iii

65 8 19
                                    

Irene

"IRENE!!!! I MISSED YOU!" isang napakalakas na sigaw ang bumungad sakin pagpasok ko sa classroom. I saw one of my friends smiling widely while running to my direction.

"Stop shouting Marielle! Dalawang araw lang kayo di nagkita ni Irene" pambabara naman sakanya ni Nicole.

"Pake mo ba? Palibhasa walang jowa" hindi ko alam kung matatawa ba ako o kung ano sakanila. Susugurin na sana ni Nicole si Marielle ng magsalita si Zabrina.

"Hey! Stop fighting. Para kayong pusa't pusa" huh???

"Diba aso't pusa yun?" nagtatakang tanong ko.

"Eh pareho silang babae eh. Kaya pusa't pusa hehehe pareho silang may pussy" sabi niya habang nakangiti. Sabagay may punto siya.

"Anyways, Zab? pwede ba kitang kausapin ngayon?" tanong ko sakanya. Nagtaka naman siya pero tumango din.

"Hoy ba't si Zab lang? Hindi mo na ba kami kaibigan? After all these years? After all-" hindi natuloy ang sasabihin ni Marielle nang batukan siya ni Nicole. Tumayo naman si Marielle saka ito sinakal. Hindi ko alam kung aawatin ko ba sila o hindi na. Tinignan ko si Zab saka sinenyasan na lumabas.

"Kanina ka pang bruha ka!!!" gigil na sabi nito. Iniwan na namin silang dalawa saka tumungo sa Locker Room.

"So anong sasabihin mo?" tanong nito saka ngumuya ng bubble gum.

I smiled at her awkwardly saka pinakita sakanya ang wristband ko. Nagulat siya sa nakita niya at napanganga kaya nama'y nahulog ang bubble gum na nasa bibig niya kanina.

"What?! How come?! Since when?! Who?! Where?! Ano sagot?!" sunod na sunod na tanong nito.

Siya ang unang pinagsabihan ko since like me, nahanap niya na rin ang soulmate niya which is si Gabriel.

"Loooong story! May itatanong lang ako! Uhm normal pa ba yung kapag kausap mo siya eh you feel butterflies on your tummy? o kaya naman pag ngumingiti siya, you suddenly want to kiss him? I probably sound like a pervert right now pero i don't care. I want answers!" i asked desperately. Nagulat ako ng tumawa siya. Alam mo yun? Yung tawang sobrang lakas. Di ko alam kung ma-ooffend ba ako o ano.

"Of course that's normal! Tanga ka ba? Kaya nga soulmate mo eh? Lahat ng nararamdaman mo shows that you like him." napa-ohh naman ako sa sinabi niya. Sabagay.

"Eh ikaw ba? Anong nararamdaman mo kay Gabriel?" tanong ko sakanya. Nagulat naman ako ng bigla siyang mamula saka tumalon talon.

"Ihhh! Wele nemen! Ihh hihi" pabebeng sambit nito. Ah wala nga talaga.

————-

"Anong pinagusapan niyo ni Zab?" pangungulit sakin ni Marielle habang nagtuturo ang guro sa harap.

"Binackstab ka namin" sabi ko kaya inirapan naman niya ako. Akala ko titigilan na niya ako pero nagtanong ulit ang gaga pero ngayon may kasama ng banta.

"Sasabihin mo? O ikakalat ko picture mo na nakanganga habang may tumutulo na laway sa gilid ng bibig mo" nakangising sabi nito kaya di ko mapigilang manlaki ang mata.

This bitch!!

"Okay fine!" pinakita ko sakanya ang wristband ko. Katulad ng reaksyon ni Zab ay nagulat din si Marielle.

"What?! How come?! Since when?! Who?! Where?!" teka narinig ko na to ah?

"Ms. Marielle! Pumasok ka sa school para mag-aral! Hindi man-chismis!" sigaw sakanya ng teacher namin kaya naman umupo siya ng maayos.

"Sorry po Ma'am hehe" nang tumalikod si Ma'am Dimagiba ay umaktong susugurin naman siya ni Marielle na ikinatawa ko.

Tumigil ako sa pag-tawa ng may mapansin akong kakaiba. Umiilaw ang wristband ni Marielle. From black to red. I saw some numbers.

"Marielle your wrist-"

Lumingon naman siya sakin saka tumingin sa kamay niya. Nagulat siya at mukhang di alam kung anong gagawin.

10....... 9........ 8.........

May pumapalibot na ilaw sa paligid niya at nagulat kami ng unti unti siyang lumulutang.

7..... 6..... 5...... 4.......

Ipinikit niya ang kanyang mata saka ngumiti. Sa tagal kong kaibigan si Marielle ngayon ko lang siya nakitang ganyan ngumiti.

3.... 2..... 1....

Unti unting naglaho ang ilaw sa paligid niya at unti unti din siyang bumababa.

"Uhm excuse me ma'am. Ako po yung transferee-" napatingin kami sa pinto at nakita namin ang isang matangkad na lalake. Singkit at maputi.

Unti unting nagbago ang kulay ng wristband niya. Naging kulay red ito. I saw him staring at Marielle.

Walang gustong magsalita

Even Marielle. Nakatitig lang din siya dun sa bagong dating na lalake.

Marielle smiled. The guy smiled back.

"Hey, i'm Brix"

TimedWhere stories live. Discover now