iv

43 3 7
                                    

Irene

"Omg! Nakita mo ba kung pano niya ako tignan kanina? Those eyes! Shet! Teka maganda ba ako ngayon? Maayos ba buhok ko? Nakakahiya! Para talagang puputok yung puso ko kanina nung nakita ko siya! Irene huhuhu! Ganto rin ba naramdaman mo nun-" tuloy tuloy lang sa pagsalita si Marielle habang ako naman ay hindi nakikinig sakanya. Hehehe.

Hinayaan ko siyang dumada ng dumada habang ako ay iniisip kung anong ginagawa ni Leo ngayon. Iniwan ko siya sa bahay niya. I realised na marami pa pala akong di alam. All i know is that he's alone and he needs me.

I will never leave him. I will do everything just to make him happy.

If this is what you call love. Then i love being inlove.

"Putangina mo Irene! Hindi ka nakikinig sakin. Leche ka" nagulat ako ng mura murahin ako ni Marielle. I looked at her saka tumawa. Minsan talaga may pagka-amazona tong babaeng to. Di ko nga alam kung paano ko to naging kaibigan.

"MARIELLE! OMG ANG GWAPO NG SOULMATE MO KYAAAAAAA" nakita ko si Nicole na tumatakbo papunta sa direkson namin habang sumisigaw. Ba't ba nagsisigawan lahat ng tao ngayon!

"Nicole! Wag ka ngang sumigaw nakakahiya!" sita naman sakanya ng kasamang niyang si Zabrina. Minsan talaga may pagka-strikto tong si Zab. Di ko nga alam kung bakit maraming nanliligaw dito eh. Sabagay matalino na nga maganda pa. Nalamangan ko lang ng konti. Hmp.

Lumapit si Zab kay Marielle saka ito tinitigan. Kinabahan ako kasi ang seryoso ng mukha niya.

"MARIELLE KYAAAH ANG POGI NUNG BRIX AAAAAH!" napa-iling nalang ako ng magsisisgaw din siya. Seryoso ako nalang ba matino saaming magkakaibigan?

Tinawanan ko nalang sila ng magtatatalon sila sa kilig.

Help

I stopped laughing when i heard a faint voice. Lumingon ako sa paligid ngunit wala naman akong makitang kakaiba.

I heard the voice again but now it's clearer. Boses lalake and sobrang familiar nito saken.

Help, Irene.

Napatayo ako saka tumakbo palabas ng school. Hindi nako nakapag-paalam sakanila dahil nagpapanic nako.

Isang tao lang ang nasa isip ko ngayon. Leo

Marielle

Napatigil kami sa pagtalon ng biglang tumayo si Irene at dali daling tumakbo palabas ng school. Anong problema nun?

Susundan ko na sana siya nang makita ko si Brix na papalapit sa direksyon ko.  Hindi ko alam kung anong gagawin. Naramdaman kong wala na si Zab at Nicole sa tabi ko kaya naman mas lalo akong nataranta. Shit! Ayan na malapit na siya konti nalang! Nakangiti siya sakin habang slowmong naglalakad. Kitang kita ko ang mapuputi niyang ngipin, mukha tuloy siyang endorser ng close up.

Nagulat ako ng bigla siyang matisod, tutulungan ko na sanang tumayo pero agad din siyang umayos. Hindi ko tuloy mapigilang tumawa.

"Ayos ka lang?" tanong ko sakanya habang nakangiti. Nagkamot naman siya ng ulo saka nahihiyang tumingin sakin. Puta ang cute.

"Ah oo hehe" huminga siya ng malalim.

"Marielle, uhm pwede ka bang yayain lumabas?" AAAAAAAAAAAA!!!!

"Ehm weit hehe checheck ke leng sched ke" pabebe kong sambit. kinikilig ako anuba.

"Ah sige sige!"

"Tara na!"

"Teka akala ko checheck mo sched mo?"

"Charot ko lang yun hihi"

At nagkainan nga kami. Este kumain.

Irene

Agad akong bumaba ng taxing sinakyan ko saka tumakbo sa loob ng bahay ni Leo.

Hinanap ko siya sa kusina, sala, kwarto pero wala pa rin. Puta ba't kasi ang laki ng bahay na to. Umakyat ako sa second floor saka pumasok sa library. Oo may library dito kasi hilig ni Leo ang magbasa.

Speaking of the devil. Prente siyang nakaupo sa sofa habang may binabasang libro.

Napanganga ako. I was worried for nothing?! Pero yung boses. I know for sure na sakanya yun!

"Oh andito ka na pala." kalmadong sabi niya saka inayos ang suot niyang salamin. Ang pogi ugh.

"Ayos ka lang?" tanong ko sakanya. Ngumiti naman siya na lalo kong ikinataka.

"So it worked"  i looked at him and tilted my head.

"Didn't you hear me calling you a while ago? That was me. Sinusubukan ko lang kung totoo ba yung nakasulat sa librong to" paliwanag naman niya saka pinakita ang librong hawak niya.

"This book contains information about our bond"

"Bond?" tanong ko ulit sakanya. Hindi ko maintindihan.

"It means you and me are one. I am you. You are me. I can access your thought and we can talk through our minds. We are connected to each other" napanganga ako sa sinabi niya. I never heard any of that. To be honest ang alam ko lang kaming dalawa ang para sa isa't isa. Yun lang.

Do you understand me?

Napaatras ako ng marinig ko ang boses niya sa isip ko.

"T-this is insane" nautal ako.

Naputol ang usapan namin ng tumunog ang cellphone niya. Sinagot naman niya ito pero nanatili siyang nakatingin sakin.

"Hello?.. Brianne?... Airport?...Okay papunta na ako" he smiled saka pinatay ang phone niya.

"Let's go may susunduin tayo sa airpot" hindi na ako nakapalag ng hilain niya ako.

First time ko siyang makitang ngumiti ng ganun. Who the hell is brianne?

TimedWhere stories live. Discover now