CHAPTER TWENTY THREE::

6.4K 121 0
                                    

CHAPTER TWENTY THREE:::

DI KO NA KAYANG MAGLIKE...SORRY ANOK NA ANTOK NA AKO MAGDAMAG AKONG DI NAKATULOG....GOODDAY😊 tulog n ako.....

Ian's POV

"Ian maglabas ka ng isang upuan dito sa may gilid ng bahay natin."sigaw ng kanyang ina.

" Liit tingnan mo itong sinasangag kong kanin."utos niya sa kapatid at nagmamadaling lumabas ng bahay dala ang isang upuan na kahoy.

"Inay aanhin po ninyo itong upuan?" nagtatakang tanong niya sa ina.

"Halika Cassandra maupo ka dito at saka mo kargahin si Cassidy."sabi ng ina sa asawa na naabutan niyang narito sa gilid ng bahay at pinapaarawan ang kanilang anak.

" Nay ako na lang po Hindi siya maalam,baka mapilayan ang anak namin."nag-aalalang sabi niya at maagap na kukunin sana si baby Cassidy.

"Hindi na kailangan Ian dahil tuturuan ko siya magkarga ng anak ninyo." saway nito.

"At sinong nagsabi sayo na hindi ako marunong magkarga ng anak ko?"galit na tumingin sa kanya ang asawa.

" Hindi pa Kita nakikita na kinarga mo ang anak natin-"

"Give me my daughter." kinuha nito ang anak ng makaupo at kinarga."See."nakasimangot ang maganda nitong mukha ng bumaling sa kanya.

"Hindi na pala ako mahihirapan magturo sayo Cassandra dahil maalam ka naman." nakangiting sabi ng kanyang ina."Teka ganito iupo mo siya sa kandungan mo..ayan.,maganda sa katawan ng bata ang bago pa lang sumisikat na araw."

"Matagal ko ba siyang ibibilad sa araw?" parang naiinip na agad na tanong nito.

"Hindi naman sapat na ang kalahating oras hindi pa yun mahapdi sa balat alas sais lang ng umaga." mabilis na sagot ng ina.

"Nay babalik na po ako sa loob hindi ko pa natatapos ang niluluto ko." paalam niya

"Anak ako na ang bahala samahan mo na lang itong mag-ina dito sa labas." pigil ng ina."Babay....apo...hmm...ang cute talaga ng apo ko."hinaplos nito ang anak nila sa buhok saka umalis.

Tahimik lang siyang nakatayo sa may katabi ni Cassandra,hindi imiiyak ang anak nila kaya inabala na lamang niya ang sarili sa pagmamasid sa paligid.Nasabik siya sa lugar na ito,ilang buwan bago siya muling nakabalik dito.Walang ipinagbago ang likod bahay nila,naroon pa ang mga puno ng saging na dati ng nakatanim bago sila lumipat dito.Wala silang kalapit na bahay sa gawing ito dahil bakanteng lote iyon at may mga nakatanim na puno ng Kalamansi.

"Hey!"nagulat siya ng bigla na lamang siyang hampasin ng asawa sa braso."Ikaw na ang kumarga dito kay Cassidy pagod na ako." reklamo nito pero ang totoo ay sandali pa lang nitong karga ang anak nila.Inaasahan na niya ito noon pa man ay napapansin na niyang malayo ang loob nito sa bata.Nagtataka siya Kung bakit ito napapasunod ng kanyang ina.

"Baka nahihiya tanggihan si inay." sabi niya sa isip at kinuha ang anak mula dito.

"Pervert!" singhal nito sa kanya.

"Ha?!bakit?kinuha ko lang sayo ang anak natin." nagtatakang tanong niya ng makuha ang anak.

"At ngayon nagmamaang-maangan ka pa!sinadya mong madikitan ng kamay mo ang dibdib ko."mahina ngunit nangigigil na sagot nito at halos magdikit na ang mga mukha nila.

" Hindi ko alam na-pasensya ka na hindi ko sinasadya."humingi na lang siya ng dispensa para matigil na ang babae.

________

"What are we doing here?"takang tanong ni Cassandra sa kanya.

" Mamalengke."maikling sagot niya at naunang naglakad papasok sa pwesto ng isda at karne.

my INNOCENT MAN #watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon