bitiwan mo ako!" asik niya kay Ian at pinilit alisin ang dalawang braso nito na nakapulupot sa kanyang bewang.

"Lasing ka na at isa pa nagmamagandang loob lang naman ako."walang sabi-sabing binuhat siya ng lalaki paakyat ng hagdan.

"Are you insane?put me down now!nakainom lang ako ng alak pero hindi ako lasing!"nagpupumiglas na sigaw niya ngunit hindi siya pinakinggan nito.Ibinababa lamang siya ni Ian sa Kama ng makarating sa kwarto.

Pinilit niyang bumangon sa Kama at naglakad patungo sa banyo.

"Saan ka pupunta?Baka matumba ka ulit." nag-aalalang tanong nito habang nakasunod sa kanya.

Masama ang tingin na nilingon niya ang lalaki."Magsashower!sasama ka!halika!baka nga naman matumba ulit ako!"hindi niya alam Kung anong pumasok sa utak niya ng hilahin sa damit si Ian patungo sa banyo,basta isa lang ang alam niya naiinis siya sa lalaki,napakatanga!Bobo!stupido!uto-uto!lahat na ng hindi magandang ugali pinakyaw na ata ng napangasawa!

"Daig mo pa ang puppet!tanga, sumama ka talaga dito sa bathroom ko!para ano pagsamantalahan ako!" naniningkit ang mga matang sita niya sa lalaki.

"Hindi naman sa ganun,nabigla lang ako ng hilahin mo papunta dito,sige lalabas na ako,pasensya ka na." lalo niyang ikinainis ang sinabi ng lalaki,lahat ng lalaki ay nagnanais na masolo siya at maikama pero ang lalaking ito hindi man lang niya makitaan ng pagnanasa sa kanya!

"No!stay here!"pigil niya dito,para siyang nachallenge o siguro naapakan ang ego niya dahil walang pagnanasa sa kanya ang lalaki.Kusa niyang hinubad ang suot sa harapan nito at binuksan ang shower.

" Tingnan ko ngayon Kung di ka pa rin maglaway sa kagandahan at alindog ko."sabi niya sa sarili at kusa niyang hinalikan ang lalaki habang nasa ilalim sila ng shower,maging ito ay nabasa na din.

"Lasing ka Cassandra,hindi tama ito."bahagya itong lumayo sa kanya na lalo niyang ikinagalit.

" Idiot!paulit-ulit kong sinasabi hindi ako lasing."inis na sagot niya at muli itong hinalikan sa labi."Inuutusan Kita Mr.Valdespina gawin mo Kung ano ang gusto ko!and I want this."at kinuha niya ang isang kamay nito upang ilagay sa kaliwa niyang dibdib.

Huminga ito ng malalim at tumingin sa kanya."Palagi naman ikaw ang nasusunod,ano pa nga ba ang magagawa ko?"

"Good,dapat alam mo Kung sino ang dapat na nasusunod sa ating dalawa." nakangising sagot niya kay Ian at muli itong hinalikan.Wala itong reklamo na gumanti sa kanya ng halik,tinulungan niyang maghubad ito ng damit hanggang kapwa na silang walang suot na damit at kasalukuyang nasa tapat ng shower.

Lihim na nagdiriwang ang kalooban niya sa pagkapanalo na napasunod ang asawa.Lahat ng naisin niya ay walang kahirap-hirap na nakukuha,isa lang ang hindi pa niya nakukuha at walang iba kundi si Alex.Pero kahit papaano ay naiibsan ang pangungulila niya sa ex boyfriend dahil narito ang kanyang puppet si Ian,lahat ng gusto niya ay sinusunod nito.

"Pwede na siyang panakip butas,habang hindi ko pa nababawi si Alex kay Sapna,Narito si Ian kapag nangungulila ako sa mahal ko." sabi ng isang bahagi ng utak niya.

Loveuall::miss A.

my INNOCENT MAN #watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon