Chapter 15: Team? Weh di nga?

287K 5.6K 694
                                    

 Naglalakad na kami ng buong section sa kakahuyan. Ako bitbit-bitbit ko ang skateboard ko sa kaliwa at iyong kanang kong kamay ay nasa bulsa ng shorts ko.

Magkasabay kaming naglalakad ni Dark. Iyong mga lalaki naman nakatingin sa hita ko. Naka-shorts lang kasi ako tapos iyong pantaas ko simpleng hanging blouse at high heels.

Wala kasing matino na damit sa closet ko at pati na din iyong mga matitino kong sapatos nawawala na din, may kutob akong tinapon na naman ni Coldie iyon kaya balak ko bumili habang nandito ako sa labas ng G.A.

Napa-ngiw ako ng may maamoy akong hindi kanais-nais. Nilingon ko si Dark at may sigarilyo siya sa bibig.

"Itigil mo nga iyan." inalis ko iyong sigarlyo sa bibig niya sabay tapon sa lupa at tinapakan ko ito. Hindi po ako naninigarilyo.

"Hey! Why did you do that?!" angil naman niya sa akin. Halata sa mata niya na gusto na niya akong sakalin.

"Don't smoke. I hate it." sabay lakad na ulit. Nag-soundtrip na lang ako gamit ang aking headset. Nagulat naman ako ng may humablot ng headset ko. At ang sunod na nangyari ay pagkawasak nito sapagkat tinapakan ito ni Dark.

"You beast!" Binigyan ko agad ng upper cut si Dark. "Damn it. Sira-ulo ka ba? Bakit mo tinapakan ang headset ko?!" Ang headset ko! Durog-durog na sa lupa!

"It's ugly. I hate it." Then he smirked. Sinusubukan talaga ng lalaki na ito ang pasensya ko. Binaba ko na muna ang skateboard ko.

Iyong aura ng katawan ko, kulay itim na. Siya din naman, feel ko talaga walang patutunguhan ang quiz na ito kasi naman, mortal enemies ginawang partners.

"You know what, magkaron nga tayo ng deal." Naging mas mahinahon na ang boses niya.

"Deal?" tanong ko naman. It sounded so interesting.

"The deal is, kailangan nating maging partners just this day. We have to be the best pair. Just for this day, let's be friends." pormal na eksplenasyon ni Dark. Iyong tipong may ka-business meeting ang peg.

"That's bad because I don't need any help lalo na kung galing lang naman sayo." Ayoko talaga I swear. Lagi niyang pinaiinit ang ulo ko.

"If that's the case then I have no choice." Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang wrist ko. At may inilagay siya dito.

T-teka? Posas? Pinosas niya ng kanang wrist ko sa kaliwang wrist niya?

"Hala ka! Tanggalin mo ito!" Pinipilit kong ialis iyong posas sa kamay ko pero ako na talaga ang malas. Ayaw maalis. Binalingan ko naman si Dark.

"Nasaan ang susi nito?!" napipika na ako sa isang ito. Kapag siya ang usapan, pakiramdam ko ang bilis talaga mawala ng self control ko. Nginisihan lang niya ako.

Sa galit ko, tinuhod ko iyong kayaman niya. Nagulat ata siya at ang nangyari napa-upo siya bigla sa lupa at dahil nga sa nakaposas ako sa wrist niya ay napasama din ako at napasubsob pa ako sa katawan niya.

At anak ng gravy naman oh! Dahil nga masakit ang 'Junior' niya ay napahawak siya dito and guess what?

Iyong kamay ko, napasama din! But I didn't touch it I swear! Nasa pagitan lang ang kamay ko ng mga hita niya!

Nagtama ang mga mata namin. Tsaka ko biglang naalala ang awkwardeness n gaming posisyon. Dali-dali akong tumayo pero dahil naman sa pesteng high heels na suot ko na-out of balance naman ako.

"Easy." Nayakap pa tuloy ako ni Dark para hindi ako tumama sa lupa.

"Ahmmm. Dark and Zitty? Paalala lang ano,Art of Bullying ang quiz hindi seduction ha. I repeat. It's AOB not Seduction." Nagkatinginan kami ni Dark ng biglang nagsalita iyong G.A. pin naming dalawa.

Gangster Academy (Published Under Pop Fiction) Book OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon