♥ lovely lv ♥

4.3K 56 15
                                    

Tiningnan ni Carlos si Joni na parang nag-aalinlangan sa sasabihin ng kaibigan ko pero nakita ko rin na nagbago ang reaksyon sa mukha niya. Sa tingin ko ay pareho na silang desidido, desidido na sabihin kung ano ang dapat naming marinig.

Itinaas ni Joni ang kanyang kaliwang kamay kung saan agad naming nakita ang singsing na nakasuot sa pasingsingan niyang daliri. Nanlaki ang mga mata ko, hindi ko malaman kung dahil sa pagkagulat ba o sa tuwa o parehas.

Tiningnan ko si Hera at nang magtama ang aming tingin ay bigla kaming na-excite. Naghawak ang mga kamay namin habang nakataas sa ere pahigpit nang pahigpit, halos mabalian na kaming dalawa ng daliri sa gigil na nararamdaman at siyempre dahil sa pagkatuwa't excitement.

"Whoa!" masayang sambit ni Mule habang dahan-dahang pumapalakpak. Sinulyapan pa niya kami at mas lalong lumaki ang kanyang ngiti.

Hindi maitatago sa kanyang mga labi ang saya na nararamdaman para sa kaibigan. Kahit ako naman, masaya ako para kay Joni. Wala na akong dapat ipag-alala pa, alam ko naman na may maganda silang relationship dahil hindi naman sila aabot ng five years kung naglolokohan lang silang dalawa.

"Are you crying?" tanong ko kay Mule nang mapansin ang luha na tumutulo mula sa mata niya.

"Of course not. Cry your ass. I'm just happy for my dude," defensive niyang tugon. Kahit naman itanggi niya, kitang-kita ko naman sa mata niya na umiiyak siya. And it makes my heart melts, how sweet he is. So cute.

"So you're crying," pang-aasar ko pa at dahil dakilang patola ang baklang 'to, alam kong makikipag-argumento na naman siya.

"Yeah! Tears of joy, happy?" ma-attitude niyang sabi. Ano pa nga bang aasahan ko sa kanya? Sa tuwing aasarin ko siya ay mas pipiliin niyang makipagdakdakan kaysa manahimik. Being silence for him is being weak.

"Cut it," sabat ni Carlos. "You look like shit when crying." Nginisihan lang siya ng kaibigan niya. I couldn't agree more sa sinabi niya. Kung may bagay man akong ayokong makita kay Mule, 'yon ay ang kanyang pag-iyak.

"Fuck you!" malutong na saad ni Mule. "You should be glad 'cause you have a handsome and a handsome friend like me." Natatawa ko sa kanilang dalawa. They have the cutest friendship I've ever seen.

"I love you, bro. Appreciated." Nakangiti lang si Carlos habang sinasabi 'yon at ramdam ko ang sincerity sa kanya. Inilahad pa niya ang kanyang kamao at inilabas din ni Mule ang kanya at pinagtama nilang dalawa 'yon.

"Watch your words, marinig ka ng anak mo," sabi ko naman kay Mule nang maalala na nagmura siya sa harapan ng anak namin. Sinigurado ko naman na siya lang makakarinig no'n baka kasi magtanong na naman si Jam kung ano 'yong 'fuck you'.

Nakakahiya rin dahil madaming tao rito. Kung may makarinig, sa 'ming dalawa magre-reflect 'yon kasi kami ang magulang. As a good responsible parent, dapat kami ang nagtuturo ng tama at magandang asal sa mga anak namin. But it seems like he can't.

"Okay, let's go back to our topic." Si Hera naman ang nagsalita. Masyado na kasing nalayo sa topic ang usapan. Marami nang commercial ang nagdaan pero gaya nga sa TV babalik pa rin 'yan after a short break, after ng commercial, s'yempre babalik sa current TV show.

"Engaged na kayo, and hindi naman kami tanga para hindi malaman na ang kasunod niyan ay..." Tumingin siya sa 'min at hinintay na ituloy namin ang gusto niyang sabihin.

"Kasal!" sabi ko.
"Wedding!" sabi naman ni Mule.

"Definitely!" Tinawanan kami ni Hera dahil sabay kami ng pagkakasabi ni Mule pero magkaiba kami ng sinabi.

Pagkatapos no'n ay tumahimik na kami. Hudyat na para magsalita ang dalawang love birds. Napansin ko namang tumingin ulit si Carlos kay Joni gaya ng ginagawa nilang dalawa kanina.

"You look like coward puppy everytime you look at your fiancé, asking for permission if you'll speak or not. Damn you--" pinutol ko ang kadaldalan ni Mule.

"Mule, manahimik ka nga!" Hinampas ko siya sa hita dahilan para matahimik na ang bunganga niya. Tiningnan ko naman si Carlos na nakangisi kay Mule dahil napagalitan ko ito. Actually, kanina ko pa sinasaway si Mule. Daig pa siya ng anak namin. Mas makulit pa siya kaysa kay Jam. My gosh, head aches.

"We're waiting..." ani Hera. She's giggling. Nahawa na yata ako. I'm super excited na rin, nagpapadyak na kaming dalawa ni Hera sa floor.

"Uhm... guys?" ani Carlos matapos niyang umubo para sa mas maging klaro ang daloy ng pagsasalita niya.

"Mm-hmm!" tugon namin. Para kaming mga elementary students na naghihintay ng announcement sa teacher kung kailan ang recess time.

"We're getting married," sabay nilang sabi.

"Mm-hmm! And..." Hindi kami na-excite sa sinabi nilang ikakasal na sila dahil alam na namin 'yon at gaya nga ng sabi ni Hera ay hindi kami tanga para 'di malaman 'yon. Ang gusto naming malaman ay kung kailan.

"Next week," sabay ulit nilang sabi.

"WHAT!?" pare-pareho naming reaksyon. Tiningnan ko ang mga mukha nila. Gulat. Laglag ang panga. Hindi makapagsalita.

"A marriage next week?" Makalipas ang ilang segundo ng katahimikan ay kinaya na ni Mule makapagsalita. Tumango naman si Carlos sa tanong ng kaibigan niya.

"Next week?" tanong ni Hera. Hindi makapaniwala sa narinig niya. Gaya ko. Pero hindi na ako umimik dahil magiging paulit-ulit na lang kami na puro 'next week' ang sinasabi.

"Yes, you've heard it right. We're getting married next week. The reason why we decided to tell it to you guys... about this... is because, we need your help." Nakahinga kami ng maluwag matapos marinig ang kumpirmasyon mula kay Joni. Mukhang hindi nga talaga sila nagbibiro at dahil do'n ay napuno na naman at walang mapagsidlan ang tuwa sa 'ming mukha.

"Of course!" Ako na ang unang sumagot. Bilang kaibigan ni Joni, sobrang saya ko na ngayon ay ikakasal na siya at gaya ng ginawa nila noong mga panahon na ikakasal na rin ako ay hindi ko ipagkakait sa kaniya 'yon-- ang tumulong. Silang dalawa ni Hera, marami silang naitulong noong ikakasal na ako at gusto ko ring ma-experience 'yon. I'm so excited na talaga!

LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERAWhere stories live. Discover now