CHAPTER TWENTY SEVEN:

6.4K 137 1
                                    

Ian's POV

"Cassandra anak, hindi ka maaring magmaneho pabalik ng Maynila dahil sa kalagayan mo ngayon, baka duguin ka" nag-aalalang paalala ng ina niya

"Nay hindi po siya magmamaneho,pinapunta ni Cassandra yung driver niya" mabilis niyang sagot niya habang inilalagay sa trunk ng kotse ang mga gamit nila"Parating na din po siguro yon"

"Baka nakalimutan mong dalhin yung danggit anak" sabi pa nito habang nasa loob ng tindahan

"Hindi nay." malakas niyang sagot"Inay paalis na po Kami dumating na yung driver ni Cassandra"kung sana maalam siya magdrive ng kotse di na nila kailangan ng driver

"Give it to her" may iniabot sa kanya ang asawa ng makasakay sa kotse

"Ano to?" takang tanong niya

"Ngayon ka lang ba nakakita ng pera,Erwin buhayin mo na ang makina ng sasakyan ano pang itinatayo-tayo mo dyan sa labas"sigaw nito sa driver

" Opo madam."narinig niyang sagot ng driver

"Pero para saan?napagkakasya pa naman nila inay yung perang i-binayad mo sakin noon" paliwanag niya at muling ibinalik sa asawa

"Ibibigay mo o maiiwan ka dito?" seryosong sabi nito

"Anak mag-iingat kayo sa biyahe,ang mag-ina mo wag mong pababayaan Ian,lalo na ngayong buntis ang manugang ko." paalala na naman ng ina ng makalapit sa kanila.

"Opo nay" nakangiting sagot niya"Aalis na po Kami,baka matatagalan na ulit bago Kami makabalik dito"malungkot na sabi niya,sa totoo lang hindi siya sanay ng malayo ang magulang at mga kapatid sa kanya,pero hindi naman pwedeng isama niya sa Maynila ang mga ito"Nay ipinapabigay po pala ni Cassandra,tanggapin nyo na lang kapag nagalit yan siguradong hindi ako isasama ng asawa ko pabalik ng Maynila"mahinang sabi niya

"Anak nakakahiya sa asawa mo,mayroon pa kaming naipambibili ng mga kailangan dito sa bahay" alam iyang ito rin ang sassbihin ng ina

"Kunin nyo na ang pera,Hey bilisan mo na tatanghaliin tayo" inip na sabi ng asawa na nadinig ang pinag-uusapan nila

"Nay sige po aalis na kami" nagmamadali niyang paalam sa ina at pilit na inilagay sa isang kamay nito ang pera sa tantiya niya ay baka abutin iyon ng isandaang libong piso

"Cassandra anak salamat dito sa pera na ibinigay mo malaking tulong ito para sa amin"pahabol ng ina bago sila tuluyang umalis

Tumango lamang ito sa kanyang ina, habang papalayo ang sinasakyan ay walang tigil sa pagkaway ang ina hanggang mawala ito sa kanyang paningin

" Kiss me,now"maang siyang napalingon sa katabi dahil sa sinabi nito"Now...!or gusto mong bumaba sa kotse ko"ginawa niya ang sinabi ni Cassandra at hinalikan ito sa labi,noong una ay nag-aalangan pa siya dahil makikita sila ng driver pero mukhang seryoso ito sa pagdadrive at ni hindi sila sinusulyapan

Matapos niya itong halikan ng smack ay kanyang nakita si Loreli na naglalakad sa tabing kalsada at paniguradong nakita nito ang ginawa niya.Kaya pala siya inutusan ni Cassandra dahil madadaanan nila ang ex-girlfriend.Nakikita niya sa mga mata ni Loreli kung gaano ito nahihirapan at hindi pa rin nakakamove on sa paghihiwalay nilang dalawa

"Eh ikaw Ian ni minsan ba hinanap ng puso mo si Loreli?" tanong ng utak niya

Nahulog siya sa malalim na pag-iisip at pilit inaalala kung nagkaganun din ba siya katulad sa ex-girlfriend

"Pero hindi,wala akong maalala"

"Hoy sabi ko ikaw na ang magkarga sa anak mo" napapitlag siya ng bigla na lamang siyang siniko ng asawa

"Akina" mabilis niyang kinuha ang anak na natutulog

Wala na silang imikan habang nasa biyahe hanggang makarating sa Maynila.Pagdating sa kanilang tinitirhan ay mahimbing pa rin na natutulog ang asawa na nakahilig sa kanyang balikat

"Sir narito na po tayo" wika ng driver

"Pakitawag mo si Gretchin para makuha itong anak namin" utos niya

"Sige po sandali" sago nito at maya-maya lang ay lumabas ito ng bahay kasama ang katulong

"Sir magandang hapon" bati nito

"Ganun din sayo,pakikuha mo si Cassidy" at iniabot ang anak dito"Ikaw na muna ang bahala sa kanya,pakibihisan ng damit"

Maingat niyang binuhat ang natutulog pa ring asawa at iniakyat sa sarili nitong kwarto.Kahit natutulog ang babae ay mababakas pa rin sa aura nito ang malakas na personalidad at hindi mo kababakasan ng kahinaan.Aakalain mong hindi ito nagdurusa at nasasaktan dahil nabigo sa pag-ibig sa ex-boyfriend na nagngangalang Alex.Sa isang banda ay mas nakakaramdam siya ng awa sa asawa,tulad ni Loreli ay nahihirapan din ito.Itinatago lamang ni Cassandra a madalas ay idinadaan sa init ng ulo,marahil sa pamamagitan ng ganitong personalidad ay makalimutan niya si Alex.

Pagdating sa kwarto ay marahan niya itong inihiga sa Kama at nilagyan ng kumot.Lalabas na sana siya ng kwarto ng asawa pero parang may nagtutulak sa kanyang kintalan ito ng halik sa labi at gayon nga ang kanyang ginawa.Maingat niyang hinalikan ang natutulog na asawa ngunit ang planong sandaling halik ay naging matagal at mapusok dahil kusa itong gumanti sa kanya na akala niya ay natutulog pa rin kaya Naman laking gulat niya.Aaminin niya sa sarili na abot-abot ang kabang nararamdaman dahil ito ang unang pagkakataon na nagahas siyang halikan ang asawa.

"Ah-lalabas ako sandali titingnan ko ang anak natin" paalam niya at lihim siyang nagpasalamat dahil hindi siya pinagalitan ng asawa

"No,hindi siya pababayaan ng yaya ,para San pa at pinapasweldo siya ng malaki" pinigilan ng asawa at hinila ang isang kamay niya kaya napilitan siyang mahiga sa tabi nito

"Cassan-dra pwede ba akong magtanong?"nag-aalangang umpisa niya habang yakap ito o mas tamang sabihin na magkayakap sila

"Ano ?"lalo siyang nag-alangan kung itutuloy pa ba ang nais itanung dito

"Ah-wala kalimutan mo na,matulog ka na lang ulit" sagot na lamang niya at kinabig ito para lalo pa silang magkalapit

Pero lumayo sa kanya ang asawa akala niya ay hindi nito nagustuhan ang ginawa niya.Iyon pala ay hahalikan siya nito sa labi na nagustuhan naman niya.

"Cassandra..ano bang ginawa mo sakin?bakit nababaliw ako sayo" di mapigilang bulong niya sa tenga nito at pagkatapos ay hinalikan ito sa leeg pababa sa dibdib ng asawa na kasalukuyan pang may tumatakip na tela.Napapaliyad ito sa bawat paghaplos niya ng ipasok sa suot nitong damit ang sariling kamay at pinagsawaang damahin ang dalawang bundok na nagtatago doon.Hanggang sa pareho na silang wala sa sarili at ang nais lamang ay mapag-isa ang kanilang mga katawan.

"Cassandra..uhmmm.." paulit-ulit na sabi niya habang maingat ang pag-ulos na ginagawa dahil iniisip na buntis ang asawa.

Pareho silang walang imikan matapos ang kanilang pa-niniig at hindi na rin nag-abalang magsuot pa ng mga damit na hinubad.Magkayap silang nakahiga,kahit walang sabihin ang asawa kung ano ang tunay na estado ng relasyon nila ay masaya siya sa ung anuman ang meron sila ngayon.

"I love you Cass" bulong niya sa  nakatulog na asawa bago siya tuluyang nilamon ng antok ng may ngiti sa mga labi.

Loveuall::miss A

Please vote and share para po lalo pang tumaas ang rank nito salamat po

my INNOCENT MAN #watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon