CHAPTER TWENTy FIVE

6.5K 168 7
                                    

Ian's POV

"Cassandra tama na,masakit na ang ilong ko."hinampas ng asawa ang kanyang kamay ng pinipigilan niya ito

" tsk,one more."inis na sabi nito at muling pinisil ang ilong niyang sa kanyang palagay ay namumula na

"Kanina pa din ako inaantok,hatinggabi na." reklamo niya sa asawa na wala ng ginawa kundi ang pisilin ang kanyang ilong.

"Eh di wag na!" sabay tumalikod ito at humarap sa kanilang anak na katabi ni Cassandra

"Humarap ka na ulit dito,Cassandra Hindi naman sa ayaw ko sinasabi ko lang naman" paliwanag niya at iniharap ang nakabusangot na asawa"Ano bang meron sa ilong ko at palagi mong pinag-titripan?"

"Di ko rin alam?ayoko din ng ganitong pakiramdam" habang pinipisil ng paulit-ulit ang ilong niya at ilang araw na din nitong ginagawa.

"Ganyan ba talaga kapag naglilihi?" tanong ulit niya,kinumpirma nito sa kanya na nagdadalang tao ito sa pangalawa nilang anak ng samahan ito ng kanyang inay sa health center ng kanilang barangay bago ito umalis patungong Cebu

"Wag mo nga akong tinatanong tungkol sa mga ganyang bagay,naiirita ako." saway nito"Matutulog na ako,yakapin mo ulit ako"at inilagay nito ang isang braso niya sa sriling bewang at humarap sa kanilang anak

Kung dati ay ayaw ni Cassandra na madikitan niya,iba naman ang sitwasyon ngayon gusto palagi ng asawa na kasama siya yun nga lang dala marahil ng paglilihi nito

"Maalala ko wag mo ng pabibilhin sa tindahan ng nanay mo yung ex mo!" muli itong humarap sa kanya

"Bakit naman sayang ang benta at isa pa wala naman kaming ginagawang masama,nakabantay ka palagi sa bawat galaw ko" kunot noong sagot niya

"Basta sundin mo ang utos ko,hindi siya nakikipag-usap sayo pero nakikita ko siyang tinititigan ka!wala ng ginawa kundi ang magpabalik balik sa tindahan at pagkatapos paisa-isa lang ang binibili pwede namang bilhin na lahat"galit na sabi nito

"Hindi ko naman siya tinititigan at alam mo yun dahil Nasa tabi Kita kanina habang karga ang anak natin at ako ang nagbebenta" paliwanag niya

"So ayaw mo akong sundin base on your explanation!" Hindi maipinta ang mukha nitong nakatitig sa mga mata niya

"Hindi,bukas kapag bumili ulit siya Hindi ko na pagbebentahan pangako,kaya wag ka ng magalit" panunuyo niya sa asawa at marahang hinimas ang maliit pa nitong tiyan na mahigit dalawang buwan ang ipinagbubuntis ng asawa

"Namamanyak ka na naman!" Sita nito sa kanya"ang sabi ko yakapin mo lang ako,wala akong sinabi na himasin mo ang tiyan ko"

"Yung baby natin ang hinahawakan ko,gusto Kung iparamdam sa kanya na masaya ako dahil dumating siya satin" Hindi niya pinansin ang pagsusungit nito at nginitian ang asawa

"Daming palusot,kaya ako nabuntis dahil sayo ikaw ang Hindi lasing noon pero anong-"

"Agresibo ka kasi noon kaya di ko din napigilan sarili ko kaya pasensya ka na"pag-amin niya na lalo nitong ikinagalit

"Ngayon gusto mong palabasin na ako ang manyak"

"Ha?!Hindi Hindi ako nag iisip ng ganoong bagay,hindi mo lang alam Kung gaano ako kasaya ngayon"at muling hinimas ang tiyan nito

" Pwes ako Hindi masaya,unang-una di Kita Mahal,pangalawa tataba na naman ang katawan ko at napakarami ko pang dahilan"pinandilatan siya ng mga mata nito,alam niyang Hindi siya mahal ng asawa at maging siya ay ganoon din pero parang may isang bahagi ng puso niya ang sumakit ng marinig ito mula kay Cassandra

"Matutulog na ako,basta ang iniutos ko sayo na wag pagbibilhan ang impaktang yon!Kung hindi tototohanin ko ang banta ko na ipapaagas ko ito" sabay itinuro ang tiyan nito,bukambibig ito ni Cassandra kapag di niya susundin ang kagustuhan kaya naman nagiging sunod-sunuran siya sa bawat sabihin nito,pero kahit di pa naman buntis ang babae ay ganito na talaga,masyadong bossy"ipagtimpla mo ng gatas si Cassidy kapag nagutom"pahabol pa ng asawa

"Oo" di lang niya masabi na lagi namang siya ang tagatimpla at tagapagpalit ng diaper ng anak nila

"Ano bang klaseng yakap yan!lumapit ka sakin para mayakap mo ako ng maayos" maya-maya ay reklamong utos nito kaya naman ay lumapit siya ng mabuti sa likuran ng asawa at niyakap ito ng mahigpit.Naaamoy niya ang shampoo na ginamit nito pati na rin ang pabango na may kung anong ginigising sa kanyang kaibuturan.Kahit walang make up ang asawa ay mas lalo itong gumaganda sa paningin niya lalo na ngayon habang nakasuot ng daster na galing sa ina,nakatulog agad siya sa nakakahumaling na amoy ng asawa na sana ay palagi silang ganito, a di niya alam sa sarili Kung bakit siya nagkakaganito.Kahit palaging nagsusungit,sumisigaw,nagsasalita ng di maganda si Cassandra,pero Hindi siya nagsasawang unawain ito lalo na ngayong buntis ang asawa

____

"speaking of the desperate devil"napalingon siya sa asawa habang abala na naglilista ng mga dapat bilhin sa palengke bukas ng umaga

" anong sinabi mo?"tanong niya kahit narinig naman ang sinabi nito,ngunit laking gulat niya ng bigla na lang siyang kabigin sa batok ng asawa at halikan ng mariin,hindi siya makagalaw sa kinauupuan kalapit ito at hawak pa rin niya ang ball pen

"Pagbilhan ng isang-" may narinig siyang boses na Hindi na naituloy dahil siguro ay nakita na naghahalikan silang mag-asawa at akmang lalayo sa asawa dahil Baka Kung ano na lamang ang sabihin ng bumibili alam niyang masyadong tsismosa ang mga kapitbahay nila,ngunit hinigpitan pang lalo ang pagpulupot ng mga braso nito sa kanyang leeg.Nawala na sa isip niya ang costumer at buong pananabik na gumanti ng halik sa asawa.Hindi na siya nakatiis na buhatin ito at dalhin sa kanilang kwarto habang patuloy itong hinahalikan,nakalimutan na niya ang bumibili at wala na siyang pakialam anuman ang ipagkalat nito tungkol sa nakita,mabuti na lang wala ang mga kapatid niya na nasa eskwelahan.Dahil na rin sa pagnanasang nararamdaman sa asawa kaya niya ito gagawin,na di niya nadama noon kay Loreli kahit hinahalikan niya ito ay hanggang doon lamang pero iba si Cassandra para sa kanya,konting mapadikit lang siya rito ay kakaiba ang epekto nito pero Hindi niya ipinapahalata at itinatago,na pinipigilan ang sarili na huwag itong halikan at angkinin.Kaya ng ito ang gumawa ng unang hakbang ay Hindi na siya nakapagpigil pa,para ipadama dito Kung gaano siya nananabik sa asawa.Pero kapag sinabi nitong tumigil siya sa ginagawang pag-angkin dito ay ititigil niya ngunit wala siyang narinig na anumang pagtutol mula sa asawa kundi mahihinang pag-ungol lang.Parang nakikisama naman ang mahimbing na
natutulog nilang anak na nakahiga sa kanilang tabi.

Loveuall::miss A

Guys please lang po pakivote palagi ng bawat chap kasama na din po ito sa ranking 4 na story ko po ang nasa ranking pero d nmn po highest rank malayong malayo pa po siguro sa katotohahnan hehe...pero sobrang saya ko.tnx sa pagbabasa ng mga story ko

my INNOCENT MAN #watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon