7.6

1K 62 19
                                        

Third person

Nagulat si Rein sa nabasa. Hindi niya alam ang gagawin dahil sa maling pagpili niya. Dumating man ang antidote ay namatay si Zid dahil siya ang sinasabing hero ni Rein.

"Hindi ka pwedeng mamatay!" Sigaw ni Rein at dali-dali niyakap si Zid. Sumisigaw pa rin sa sakit ang binata at iyak ng iyak naman an dalagang nakayakap sa kanya.

Sa di inaasahang pangyayari, biglang tumahimik ang paligid. Tanging iyak na lang ng dalaga ang maririnig. Nakayakap pa din sila sa isa't-isa. Tumingin si Rein kay Zid.

"Ayos k-ka na b-ba?" Tanong ng dalaga kay Zid. Hindi sumagot ang binata bagkus ay tinulak niya si Rein papalayo. Kumuha siya ng isang ballpen at tinutok ito na parang kutsilyo kay Rein. Umaatras naman ang dalaga at lumayo sa nawawala sa sariling kaklase.

"Matagal na kitang gusto Rein pero sinusungitan mo ko!" Sabi ni Zid sa dalaga.

"Zid! Ibaba mo yan! Ano bang nangyayari sayo!" Tarantang sabi ni Rein

"Ngayon! Dahil sa ginawa mo sa akin! MAMATAY KA!!!" Sabay ng pagkabigkas nito ang ambang pagsaksak ni Zid kay Rein. Nahawakan naman agad ni Rein ang kamay ni Zid upang pigilan ang pagtusok ng ballpen sa kanyang mata. Hirap si Rein dahil mas malakas si Zid sa kanya kaya sinipa niya ito sa Tiyan na naging dahilan ng pagtalsik ng binata.

"Zid! Hindi na nakakatuwa! Na-na-nababaliw ka na!!" Sigaw nito sa pabangong si Zid. Tumawang parang demonyo si Zid. Tila natutuwa sa inasal ni Rein.

"Ako titigil? Huh! MAS MABUTING MAWALA KA NA LANG! HA HAHAHAHAHA!" Dinampot ang bakal na T-square at sinugod si Rein. Kinuha naman ni Rein ang bag na nasa kanyang tabi at naprotektahan niya ang sarili.

"AHH!" Sabay ng pagtulo ng dugo ang pagtalsik muli ng binata. Natamaan sa balikat si Rein ngunit nasipa niya ito. Hindi niya ito ininda at kinuha agad ang kumot at tinakip sa mukha ng bumabangon binata. Nagpupumiglas si Zid at pinagsusuntok si Rein na naiiwasan naman niya. Hirap huminga ang binata at gumawa ang paraan para maalis ang kumot sa mukha.

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Iniluwa nito si Neil. Isa sa mga kaklase nila.

"Anong nangyayari!?" Gulat na tanong ni Neil ng makita ang ginagawa ni Rein kay Zid.

"Itali mo siya please!" Hindi na nagtanong si Neil at kumuha agad ng panali at itinali pahiga si Zid sa kama. Iyak ng iyak si Rein habang sigaw naman ng sigaw si Zid.

"HAAAAA! MAPAPATAY KITA! KAYONG DALAWA! MAKAALIS LANG AKO DITO! HAAA! GRR!" Sabi nito na parang mabagsik na leon. Inilayo naman ni Neil si Rein sa binata at ibinaba si Rein. Sa pagbaba nila ng hagdan ay saktong pagdating ng ina ni Zid mula sa palengke.

"Tita si---" hindi na natapos ni Rein ang pagsasalita ng marinig ng ina ni Zid ang sigaw ng kanyang anak.

"Jusko! ZID!" Tumakbo ito sa kusina at kinuha ang isang lalagyan ng gamot. Dali-dali magpapansinan. papunta sa kwarto ni Zid. Ang dalawa naman na naiiwan ay umupo sa sofa at ginamit ang sugat ni Rein. Ikwinento ni Rein ang mga nangyari habang nilulunasan ng binata ang sugat ni Rein. Maya-maya pa ay bumaba na ang nanay ni Zid at humingi ng paumanhin sa dalawa.

"May sakit si Zid" kwento ng kanyang ina. "Bigla-biglang nag-iiba ang ugali niya. Hindi ko alam bakit pero nagsimula lang iyan nung nakaraang 2 taon. May kasama siyang lalaki. Kaklase niya daw. Pagakyat nila eh biglang nagganun na siya. Tinusok niya nga yung bata ng screwdriver sa hita. Tapos ayun! Dun na nagsimula."

Seryosong nakinig ang dalawa. Si rein naman ay halos di na makapagsalita dahil sa takot sa mga nangyari.

Umuwi ang dalawa. Ayaw man, hinatid ni Neil si Rein sa kanilang bahay. Pagkatapos nun ay siguradong hindi na sila muling magpapansinan.

•••

D̸̐̉́͜͜ŕ̡̨̩̻̙͝eͭ̆̓̊ͪą̢̛͖̺̥͎̙̐̾͗̓̕͝m̴̶̡̫̎ͣ͗ͮ͘̕: The Unknown Game [EDITING]Where stories live. Discover now