KANLUNGAN

683 5 0
                                    


        
       
Nangyari ang aking kwento labing limang taon ng nakakalipas. Lumipat kami ng bahay paupahan noon dahil gusto na namin bumukod sa kamag anak ng aking ina. Sa umpisa ng pagtira namin sa bahay na iyon naging maayos naman ang lahat. Ngunit makalipas ang ilang araw doon na kami nakaranas ng kakaiba sa aming tahanan.
Ang unang unang pangyayari na nakapangingilabot ay nangyari sa aming magkakapatid at sa isa kong tiyahin na bunsong kapatid ng aking ina. Bago kami matulog ay isinarado namin ang lahat ng bintana ng aming kwarto dahil napakalakas ng hangin nung gabing iyon, malapit kasi ang inuupahan naming bahay sa ilog. Pati ang pintuan ay ikinandado namin. Katabi ko sa kama ang aking tita sa pag tulog ang dalawa ko namang kapatid ay sa isa pang kama sa kaliwang bahagi ng kwarto. Mga bandang ala una ng madaling araw ay naalimpungatan ako dahil napakalamig at malakas ang hangin na nung una ay inakala kong nagmumula lamang sa electricfan ng kwarto namin. Bumangon ako upang patayin sana ang electric fan dahil napakalamig na nga, ngunit laking gulat ko ng makita kong lahat ng bintana ay nakabukas at nakahawi ang mga kurtina sa sobrang lakas ng hangin na pumapasok sa kwarto. Ginising ko agad ang tita ko para tanungin kung sya ang nag bukas ng bintana,
"Tita, ikaw ba ang nagbukas ng bintana?" ngunit sagot nya sa akin ay hindi.
"Hindi, hindi ako alam mo namang ako pa nga ang unang nagsasara nyan bago matulog, baka yang dalawa naiiitan siguro. Hala hayaan mo na isara mo na lang ulit at matulog ka na, itanong mo na lang bukas at himbing na yang dalawa".
Kahit nag-tataka ay tumalima naman ako isinara muli ang bintana. Kinabukasan pag baba ko upang mag almusal tinanong ko ang dalawa kong kapatid kung sila ba ang nagbukas ng bintana, ngunit hindi din ang sagot nila sa akin. Hindi daw sila dahil parehas daw masarap na ang kanilang tulog. Kahit naguumpisa na akong magtaka at matakot ay pinabayaan ko na lamng iyon. Lumipas ang ilang araw at nakalimutan ko na ang pangyayaring iyon.
Ang sumunod na pangyayari naman ay sa akin at sa aking tita naganap. Isang gabi, kami na lang ng tita ko ang gising at nasa sala. Gumagawa ako ng takdang aralin sa Science habang ang tita ko naman ay nanunuod ng tv, comedy ang pinapanuod nya kaya tawa sya ng tawa. Bigla akong nakaramdam ng uhaw kaya napatingin ako sa kusina, tatayo na sana ako ng may mapansin ako sa maliit na bintana ng kusina. Tumaas ang aking balahibo at tinakasan ata ako ng dugo ko sa katawan, alam at ramdam kong namumutla na ako ng mga panahong yun dahil sa takot. Kilabot na kilabot ako, napansin kong tumigil sa pag tawa ang tiyahin ko at nanahimik. Habang ako ay nakatuon pa din ang atensyon sa maliit na bintanang iyon ng bintana. Isang babae kasi ang naaaninag ko doon, nakaputi sya at mahaba ang buhok, alam kong nakaharap sya sa amin kahit malabo ang knyang mukha at di ko masyadong makita. Kahit nanlalambot ang aking tuhod sa takot ay niligpit ko ang aking gamit sa eskwela at nagpaalam sa aking tiyahin na noon ay tahimik na, kahit nakakatawa ang pinapanuod nya.
"Tita aakyat na ako, tutulog na ako".
Sabay takbo ko paakyat walang lingon likod. Pinilit kong makatulog ng gabing yun, nag talukbong na lang ako para mabawasan ang takot ko. Tinanong ako ng tita ko kung bakit daw nagmamadali daw akong umakyat ng hagdan ng nag daang gabi,
"Bakit nagtatakbo ka na sa pag akyat ng hagdan kagabi may nakita ka din?",
"Ibig sabihin nakita mo din sya tita? Yung babae?"
"Oo, kaya ako biglang natahimik kahit nakakatawa yung palabas",
"Nakakatakot dito sa bahay 'ta". Sinabi namin iyon sa aking mama pero di naman sya naniwala.
Makalipas lang ata ang isang linggo noon may ipinaayos si mama sa may labahan sa gilid ng bahay, pinatakluban nya yung butas sa semento sa sahig ng labahan. Nang gabi na ng araw na yun nahilo si mama akala pa nga namin highblood sya kasi pati batok nya nangangapal daw. Pinainom namin sya ng gamot at pinatulog na. Kinabukasan wala na ang hilo at sakit ng ulo nya. Maglalaba daw sya.
"Nak, ilabas mo yung madumi nyong damit at mag lalaba ako dalhin mo sa labahan ha".
Umakyat ako sa kwarto para kunin yung mga damit pero pag baba ko andun si mama sa sala at nakaupo hawak nanaman ang batok nya, agad ko syang nilapitan.
"Ma anong nagyayari sayo?",
"Ewan ko nga ba di naman ako ganito knina, nahihilo nanaman ako at parang nangangapal nanaman batok ko", biglang umiyak si mama.
"Ma bakit?"
"Nak tawagin mo sa kanila tito mo at ipadala mo na ko sa ospital hilong hilo ako at ngangapal batok ko, ikuha mo muna akong yelo at ilalagay ko sa batok ko tapos tawagin mo na ang tito mo dalian mo anak" sabi nya habang umiiyak.
Dali dali akong sumunod pag balik namin kita ko si mama hinang hina na. Agad dinala ni tito sa ospital, akala ko kung mapapaano na ang ina ko. Kaya napaiyak din ako sa pag aalala. Pero bumalik din sila ng gabi wala naman daw nakita ang doctor na kahit anong sakit kay mama. Kaya ngatataka talaga kami bakit nagkaganun si mama.
"Mama, pano ba sumakit ulo mo?"
"Ewan ko, pag punta ko sa labahan pinawisan ako ng malamig tapos nahilo na ako".
Nang gabing yun magkakasama kami sa kwarto natulog para mabantayan si mama. Sa pag tulog namin naalimpungatan ang kapatid ko at ginising kami.
"Bakit?"
"Ate may naglalakad sa labas ng kwarto".
Ako naman agad natakot kasi kako baka magnanakaw yun. Ginising ko si mama at ang tita ko kinakabahan ako kasi puro babae lang kami sa bahay ang papa ko naman kasi nasa ibang bansa at nagtatrabaho.
"Ma, Tita, may tao daw sa labas baka magnanakaw".
Pinakiramdaman namin, may naglalakad nga. May yabag pero mabagal lang tapos parang pakiskis sa sahig yung lakad nya. Kinilabutan ako kasi pahina ng pahina yung yabag hanggang sa mawala. Wala ng kahit anung ingay ang sumunod. Kinabukasan nagpa tawag ng albularyo si mama pinatingnan nya yung bahay tapos nag pagamot sya. Diba uso naman yung tinatawas kapag albularyo ang nanggagamot. Sabi ng manggagamot lumipat na daw kami ng bahay.
"Naku ineng may butas ba dito sa bahay nyu na tinakpan nyo? May nagagalit kasi sa ginawa mo, nuno ineng, galit na galit sayo kasi pinakialaman mo yung bahay nya."
"Kaya ba palagi akong nahihilo kapag pumupunta ako duon?"
"Oo ineng, tsaka didiretsyahin na kita ha napaka pangit ng pakiramdam sa bahay na to. Napakadaming nanganganlong (naninirahan) dito, itong bahay nyo marami ng nakuhang buhay at kukuha pa ulit ng matandang lalaki, dalawang bata at isang babae kaya lumipat na kayo ng bahay mapapahamak kayo dito."
"Pwede na po ba kami lumipat kinabukasan?"
"Sa kabilugan ng buwan na lang ineng kayo lumipat. ipatanggal mo yung ipinatakip mo sa butas at alayan mo yung butas na yun ng prutas at humingi ka ng pasensya sa nagambala mo".
        
       

Nang dumating ang kabilugan ng Buwan, umalis kami sa bahay na iyon at bumalik muna sa bahay ng mga kamag anak ng aking ina habang naghahanap kami ng panibagong bahay na matitirhan.
Sa pag alis namin doon marami pang sumunod na tumira sa bahay na iyon at lahat sila ay may nakapangingilabot na karanasan din, na ang iba ay di lang kilabot ang naramdaman pati na din ang lungkot. Madami pa akong kwento sa bahay na iyon, ang mga nakakatakot na karanasan ng mga umukyopa doon. Ngunit sa susunod na iyon. Masyado na kasi itong mahaba.

        
       
  
        
       
  
        
       
  
        
       
  
        
       
  
        
       
  
        
       
  
        
       
  
        
       
Salamat sa pagbabasa!
        
       
 

TRUE HORROR STORYWhere stories live. Discover now