Chapter 6: Zitty (Empress)

285K 6.6K 495
                                    

Seriously? Are they really planning to kill me in front of my Granpa and in the vicinity of my house? Naging alerto ako bigla kahit na nagtataka ako sa nangyayari. Ano ba yan! Putangina naman! Normal mornings are impossible with my life!

  

“Hey! Be careful with the kni-----Woah!------kinife!” Sige lang sila ng sige sa pagsugod sa akin! Ako naman-iwas sa kanila at tina-try ko pa silang kausapin habang umiiwas. Para namang wala silang nadinig at sige pa din ang atake sa akin.

   

“Lumaban ka!” sigaw sa akin nung isang lalaki. Infairness naman, kung aalisin ko ung kutsilyo na hawak niya at ung balak niyang pagpatay sa akin at pagkatapos ay patatayuin mo lang, papasang model! May itsura eh!

  

  

Hindi ko sila pinansin at sige lang ang iwas ko. Bakit ba? Iniisip ko sino sila eh! Nung hindi sila makatama sa akin, huminto na sila. Hay salamat! Wala ako sa mood mang-away ngayon eh! Pweding kumain muna?

  

  

Pero akala ko lang pala na tapos na sila, kasi naglabas naman sila ngayon ng mga baril? So talagang may balak sila na patayin ako? Pota! Ay hindi ako papayag niyan! Pinaulanan nila ako nang bala pero mabilis naman akong nakapagtago sa pader ng kusina.

  

  

Can somebody explain to me what is really happening here? Bakit  may gustong pumatay sa akin as sarili kong pamamahay at bakit nanonood lang si Lolo? Sinubukan kong silipin kung ano ang ginagawa ni Lolo habang binabaril ako nung mga epal and guess what? Naka-upo siya sa sofa while reading a newspaper as if walang nangyayari sa paligid niya! Seriously?

  

  

At may gana pa siyang umiinom ng kape ha?! Patuloy pa din sa pagbaril iyong mga epal, iyong mga MIB naman na nagkalat kanina mga nakatunganga lang sa amin! Aba! Akala ko ba guwardiya yang mga yan eh bakit hindi sila nakilos para tulungan ako?

  

  

“Hey! Zitty?! Afraid of us??” sigaw nung nagiisang babae na kasing edad ko lang. Grr. Manahimik kang bruha ka! Ano daw? Ako takot sa kanila? Kapal!  So dahil naiinis na talaga ako, papatulan ko na talaga sila!

Kinuha ko lahat ng plato namin na babasagin sa may lalagyan at pati lahat ng kutsilyo namin kinuha ko na! Bahala  na iyong mga katulong kung paano sila magluluto ng walang plato at kutsilyo!

   

  

I place a long knife in my mouth. Kinagat ko ang hawakan nito with my teeth facing the blade opposite to my face. Lahat naman ng natitirang kutsilyo ay nilagay ko sa pagitan ng mga daliri ko dun sa isang kamay ko at ang isa naman ay naghawak ng mga plato.

  

  

One.

  

Two.

  

Gangster Academy (Published Under Pop Fiction) Book OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon