33

3.6K 119 75
                                    


Please subscribe to my YouTube channel 👉 ASSUMER21 CHANNEL

Instagram: assumer_21



"Akala ko po da-ddy sa isang buwan pa ang uwi ninyo galing America? Pero masaya po ako na napaaga ang inyong dating," naiilang pa din siyang tawaging daddy ang biyanan idagdag pa ang palaging seryosong mukha ng biyanang lalaki.

Uminom muna ng red wine ang ama ni Cassandra bago sumagot. Pagkatapos nilang kumain ng hapunan ay niyaya siya ng biyanan dito sa library at tila opisina sa mansyon ng mga Brookes. Kahit madalas wala sa bansa ang mga ito ay napapanatiling maayos at malinis ang mansyon dahil sa mga katiwala. Agad silang bumisita dito kasama ng kanyang mag-iina.

"Nasasabik na kaming mag-asawa na makita ang mga apo namin, hindi na kuntento ang mommy mo na makausap at makita lang sa video call si Cassidy at Tyrone." Bahagyang napatawa ang biyanang si James Brooke.

Maging ang paraan ng pagtawa ng biyanan ay nakakailang, nagmana dito ang nag-iisang anak na para bang nakakamatay kahit ang simpleng pagngiti. Pero sa maikling panahon na kilala ni Ian ang kaharap ay alam niyang ganito talaga ito. Naririnig lamang niyang tumatawa ng malakas ang matanda kapag kausap ang madaldal niyang anak na si Cassidy o kung napapangiti nito ang bunso niyang si Tyrone na siyam na buwang gulang.

" Ang bilis po ng panahon daddy, parang kailan lang." Nakangiting wika ni Ian.

Pero nagtataka pa rin siya kung bakit biglang nag-aya ang biyanan dito sa library, alam niyang may ibang sadya ito at doon siya kinakabahan, siguro dahil sariwa pa sa alaala niya nang magtungo ito sa kanilang bahay at tinutukan siya ng baril para piliting pakasalan si Cassandra. Aaminin niyang napilitan nga siyang pakasalan ang asawa dahil wala namang pagmamahalang namamagitan sa kanilang dalwa, kapakanan lamang ng kanilang anak ang iniisip niya. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya ang napangasawa, ngayon ay  nakasisiguro siyang mahal na niya si Cassandra sa kabila ng mga negatibong ugali nito.

"Pero hindi iyan ang dahilan kung bakit kita niyaya dito sa opisina ko." Muling nagsalin si Mister James Brooke ng wine sa baso.

Matiim siyang tiningnan ng biyanan bago muling nagsalita, bigla tuloy siyang napainom ng alak na hindi pa nababawasan.

"Gusto kong ikaw na ang mamahala sa lahat ng mga negosyo ko, matanda na kaming mag-asawa at kahit noon pa man ay ayaw ni Cassandra na pumalit sa position ko as CEO ng Brookes Corporation,"

Napaupo ng tuwid si Ian nang marinig Ang mga sinabi ng kausap.

"Daddy, hindi ko po matatanggap ang posisyong ibinibigay ninyo? Bukod sa high school lang ang natapos ko, wala akong degree, hindi magandang tingnan na ako ang papalit sa inyo. Hindi po ako karapat-dapat. Sobra-sobra na po ang naitutulong ninyo sa amin dahil ayaw akong pagtrabahuhin ni Cassandra, dahil hindi daw niya kakayanin ang mag-alaga ng mga anak namin kahit pa may mga yaya. Iba pa rin daw kung hands on ako sa mga bata," paliwanag ni Ian.

" Alam ko at naiintindihan kita, Ian, but this is not an offer this is an order as your father. At hindi ako magsasawang humingi ng dispensa sa pagiging diktador ng anak ko, nasanay kasi siya na palaging nasusunod ang gusto." Napapailing na sabi ni Mister Brookes. " Isa sa pinagsisihan ko na hinayaan ko si Cassandra na gawin at sundin lahat ng mga kapritso niya, madalas kasing  wala kami sa kanyang tabi mula pagkabata."

Ngayon niya mas nauunawaan ang palaging bukambibig ni Cassandra sa tuwing nagbabalak siyang mag-apply ulit sa dating pinapasukang construction, alam niyang kakarampot at kahit siguro pambili ng diaper para sa mga anak ay kukulangin, basta ang importante ginagawa niya ang lahat ng makakaya upang huwag lahat iasa sa mga biyanan ang lahat ng gastusin Ayon sa asawa ayaw na daw nitong magaya sa kanyang lumaki lang na kasama ay kasambahay. Kaya naman kahit natatapakan na ang kanyang pagkakalalaki dahil wala siyang trabaho

my INNOCENT MAN #watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon