"SCIENCE LAB II:FACULTY ROOM"

843 12 0
                                    

(Cont.)
Year 2011 parin. May mga naging kaibigan akong co-teachers, tatlong lalake na kapwa baguhan gaya ko. Wala pang faculty room noon, ang 2 sa kanila ay walang assigned room dahil wala silang advisory class kaya naman palihim naming ginawang faculty room yung storage room sa may science lab. Naka-sealed naman ang mga chemicals kaya alam kong safe kung mananatili kami don kapag vacant time namin. Naikwento ko sa kanila ang karanasan ko sa science lab. Syempre dahil puro lalaki kami ay di naman nagpadala sa takot ang mga kasama ko. Isang umaga, ako ang naunang dumating sa Lab. Habang nag aayos ako ng mga apparatus na gagamitin para sa first period ay dumating naman si Sir Pat. Agad syang dumiretso sa storage room na ginawa naming faculty room, nag good morning ako pero di ako nakatingin sa kanya dahil abala ako sa pag aayos, hindi ko rin namalayan o narinig kung sumagot ba sya. Natapos na ako sa pag-aayos, pumunta ako sa faculty para naman kunin yung laptop ko. Nasa pinto pa lang ako ng nakita kong wala si sir pat sa loob. Kahit ang dala nyang bag ay wala sa table nya. Imposible naman na lumabas ulit sya kasi dadaan muna sya sa science lab at makikita ko. Naisip ko na baka double ganger ang nakita ko. Sa takot na makagawa ng ingay ay dahan-dahan akong umatras palabas ng faculty, sakto naman na dumating si sir bogs kaya't naitanong ko agad kung nakapag-in na ba si sir pat sa logbook. Ang sagot nya ay, "wala pa doon ang pangalan nya.." hindi ko na binanggit na nakita ko si sir Pat. Sa pag-aakalang di na mangyayari ulit ay nagkamali ako, noong araw din na yon ay naulit ang paglitaw ng double ganger at si sir bogs naman ang nakakita. Kwento nya, recess ng hapon kaming mga kasama nya sa faculty ay nasa canteen ng mga oras na iyon at sya naman ay nagpaiwan sa faculty para magcheck ng activity papers. Ang table nya ay nasa tapat ng pintuan ng faculty room kaya't nakikita nya kung sino ang papasok mula sa science lab at kung sino ang nagtuturo doon. Maya-maya pa ay pumasok si sir Pat sa science lab. Nung una akala nya ay nag pprepare lang si sir pat para sa susunod na klase kaya di nya ito pinansin. Ilang minuto lang ay nakaramdam na ng gutom si sir bogs kaya lumabas na sya. Nakita nya si sir pat na nakatalikod na parang naghuhugas sa may lababo. Tinanong pa nya ito kung nakapagmeryenda na pero tango lang ng ulo ang sagot sa kanya. Palabas pa lang sya ng science lab ng nakita nya kami ni sir pat na naglalakad galing sa canteen. Agad daw syang natakot sa nakita nya kasi dalawa si sir pat. Hindi pa sya nakakahakbang palabas ng pinto kaya't agad syang lumingon sa kinatatayuan ni sir pat na naghuhugas sa lababo. Nakatalikod parin si sir pat. Kinabahan sa takot si sir bogs ng lingunin sya ni sir pat ng dahan-dahan at nakangiti sa kanya ito. Agad syang tumakbo patungo samin. Malayo pa lang ay kita ko na ang namumutla nyang muka kaya naisip ko na may nakita o naramdaman din syang kakaiba. Hanggang sa naikwento nya samin ang nangyari, agad naman kaming pumunta sa science lab pero pinagbawalan kong sumama si sir pat, may nabasa kasi ako dati na masamang magkasalubong ang double ganger at ang taong ginagaya nito. Walang ibang nakaalam ng kwentong yon maliban samin tatlo at ilang studyante na naki usisa nung nakita si sir bogs na putlang putla na tumatakbo. Wala kaming nakitang tao sa loob ng science lab. Maliban sa bukas na gripo sa may lababo.

TRUE HORROR STORYحيث تعيش القصص. اكتشف الآن