Chapter 3: Turning of Events

287K 6.2K 511
                                    

 Rain's POV (Tatay ni Zitty)

    

   

"Zero, hindi mo na pwede pang ilihim ang lahat kay Zitty. She has to enter the Academy as soon as possible. Malapit na ang Golden Ceremony, siya lang ang tapagmana mo at ng buong Empire." sabay hithit ni Papa (Lolo ni Zitty) ng sigarilyo.

    

"Alam ko nararamdaman ko din na kumikilos na ang kalaban ng ating grupo at gagawa sila ng paraan para bumagsak tayo. Ang inaalala ko lang ay kung ano ang gagawin at magiging reaksyon ni Zitty" sagot ko naman sa kaniya. Naghithit buga din ako ng sigarilyo at baka sakaling ma-relax ako sa pamamagitan nito.

  

Nakatayo lang kami ni Papa sa may hardin ng mansiyon. Kararating lang namin ni Alexa, Mama ni Zitty, mula sa Japan. Nag-aalala ako sa anak ko. Wala siyang kaalam-alam na ang pinuntahan namin doon ay ang base ng EMPIRE, ang Gang na mamanahin niya pagdating ng takdang oras. At ang oras na iyon ay malapit na.

  

"Magaling  ang apo ko. Kakayanin niya ang pamamahala ng grupo." Tumayo na ito at nagsimula ng maglakad papaalis. Pero bago siya makalayo ay muli itong nagsalita ng hindi humaharap sa akin.

   

    

"Aalis muna ako at makikipagkita sa iba pang miyembro dito sa bansa. Isasagawa ang Golden Ceremony sa susunod na linggo. Pag-uwi ni Zitty, sabihin mo na ang totoo." Napabuntong hininga ako. I have no choice. I have to tell her sooner about the gang and the school.

  

Pumasok na lang ako sa loob at hinanap ang pinakamamahal kong asawa. Nakita ko siya sa kusina. Ang bango ng niluto niya. Grabe nakakagutom!

   

      

"Hon? Kelan natin sasabihin?" tanong nito habang nag-aayos ng lamesa. Kung hindi mo alam na gangster ang asawa ko ay hindi mo maisip na gangster siya. Why? She likes dress. Cute dress at kikay din siya so hindi halata. Ang hinhin pa niyang gumalaw sa bahay.

  

"Mamaya." Sana lang maintindilhan mo Zitty. Umupo na ako sa mesa at ganun din ito. Nagsimula na kaming kumain ng may marinig akong tunog. Parang timer. Teka? At timer naman ng alin un?

  

Nagkatinginan kami. Agad kong binaligtad ang lamesa at doon tumambad sa akin ang isang nakakabit na bomba! Shit! Pota!

   

[[00:03]]  

[[00:02]]

      

[[00:01]]

Oh-ow! Shit this! Paanong--?!

 

  

Hindi na kami nakapag-react dahil biglang sumabog ang bombing iyon at lumikha ito ng napakalakas na ingay. 

 

 

BOOOOOM!

      

Gangster Academy (Published Under Pop Fiction) Book OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon