ii

69 7 7
                                    

Irene

"Irene? Irene!"

I looked at Leo. Mukhang nag alala siya-

"What happened? You're spacing out" Oh. I smiled saka tinanggal sa isip ko ang nangyari nuon.

"Ah! Inaalala ko lang kung ilang panty ang kukunin ko mamaya. Hehe" pagpapalusot ko. Mukha namang naniwala siya sakin kaya di na ulit siya nagtanong.

"Sandali lang. Kukunin ko lang yung susi ng kotse ko" tumango nalang ako.

Medyo di pa ko sigurado kung makukuha ko ba gamit ko sa bahay. Baka kasi nandun sila Mommy at kung anong isipin pag nakita si Leo. Pwede ko namang i explain sakanila na siya yung soulmate ko pero i doubt na makikinig sila sakin.

"Let's go" sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

———————————

"So anong naisip mo at tumakas ka sa bahay niyo? Tapos ngayon babalik ka dun na parang wala lang?" tanong sakin ni Leo habang nagmamaneho siya papunta sa kung saan ako nakatira.

Dapat ko bang sabihin? Baka di niya rin ako maintindihan.

"Trip ko lang. Kung gusto mo ikaw rin" umiwas ako ng tingin sabay tanaw sa labas. Wag muna ngayon. Saka na kapag di na masyadong masakit.

"Ba't naman ako lalayas? Tsaka sino bang lalayasan ko? I don't have a family anymore. My mom died when i was 14 and my dad is now happy with his new family." he said casually. Na parang wala lang yung pinagdaanan niya. Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin ko. I never thought na may nangyari pala sakanyang ganyan.

Natahimik tuloy ako. Ang tanga mo talaga Irene! "I-im sorry" pautal utal kong sabi. Nahiya tuloy ako bigla.

"Nah, it's fine. I'm used to it" ngumiti siya sakin and damn bumilis nanaman tibok ng puso ko. Puta ba't ganto? I admit first time ko maramdaman to pero di ko naman in-expect na ganto pala kasarap sa feeling.

"Oh! O-okay!"

I saw some familiar buildings kaya alam ko namang malapit na kami. Nang matanaw ko na ang bahay namin ay pinahinto ko si Leo saka sinabing maghintay siya dito. Hindi ko siya pwedeng isama.

I'm standing in front of our door. Kakatok ba ako? Pero pwede naman akong pumasok nalang. Huminga ako ng malalim saka binuksan ang pinto.

Walang tao sa loob.

"Mom? Dad?" i shouted pero walang sumagot.

Dali dali akong pumunta sa kwarto ko saka kinuha ang mga kailangan kong dalhin. Kumuha ako ng maleta saka dun nilagay lahat. Nang matapos ako sa pag-impake ay pinagmasdan ko ang buong kwarto ko. This is where i used to cry. To study. To feel alone. And now i'm leaving.

Lumabas nako at sumalubong sakin ang mukha ng magaling kong kapatid. Inayos niya ang mahaba niyang buhok saka ngumiti sakin. Now i know na ampon talaga ako. She's outstandingly beautiful pero mas maganda parin ako hmp.

"Oh you're here." sabi niya saka pamewang.

"Hinde pota i'm there! Kita mo na nga nasa harap mo ko" pero syempre sa isip ko lang sinabi yan. Nginitian ko siya ng matamis at di na sinagot. Dinaanan ko lang siya ng bigla siyang nagsalita.

"Once you leave this house pwedeng huwag ka na bumalik? I like it more kapag wala ka dito. Walang pabibo, papansin at epal" i closed my eyes. Gusto kong sumagot pero walang lumalabas sa bibig ko.

"Besides ampon ka lang naman" i felt my eyes getting wet hanggang sa di ko na kaya at tuloy tuloy na lumabas ang kanina ko pang pinipigilang luha.

Humarap ako sakanya at muling ngumiti. Nagulat siya sa ginawa ko pero di kalaunan ay ngumisi siya.

"You know what Catherine, I'm glad na hindi kita totoong kapatid. I never wanted an ugly, stupid whore as my older sister"  what i said was a total lie. Nadala lang siguro ako sa nararamdaman ko.

Tumakbo ako ng mabilis dala dala ang gamit ko saka lumabas ng bahay. I saw Leo's car kaya dali dali akong pumasok sa sasakyan niya.

And right here beside him, i cried.

Umiyak ako ng umiyak. Leo patted my back. Hindi siya nagtanong o ano and it's better. I felt his long arms on my waist and before i knew it, he's already hugging me. It felt so nice. So warm and cozy.

"Shh it's okay. I'm here. I will never leave you"

TimedWhere stories live. Discover now