Due to public demand hahahahaha joke eto na~ hi ulit ka winkingpinkPiggy
•••
"Are you alright?" Tanong ko sa kanya. Hinawakan niya ang ulo niya at muling umupo sa upuan sa harap ng computer niya.
"O-oo. O-okay lang ak-ako nahihil-o lang" habol hininga niyang sabi. Omy! Better na tawagin ko na si Tita. Patakbo kong binuksan ang pinto but unfortunately, nakalock siya sa labas!
"Tita! Tulong!" Sigaw ko habang pinupukpok ko ng malakas yung pintuan. Sheez! Help us!
Third person
Pinupukpok at sumisigaw si Rein upang makahingi ng tulong mula sa mga tao sa labas. May nag-lock ng pinto mula sa labas at wala naman ang ina ni Zid sa kanila ng bahay. Kinakabahan man ay matatag ang loob ni Rein na tulungan si Zid.
Samantala, lalo pang sumakit ang ulo ni Zid. Tila bang napaparalisa ang buo niyang katawan di niya malaman ang gagawin. Hindi rin siya makapagisip dahil sa sakit. Gusto niyang magsalita ngunit parang umuurong ang kanya ng dila. Maya-maya pa'y tila hindi na siya ang kumukontrol sa kanyang katawan. Kusa nang gumagalaw ang katawan niya ng hindi niya nararamdaman. Buong katawan niya na ang nasasakop ng pagkaparalisa. Sinubukan niyang ibuka ang bibig para tawagin ang pansin ng babaeng kasama niya sa kwarto
"E-----i---hn!" Sigaw nito. Napatigil sa pagsigaw si Rein at tumingin sa nahihirapang binata. Agad niya itong nilapitan at hinawakan sa balikat.
"Kamusta!? Kayanin mo Zid! Di mo naman kasi sinabing kay sakit ka eh!" Sigaw ng dalaga habang umiiyak. Di na niya napigilang lumuha dahil sa kalagayan ng kaklase sa kanyang harapan. Gusto man siyang itulak ni Zid, hindi na niya magawa dahil kontrolado na ang kanyang katawan na parang robot.
"Ahhh-hh----li--ss-shhh!" Sabi ng binata kay Rein. Blangko ang mukha ni Rein dahil gulong-gulo na siya sa pangyayari. Hindi man niya naiintindihan si Zid, awtomatikong umaatras siya sa binata. Umaatras siya hanggang ang dingding na kulay bughaw na lang ang napigil sa kanya.
Unti-unting tumayo si Zid kahit ayaw niya at sumigaw sa sakit. Tila sasabog ang ulo niya sa sobrang sakit. Pulang-pula na din ang kanyang mukha at pawis na pawis.
"AHHHHHHHHHHHHH!!!" Mahabang sigaw ng binata na ikinagulat ni Rein. Umiiyak na ng malakas si Rein sa takot. Nanlambot ang kanyang tuhod na naging dahilan ng kanyang pagkakaupo sa sahig. Inilabas niya ang kanyang cellphone upang humingi ng tulong.

YOU ARE READING
D̸̐̉́͜͜ŕ̡̨̩̻̙͝eͭ̆̓̊ͪą̢̛͖̺̥͎̙̐̾͗̓̕͝m̴̶̡̫̎ͣ͗ͮ͘̕: The Unknown Game [EDITING]
HorrorThe game all about revenge The dream that turns out to be a nightmare The stranger you need to fight To save your own life ▶D̸̐̉́͜͜ŕ̡̨̩̻̙͝eͭ̆̓̊ͪą̢̛͖̺̥͎̙̐̾͗̓̕͝m̴̶̡̫̎ͣ͗ͮ͘̕: The Unknown Game ▶KapitanFilipe ▶Date Started: 033018 ▶Date Finished: N/A ▶S...