♥ lovely lxvi ♥

2.9K 34 3
                                    

Papunta na ako sa counter at credit card ko muna ang gagamitin kong pambayad. Habang nakapila ako ay naisip kong kunin ang cellphone ko para i-text si Hera. Tamang-tama kapag nakapagbayad na ako ay baka nandito na rin sila pero kinapa ko ang bulsa ko at walang cellphone na nakuha ang kamay ko. Inisip ko kung saan ko nailagay at naalala ko na naiwan ko pala sa condo ni Hera.

Ang ginawa ko ay hinintay ko na lang sila. Mga sampung minuto akong naghintay bago sila tuluyang lumitaw para sunduin ako. Sabi ni Hera kanina niya pa raw ako tinatawagan. Naiwan ko ang cellphone ko sa condo niya ang sabi ko.

Nakabalik kami kaagad sa condo unit at tama nga ako, nandoon ang cellphone ko sa ibabaw ng kama. Naalala ko na nilapag ko nga pala ro'n noong nag-uusap kami ni Hera.

Kinuha ko 'yon at tiningnan. "My gosh, I think I need to go," sabi ko nang makita ang maraming missed calls na natanggap ng cellphone ko mula kay Homer.

"My gosh, oo nga pala! Nawala sa loob ko! Sige na, sige na," ani Hera. Nagtataka naman si Tahme at parang walang alam sa nangyayari. "'Yung anak niya, nasa school pa, susunduin niya 'yon," kausap niya kay Tahme.

"Sige ha, mauna na ako? My gosh, 'yong anak ko..." natatarantang saad ko habang papalapit kay Hera para ibeso siya sa pisngi. "Tahme, goodluck." Tinapik ko nang mahina ang braso niya at nagmamadaling lumabas sa condo unit.

Mariin kong tinapakan ang brake para mapahinto agad ang kotse sa mismong tapat ng school nila Jam. Mabilis ko 'yong narating kagaya lang no'ng pag-alis ko kanina. Kaagad akong bumaba para pumasok sa school pero nakita ko ang guard na isinasara na ang gate.

Huli na ako. Sumilip pa ako sa gate at wala na ngang mga estudyante. Tinanong pa ako ng guard kung sinong hinahanap ko pero hindi ko na siya pinansin pa. Tinawagan ko si Homer para malaman ang sagot at para mawala yung kaba na nararamdaman ko ngayon.

"Mommy." Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang boses ni Jam sa kabilang linya ng telepono.

"'Nak, nasa'n ka? Nasa'n si Homer?" tanong ko. Hindi siya sumagot.

"Hello, Mrs. Tiu, hinatid ko na sa bahay si Jam," ani Homer. Mukhang kinuha niya kay Jam ang phone niya. "Mahirap na delikado, e. Nandito ako ngayon, binabantayan siya habang wala pa siya."

Nagpasalamat muna ako kay Homer saka ko tinapos ang call. Kalmado akong nakauwi ng bahay. Tumakbo ako at pagpasok ko sa pinto ay nadatnan ko silang nagkukwentuhan at nagtatawanan. Kaagad akong napansin ni Jam at kumaway siya sa 'kin. Nilapitan ko siya at niyakap.

Sinabi sa 'kin ni Homer na hinihintay ako ni Jam sa school kanina. Tinawagan niya 'ko pero 'di ko nasagot dahil naiwan ko 'yong cellphone ko sa condo ni Hera. Buti na lang mabait 'tong lalaking 'to. Kainis kasi nagtagal ako kila Hera. Lintik na babae kasing 'yon, sabi niya saglit lang daw. Scam.

"Thank you po talaga sir Homer," sabi ko. Naglalakad na kami ngayon palabas ng bahay.

"You're always welcome, Mrs. Tiu," ngiting sambit niya. "Wala si Mule 'no?" tanong niya. Sasagot sana 'ko pero nagsalita ulit siya. "Nag-work daw sabi ni Jam." Tumango na lang ako bilang pagtugon. Nauna akong naglakad at pinagbuksan ko siya ng gate.

"Ingat kayo," aniya. Nginitian niya ako at ikinaway ang kanyang kanang kamay.

"Ikaw din," sabi ko bago isara at ikandado ang gate.

***

Napakabilis ng panahon. Maraming araw na ang nagdaan. Two weeks ang duration ng practice ni Jam para sa contest na lalabanan niya. Gano'n katagal na ring wala si Mule sa bahay. No calls, no texts. No communication. Hindi siya nagpaparamdam.

Inaasahan pa naman ng anak niya na sa araw ng laban niya ay uuwi na siya pero kagaya ko ay nabigo siya. Wala pa rin siya hanggang ngayon. Isa lang naman ang gusto kong malaman; iyon ay kung okay lang ba siya. Iyon din ang lagi kong dasal.

Nandito kami sa labas ng school ni Jam. Nandito na rin si Sir Homer at hinihintay na lang namin ang iba pang estudyante na lalaban. Habang naghihintay ay tiningnan ko ang anak ko. Kahit hindi niya sabihin na malungkot siya ay alam ko. Naupo ako at ngayon ay kapantay ko na siya. Hinaplos ko ang buhok niya at nginitian siya. Umaasang mahahawa siya nito.

"High ten! Up!" sabi ko saka itinaas ang dalawang kamay ko. Mayamaya ay naipasa ko na sa labi niya ang ngiti ko. Siguro ay naalala niya ang daddy niya. Si Mule kasi ang nagturo nito sa kanya. Itinaas niya ang dalawang kamay ay umapir sa kamay ko.

"High ten! Down!" sabi naman niya at ako naman ang umapir sa dalawang kamay niya pababa.

Nakarating kami sa school na paglalabanan nila. May isang oras din kaming nakasakay sa school service dahil may kalayuan din ang school na 'to. Bago lumaban si Myz ay pinaalala ko sa kanya kung gaano namin siya kamahal ng Daddy niya at kung gaano kami ka-proud sa kanya. Anuman ang mangyari, manalo man o matalo; proud kami sa kanya.

Natapos na ang contest makalipas ang ilang oras at dumating na ang pinakaantay ng lahat-- ang awarding ceremony. Nandito ang lahat sa gymnasium. Magkakatabi ang mga parents, teachers at representative ng bawat school. Nandito kami sa gawing gitna nakaupo.

"And our Champion for the Sci-Math Quiz Bee..."

Napakalakas ng kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako dahil hindi pa tinatawag ang pangalan ni Jam. Katabi ko siya ngayon at inabot ko ang kanyang kamay para hawakan. Habang tumatagal ay pahigpit nang pahigpit ang kapit ko, umaasang matatawag siya.

"Congratulations, Jam Cicely Tiu from Westminster Elementary School!" sabi ng emcee. Lahat kami ay nagulat. Nagsigawan kami nang marinig ang pangalan ni Jam. Lahat kami ay masayang-masaya pero walang katumbas ang saya na nararamdaman ko. Umakyat kami sa stage at masayang nagpapicture. Isinuot sa kanya ang gold medal at ang certificate na nagsasabing siya ang champion.

***

Masaya kaming umuwi pero naglaho ang saya nang makarating kami sa bahay. Tahimik. Wala ang taong matagal na naming nami-miss. Walang yakap na sumalubong sa 'min ni Jam. Walang Mule na nag-aabang. Walang Mule na hahalik sa 'min. Walang Mule na magpapatawa. Walang Mule na mang-aasar. Walang Mule na nagluluto ng pagkain para sa amin. Walang Mule na mangungulit. Wala... wala pa rin siya.

"Anak, 'di mo ba huhubarin 'yan?" sabi ko kay Jam habang nakahiga at pinagmamasdan ang gold medal na suot niya.

"Hindi, mommy kasi baka bukas umuwi na si Daddy. Gusto ko suot ko 'tong medal ko kapag nakita niya 'ko," sabi niya. Malungkot akong ngumiti. Miss na miss niya na talaga ang daddy niya.

Nakatulog na ang anak ko pero ako ay gising pa rin. Ni hindi ako magawang dapuan ng antok. Iniisip ko siya. Siya lang at wala nang iba.

Kinuha ko ang cellphone, nagbabaka sakaling may text na galing mula sa kanya pero wala. Nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya marahan akong bumaba sa kama at para hindi magising ang anak ko.

Nang makababa ako ay nagtimpla ako ng gatas. Nang maubos ko 'yon ay narinig kong bumukas ang pinto doon sa harap. Mule? Ikaw na ba 'yan?

Naglakad ako papunta ro'n para tingnan kung sino 'yon. Gamit ang flashlight ng aking cellphone. Isang lalaking nakadamit ng itim at nakabalot ng itim na bonnet ang mukha ang tumambad sa 'king harapan. Nanlaki ang aking mga mata ko sa takot. Ibinuhos ko ang buong lakas ng paa ko para makatakbo pero naabutan niya ako. Hinablot niya ang buhok ko. Sumigaw ako ng tulong pero kaagad niyang tinakpan ng bimpong may kakaibang amoy ang bibig at ilong ko. Nang maamoy ko 'yon ay nakaramdam ako kaagad ng panghihina at pagkahilo hanggang sa nilamon na ng dilim ang aking paningin.

LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERAWhere stories live. Discover now