♥ lovely xliii ♥

3.7K 44 4
                                    

"Nakakainis ka kaya no'n," saad ko bago siya tapunan ng mapang-inong tingin. Huwag niyang sabihing hindi. Wala siyang ibang ginawa noon kundi ang inisin ako nang inisin. Ako naman, pikon at sobrang natutuwa siya sa tuwing nagtatagumpay siya na asarin ako.

"I know, kaya ka nga na-inlove sa 'kin, 'di ba?" tanong niya saka ngumiti na parang pinipigilan niyang maging tawa. Ang lakas din ng loob niyang tanungin 'yon sa 'kin. Akala mo namang hindi siya na-inlove sa 'kin noon. Sa pagkakaalam ko maraming nagkakandarapang lalaki sa 'kin no'n, at swerte niya dahil siya ang pinili ko.

"Whatever," saad ko saka ibinaba ang tinidor na hawak at nilalaro ko sa 'king kamay. Naubos ko na ang bake mac at chocolate cake. Kinuha ko ang baso na may lamang blue lemonade at ininom hanggang sa maubos ito.

"Let's go?" ani Mule. Tumayo na ako at binitbit ang bag na dala ko. Inakbayan niya ako habang papalabas kami ng canteen. Tinanong niya pa ako kung nabusog daw ba ako, tumango lang ako.

Naglalakad kami pabalik sana sa gymnasium dahil may mga naka-ready na mga monoblock chairs do'n nang may nakasalubong kaming mga bata na naghahabulan. Papalapit sila sa 'min at mayro'n silang dalang laruan. Teka, watergun ba 'yon?

"Bang! Bang! Bang!" sabi nila at itinutok nila kay Mule 'yong watergun na hawak nila. Natawa na lang ako kasi walang magawa si Mule kasi tuwang-tuwa rin 'yong mga bata habang binabaril-baril si Mule ng tubig. Sa sandaling pinagmasdan ko ang tatlong batang iyon, I figured out that they look the same as if they're twins... triplets, I guess. So cute!

"Hey! Stop it!" sigaw ni Mule, nagulat 'yong tatlong bata sa sinabi niyang 'yon. Sino ba naman ang hindi magugulat at matatakot sa laki at baba ng boses ni Mule. Bakas sa mga mata ng mga bata ang kaunting pagkasindak.

"Oy, 'wag mong sabihing papatulan mo 'yang mga bata?" tanong ko kay Mule na ngayo'y yakap-yakap na ang sarili para hindi tuluyang mabasa ang sarili.

"Myz, I have an extra shirt. Nando'n sa kotse, kukunin ko lang saglit," ani Mule na nagtitimpi ng galit sa mga batang makukulit.

"No, ako na lang kukuha." Sinabi niya pang siya na lang ang kukuha pero sinabi kong maiwan na siya at ako na lang ang kukuha ng damit niya. Bago ako umalis ay nakita ko ang mga bata na tumakbo papunta ro'n sa lalaking tumawag sa kanila.

Hindi rin naman ako nagtagal sa pagkuha sa damit niya. Alam ko naman kung saan nakalagay 'yon. Bumalik na rin ako kaagad para makapagbihis na si Mule. Nang malapit na ako ay nakita ko siyang may kausap na lalaki at kung hindi ako magkakamali ay 'yon ang lalaking bumawal kanina sa mga batang nangti-trip kay Mule.

"Ito na ba si Myz?" bungad na tanong ng lalaking kausap ni Mule.

"Oo, pare. Myz, si Wesley, schoolmate natin no'ng senior high," aniya bago tumingin sa 'kin saka nginitian ang kausap niya.

"Hi, Wesley," bati ko sa kanya. Nginitian niya lang ako at nawala ang ngiti niya nang makita ang damit na hawak ko.

"Naku, pasensiya na talaga, ha? Sobrang kukulit talaga ng mga anak 'ko," ani Wesley na kakamot-kamot sa likod ng ulo. So, ibig sabihin, anak niya 'yong mga batang 'yon. Kaya naman pala no'ng binawal at tinawag niya ay lumapit at sumunod agad sa kanya.

"Anak mo lahat 'yang tatlo na 'yan kay Jannah?" tanong ni Mule kay Wesley na nakatingin at nakasubaybay sa mga batang naglalaro malapit sa kaniya. Sinong Jannah naman 'yong sinasabi niya?

"Ah, oo," natatawang sambit ni Wesley. Nakita ko pang binawal niya ang isa dahil masyado na itong naglilikot. Napaisip tuloy ako kung ano kaya pakiramdam kapag may anak kang kambal or triplets? Masaya kaya? Sa tingin ko masaya naman kaya lang for sure mahirap din saka nakalilito lalo na kung sobrang magkakahawig sila but why not? If ipagkaloob na magkaroon, I would be very glad and tatanggapin ko talaga.

"Wow!" sabi ni Mule habang namimilog ang bibig na napapailing. "Ang lakas niyo," sabi pa niya. Nagkatinginan pa ang dalawa saka nagtawanan.

"How does it feel?" seryosong tanong ni Mule habang pinapanood na rin ang mga batang masayang nagtatakbuhan at naglalaro.

"Ang alin?" tanong ni Wesley kay Mule. Tiningnan niya ito na parang hinahanap kung saan nanggaling ang tanong ni Mule na 'yon.

"'Yong gan'yan!" sagot naman ni Mule bago ituro ang mga bata na naglalaro. Nakakamiss lang din maging bata. Naaalala ko noong bata pa ako, puro lang ako laro. Wala pa akong kaalam-alam no'n sa tunay na mundo. Basta ang alam ko lang masaya akong naglalaro. Malayang gawin ang mga gustong gawin. Iiyak kapag nadapa pero babangon din. Malayo sa problema. Walang pinoproblemang asawa na pagkatigas-tigas ng ulo.

"Ang pagiging daddy sa tatlong makukulit na 'to?" Muling tiningnan ni Wesley ang kanyang mga anak na maingay na naglalaro. Tumango lamang si Mule, tanda ng kanyang pag-sang-ayon sa tanong.

"Mahirap na masaya, bakit mo naman naitanong?" sagot ni Wesley. Hindi naman nakasagot si Mule sa tanong ni Wesley. "Gusto mo bang magkaanak ng triplets?"

"Gusto mo ba Myz?" ani Mule nang ibaling sa 'kin ang kanyang atensiyon. Natawa na lang ako sa sinabi niyang 'yon. Baliw talaga siya, kung sumagot ba ako ng oo, kaya ba niyang gawing triplets ang magiging anak niya? Paano niya malalaman na magiging triplets ang sperm na ipuputok niya sa 'kin? Napailing akong tumatawa.

"O, mukhang magbibihis ka pa pare. Malapit na magsimula 'yong meeting maya-maya, mauna na kami ro'n sa gym, hihintayin ko pa si Jannah," ani Wesley. Sa tingin ko, wife niya 'yong tinutukoy niya. Iba kasi 'yong ngiti niya after niya sabihin 'yon, e.

"Ah, pupunta rin siya rito?" tanong pa ni Mule bago tuluyang umalis si Wesley. Mukhang interesado talaga siya sa Jannah na 'yon, ah! Siguro friends sila no'n. Nevermind.

"Oo, pare. Pinauna niya lang ako rito dahil may ginagawa pa siya sa bahay pero mamaya nand'yan na rin 'yon," ani Wesley. Mukhang sa sinabi niyang iyon ay masasabi kong masipag na babae ang kanyang asawa.

"Sige, pare. Magbibihis na 'ko," natatawang sabi ni Mule. Tumango lang si Wesley pabalik gayundin sa 'kin at saka ngumiti. "Bawalin mo na 'yong mga makulit mong anak, baka mambasa pa 'yan ng iba," pabirong wika pa ni Mule na nginisihan lang din ni Wesley.

Tumalikod na kami matapos niyang tumalikod at kumaway paalis para puntahan ang mga bata. Sa tingin ko nga ay mahirap magkaroon ng gano'ng anak. Isa pa nga lang, hirap na ako, tatlo pa kaya?

"Myz..." aniya habang naglalakad kami papunta sa comfort room.

"What?" sagot ko. Ano naman kaya ang balak niyang sabihin? Importante kaya o baka naman kalokohan lang. Hinintay ko siyang sumagot para mawala na ang mga agam-agam na gumugulo sa 'king isipan.

"Seryoso ko ro'n sa sinabi ko kanina, ah!" sabi niya habang naglalakad kami. Nakaakbay siya sa 'kin habang ang kamay ko naman ay nakasukbit sa kanyang bisig.

"Alin do'n?" tanong ko. Ilang saglit pa ay natatanaw ko na ang comfort room. Mukha namang walang gaanong tao. Muli kong nilingon si Mule, hinihintay ang sasabihin niya.

"'Yung gusto ko na magkaanak tayo ng triplets, can you do that for me?" seryoso niyang sabi, direkta sa 'king mga mata, walang halong biro.

"Can you do that?" tanong ko pabalik na ikinangisi niya. Ako lang ba ang gagawa no'n? Aba'y s'yempre nakasalalay rin 'yon sa sperm niya.

"We'll see," he shrugged.

LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERAWhere stories live. Discover now