SA AMING BAHAY

578 4 0
                                    


        

        
       
  ulet naman to. Sa aming bahay kung saan Engkanto at Kaluluwa ang nagpapakita, nagpaparamdam at nakikitara.
Bangungot ang kadalasang inaabot ng nakikitulog samin (Thank You Lord wala pang namamatay). Sinasabi nilang hindi sila makagalaw, may babaeng naka puti daw sa tabi nila. Babaeng nakaputi na nagpakita saakin at sa kapatid ko.
        
       

Madalas kaming makaramdam sa bahay ng kakaiba, yung tipong parang may laging nakatingin sayo, pero wala namang tao. Minsan naman, may tatawag sa pangalan mo sa madaling araw, minsan may mga batang nagtatakbuhan sa sala at labas kahit alanganing oras na, meron namang naglalakad na pagkabigat bigat ng paa na paikot ikot, meron ding tila, nagmimina. Lagi kong tinatanong si mama, kung sino yung naglalakad sa likod, lagi niyang sinasabi na hayaan na lang dahil matagal na daw yun.
        
       

Minsan naman, habang natutulog ako, nagigising ako sa ingay ng mga batang nagtatakbuhan sa aming sala, kaapag sinilip ko naman, wala namang tao. Pag higa ulet, maririnig ko na naman sila may kasama pang pagtawag sa pangalan ko. Sabi ng mama ko, huwag daw akong sasagot pag tinawag nila ako, sakit daw aabutin ko.
Isang araw, nagpatawas ang kapatid ko, Sabi sakanya, madami daw kaming kasama sa bahay. May mabait at hindi. Bali nasa kwarto ko daw ang masasama. Nanduon daw ang babaeng naka belong itim. Ang nasa kwarto ni Mama at Ate ay puting mga babae. Kinagabihan natulog na kami. Pero maya't mayang binabangunot. Yung tipong kakapikit mo lang, di ka na naman makagalaw. Masaklap pa dun, napapagitnaan ako ng mga babaeng puti. Kaya nung magising ako lumipat ako kina mama, pati pala ang ate ko ay ganun din nararamdaman. Akala ko makakatulog na ako, nagkamali lang pala ako. Dahil pagkahiga ko, ayan na naman sila. Nasa gitna na nman ako, pati aang ate ko. Mga babaeng naka puti na mga walang mukha. May babaeng naka itim pa sa may paanan. Naramdaman kong may humawak sa may leeg ko. Hanggang 4am kaming ganun. Pag bangon ko, ramdam ko ang sakit ng leeg ko, pero wala namang pasa. Napa isip akong bigla kung bakit ngyare yun. Hindi na yun nasundan pa.

        
       

So, hanggang dito na muna, saka si Babaeng naka belong itim at ang batang si puti at itim.

        
       

Salamat

        
       
 

TRUE HORROR STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon