Babae sa C.R

2.3K 29 2
                                    

Hi po sa lahat at sa admin dito,bdw avid reader pala ako sa page nato,ako pala si (yoona) not my real name,from Cebu po,so here we go.

We back 2002 (5yrs old) ako non, at exactly 6pm maghahapunan napo kami,so after dinner lumabas po ako para mag toothbrush ,patapos nako mag toothbrush nang bigla ko makita yong babae na lumulutang mga 50 meters ang distance namin dalawa ,saka bilog ang buwan so makikita mo talaga siya clearly,all in white,instead na matakot at tatakbo sa loob ng bahay sinundan ko siya,pero ng palapit ng palapit ako sa kanya,may malaking bato sa unahan niya at bigla siya nawala don,so bumalik nalang ako sa bahay,.at kinukwento ko Kay mama ang ngyari,kaya lang di sila naniniwala..
ff
2003 namatay yong papa ko,sabi nong doctor at first no findings ,pero bakit hirap si papa mag swallow kahit laway niya,kahit San na hospital kami non pumupunta at lastly may nag sabi na cancer sa lalamunan,pero di po kami naniniwala,"after his death nagkalagnat po ako,no findings, so nag punta kami sa albularyo,at don nakita niya sa pulse ko na yong papa ko daw di namatay sa cancer dahil ang totoo daw po non yong papa ko nagkasala sa engkanto,dati kasi namumutol kahoy papa ko sa bukid para ibenta..so ang nangyari natamaan niya pala sa leeg yong engkanto kaya ayon din ang sakit na iginante sa kanya..
Ff
2005 si mama ang sumunod,ganito kasi yon nong nagpagamot kami sa abularyo, binigyan niya ng pamproteksyon si mama,kelangan daw di tanggalin kasi delikado si mama,sabi kasi ng abularyo na gusto daw nong engkanto kung San nagkasala si papa,ay kunin kami lahat,ff. One time naligo si mama,tinanggal niya yong pamproteksyon na binigay bong abularyo kasi daw nasagabalan siya,so ang nangyari bukas makalawa non bigla nalang nghina si mama, 2weeks nilalagnat si mama at convulsion every 12MN-3Am..hanggang sa tuluyang namatay si mama.
Ff
2010 after sa nangyari sa pamilya namin nasa tita at Tito nako tumira, yong Tito ko nagkasakit siya dahil may naapakan daw na engkanto, grabi ang takot ko non,kasi di lang si Tito nakakita ng mga engkanto pati ako,nung bigla ako sinalubong ng malaking anino pero di ako takot ,at nakita ko din na may mga anino din kasing tangkad ko lang ang lagi nakasilip,.kaya nagpasya kami na ipagamot namin siya kaagad,at gumaling yong Tito ko. Ff
Nga pala guys lagi po ako nakakita ng engkanto,kahit parents ko nakikita ko parin sila kaya lang yong pakipag usap nila dinaan sa panaginip,alam niyo yong di ka nag iisa parang laging may nagmamasid sakit.Ff
2013 lumuwas ako ng syudad para pagpatuloy pag aaral ko sa kolehiyo, at don ako tumira sa ate ko,may sarili akong room so mahilig ako non mag textmate hanggang 1am..my kausap ako sa phone mga 11pm ng biglang di nako makapagsalita na may pumipigil at di ako makagalaw ,tapos biglang lumitaw ang napakagandang babae papunta sakin sa bintana ko po siya nakita, lumulutang siya,tapos habang papalapit siya bigla niya dinampi yong mukha niya sa mukha ko ,hirap ako huminga non kala ko mamatay na ako,ang mas nakatakot pa non ng biglang nag crack yong mukha niya at yong dugo dumaloy sa mukha ko sobrang creepy po niya kakatakot Yong mukha niya,buti nalang pumasok si ate sa kwarto may itatanong sana,ng makita daw niya ako parang di na huminga at namumutla ,sinampal niya ako,at nagising ako grabi iyak ko nakaupo lang ako non,at yong ka call ko sa phone panay hello sakin kung andon paba ako,..
FF
2014 lumipat ako bhouse,ako lang isa sa room,habang tulog ako,mga bandang 12MN lagi ako magising dahil hirap ako huminga ng makita ko yong anino nakahiga sa may dibdib ko,bumangon ako sa pagkahiga at bigla nalang nawala yong anino..yong feeling na parang di kana makagalaw ,makahinga,at di makapagsalita, lagi nalang ngyayari saken yon,pero na cocontrol ko naman sabay panalangin Kay God..FF
Lumipat ako ng room yong may kasama na ako.sa umpisa okay naman pakiramdam ko,pero after weeks ng biglang pang nightshift ang duty ng kasama ko so mag isa na ulit ako matulog,ayon di nanaman ako makagalaw unti2x ko binuksan mata ko kasi gusto ko makita kung anong mabigat sa katawan ko,ng maibukas ko kunti yong mata ko nakita ko yong lalaki nakaupo sa tiyan ko,..nakabarong siya at nakatalikod,tinanong­ ko siya kung sino siya at ano kailangan niya,pero bigla nalang siya na wala,.Ff
First time ko mag ka bf.akala ko mawawala na yong mga engkanto sa paningin ko ,halos gabi2x bumibisita bf ko sa bhouse since then cousin siya ng may ari ng bhouse ,w/c is cousin ko rin sa father side, so nong parang nag take advantage yong bf q sakin,ang nangyari,every bisita niya sakin sa bhouse nagkakalagnat ako lagi,pero pag umuwi siya nawawala yong lagnat ko,hanggang sa nagkasakit bf ko at may nagpapakita na din daw sa kanya.. Kaya yong tita ng cousin ko mother side niya,decide na pagamot ako sa kakilala nila na abularyo,kaya go ako don,kaya lang sabi nong albularyo di daw niya ako pwede gamutin pagka magagalit daw yong mga engkanto at saniban daw ako at maging wild daw ako
Dito nalang po muna antok napo ako,next tym ulit.

TRUE HORROR STORYWhere stories live. Discover now