Chapter 2: Gangster Students

346K 7.2K 2.6K
                                    

Zitty's POV

 

  

"Alis na ako!" Nagtatakbong bumaba ako sa hagdan at katatapos ko lang magbihis. Pero siyempre daan muna sa kusina sabay kuha ng limang piraso ng strawberries sa ref.

  

  

"Bye, Apo!" sabi ni Lolo ng tumatakbong mapadaan ako sa garden. Nagmomorning coffee na naman. Ganyan yan si Lolo. Hindi mabubuhay ng walang kape.

   

   

Nagwave ako ng goodbye kay Lolo tsaka lumabas ng gate. Maglalakad lang ako kasama ang aking paboritong skateboard.

    

   

Sa university namin walang uniform kaya naman kahit ano na kaya mong suotin at dalhin pwede! Kaya as you can see, ang suot ko ngayon ay all black—black sando, black shoes and black pants. Wala akong dalang bag nasa locker ko, nasabi ko na bang tamad akong magdala? May malaki din akong headset na nakasabit sa leeg ko.

  

  

Our campus is just thirty minutes away sa mansion namin at naglalakad lang ako papunta doon. Bawas ng gastos sa gasoline. Nakatulong ka pa sa inang kalikasan at pandagdag sa matitipid mo bilang isang mamamayan.

  

  

Malapit na ako sa school ng mapansin ko ang isang eskinita. Madaming tao, at base sa ID's nila, they're from an academy named G.A.? Ano iyon? Wala naman silang uniform. Elite Academy din ba un. Nakipagsiksikan ako sa mga estudyante, medyo chismosa po ako.

    

    

"Miss anong nangyayari diyan?" tanong ko sa katabi ko. Katakot naman ang isang ito. Kung all black ako mas over naman itong si ate. Black na hikaw, black na contact lens at black na eyeliner. Ang kapal pa! 

   

    

"Nothing just our school project."  she said coldly. Ah.. Huh? Teka ano daw? School project? E wala naman akong nakikita kundi isang lalaki na nambubugbog ng isa pang lalaki. Asan ang mga art materials? School stuffs? Walang lapis? O ballpen man lang?

    

   

"Bakit niya binubugbog ang lalaki na yan?" sabay turo ko dun sa lalaking nakayuko at sinusuntok nung isang lalaki. Ngek! Kung paduguan ang labanan, panalo na siya. Putok na ung gilid ng labi niya at gilid ng mata eh!

     

   

"Wala napadaan lang yan." sabay hithit niya ng sigarilyo. What? Teka mali ata dinig ko? Binubugbog niya ung lalaki kasi napadaan lang? At kelan pa naging mortal sin ang pagdaan sa eskinita?!

    

     

Feeling ko lahat ng dugo ko napunta na sa mukha. Ayoko sa lahat ay bully! Napatingin ako sa isa ko pang katabi. Mukha naman siyang matino kesa sa babae kanina.

   

   

"Pst!" sitsit ko sa kaniya. Hindi naman masyadong malakas at sakto lang para madinig niya.

Gangster Academy (Published Under Pop Fiction) Book OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon