"TECHNICIAN"

964 13 0
                                    

Hi. Gusto ko lang i-share ang nakakatakot na experience ko way back 2014. Tho 4 years ago na naganap, klaro pa rin sa akin every details. Actually, madami na akong karanasan pero ito ang gusto kong i-share. So eto na nga, Grave yard shift ako nun sa isang electronics company sa Taguig, marami ng chika na may nagpaparamdam dun pero hindi talaga ako naniniwala kasi nga to see is to believe. Sa electronics diba may Endline at Frontline, sa Endline ako nun naka assign, 8 kami bale sa isang room. Kasama na yung pogi naming technician na lagi kong nakakabiruan. Isang gabi busy kami lahat 10-12am toxic kasi madaming lote. Sobrang tahimik din kasi Focus lahat blowgun lang at machine ang nag-iingay. Natapos ko yung lote ko sa Form1 kaya lumipat ako sa Nutsload para tumulong kasi tambak na sila. Tahimik pa rin walang nag-uusap lahat seryoso ng bigla nalang napatigil yung kasama ko sa kawalan. Nakatingin siya sa likod ng kasama namin na nagvivisual ng Unit. Ang weird kasi bigla syang tumigil sa paglalagay ng Nuts (Sa mga nagwork na sa Electronics SOT po yung Unit) Tumingin ako sa kanya ngumiti sya pero may kasamang luha. Medyo kinabahan nako nun bakit ganun bat siya umiyak. Biglang tumigil lahat, yung nagfoform 2&3 tumigil. Nakatingin lahat sa kanya. Walang naglakas loob magsalita. "Andyan nanaman siya" Sabi niya habang tuloy-tuloy yung luha niya. Lumuluha lang talaga siya hindi sya yung umiiyak with sound or hikbi. Tears lang talaga. Biglang nag sitayuan balahibo ko, tinanong ko siya kung ano yun. Tinuro niya yung upuan na bakante sa likod ng kasama namin. "Ayan siya oh, yung naka smock na blue na walang mukha" That moment, naluha na rin ako, Hindi ko yun nakita. Wala akong nakikita pero ang bigat ng pakiramdam ko. (Blue ang smock ng mga technician at engineer sa amin naman white)
"May nakikita ka nanaman Joyce" Sabi ng isang kasama namin kasi sa likod niya nakaturo si Joyce. Yumuko si Joyce, napansin siguro ni Arvy (Technician namin) na may something nanaman kaya binagsak niya yung Lata sobrang lakas kaya nawindang kami lahat. Tapos tumawa pa sya ng sobrang lakas. Kaya nagsibalik kami sa work namin na parang walang ganap. Sa totoo lang ayoko maniwala kay Joyce. Di ako naniniwala sa ghost e. Baka namamalik mata lang siya pero ang sabi-sabi naman doon ay nakakakita talaga tong si Joyce. May bata din daw syang nakikita.
Fast Forward after 2 or 3 days. Graveyard pa din kami, nakikipag harutan ako nun kay Arvy kasi konti ang gawa. Hindi rin ako pumwesto sa SOT nun. Sa I4Pak ako. Sa dulo yung Machine ko medyo malayo sa mga tao in short nasa sulok ako di hagip ng Cctv kaya nagchichismisan kami ni Arvy. Mga 3am after kami magbreak nun, busy na si Arvy wala nako kakwentuhan. Kaya nag Cr muna ako. Pagka balik ko, busy na rin ang lahat. Kumuha ako ng Pin para sa lagayan ng unit ko, pagtingin ko sa pwesto ko nakita ko si Arvy nakaupo kaya tuwang tuwa naman ako kasi may kasama nako. Nung malapit na ko wala na si Arvy, wala na yung naka smock na Blue na naka upo sa may pwesto ko, Tumingin ako sa paligid baka tumayo lang pero wala talaga siya. Tinanong ko si Ate Lily nun kung asan si Arvy, sabi niya kanina pa daw nasa Frontline kasi nagka problema sa mold. E sino yung naka smock na blue na nakaupo sa pwesto ko? After an hour dumating si Arvy pagod na pagod tsaka ang ingay puro reklamo ang nasa bunganga. Ayoko maniwala sa multo pero ano yun bes? Hanggang ngayon nasa isip ko pa din yun. Ang nakaka inis dun hindi nagreregister yung mukha niya sa isip ko. Yung katawan lang. Nag eexist ba talaga mga multo?
Kasi nung HS ako may karanasan na rin ako e. Pero kala ko namamalik mata lang ako.

TRUE HORROR STORYМесто, где живут истории. Откройте их для себя