🅳🆁🅴🅰🅼 #43

434 20 2
                                        

Rein

Nagising ako sa isang mahabang panaginip. That dream. Mas naging accurate pa siya ngayon unlike what I dreamed before. This dream gives me the curiosity on how I really live.

Isinantabi ko muna ang thought na iyon at tumayo para maghilamos nang nahimasmasan pa ako ng maigi. After that I cook my breakfast and get my phone.

The strange thing is the game that I used to play before. It's gone. Nawala na siya. Alice and Jade. I try to search it in my phone dahil baka na hide ko lang yung app dahil may mga tanong pa ako doon sa mga nangyari kahapon pero wala na akong nakitang existence ng game except sa note na naiiwan sa phone ko. I read the note and to my surprised, connected nga ito sa game. Sana maging malinaw pa mamaya ang mga tanong sa isip ko dahil base sa nabasa ko I will meet the one that makes the game.

Binaba ko ang cellphone ko at humiga sa sofa. Inaalis ko lahat ng masasamang nangyari sa akin this past few days. Lahat ng connected sa game. Ayoko muna sila isipin dahil tapos na. Ito na ang huli. Dito ko na tutuldukan ang lahat.

Makakatulog na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ulit to para makita kung anong meron.

•••

Unknown number

Meet me at the cafe near at your school.

•••

Same number na nag-text sa akin noon nung sira raw si Alice. I think this is the boss of the game. Siya ang gumawa ng lahat.

I prepare myself what will happen next after of our meet up. Ine-expect ko na lahat ng unexpected events na pwedeng mangyari mamaya.

After I prepare, A call from a known person popped on my phone. Si Stacy.

"Hello Stacy?" Sabi ko sa kanya

"How are you bes? Okay ka na?" Tanong naman niya sa akin. She is so caring

"Yeah! Yeah! I'm totally fine. I try to forget what happen that night! Makakalimutan ko din to don't worry" sabi ko sa kanya.

"You can forget what happen but our names will stick on your mind. I swear"

"Huh? Anong sinasabi mo diyan!? Hahaha nababaliw ka na?" Pagtataka kong tanong sa kanya.

"Ha! Wala haha! Love you Rein! Miss you too!" Sabi naman nito. For the first time I heard that phrases from her.

"Anong meron gurl? May pagganyan ka pa?" Tanong ko sa kanya. "Love you too! Bye na!"

Then I end up the call. Lumabas na ako ng bahay at sinarado ang pintuan. Naglakad ako palabas ng subdivision at doon na ako sumakay ng jeep papuntang Lè Cafe, ang pinakamalapit na Cafe sa Desida.

Habang palapit ako ng palapit, mas lalo akong nakakaramdam ng kaba. Sana maging maayos lang ang lahat.

"Para!" Sigaw ko sa driver ng jeep ng makita ko na ang meeting place namin. Sakto namang tumigil ito sa mismong harapan ng store. Bumaba na ako at naglakad papunta sa loob ng Cafe.

As I open the door, a cold air touch my skin. I just then notice that no one is there except a boy who sips his coffee. Pamilyar siya. That boy! Siya ang kasama ko nung nagsimula ang lahat!

"Take your seat, Rein" sabi nito pagkatapos niyang ibaba ang kapeng iniinom niya. Ang buhok niya pati ang salamin sa mata. Hindi nga ako ng kamali.

"Ika----"

"Oo ako nga Rein." Sabi niya ng hindi niya ako patapusin sa pagsasalita.

"Bakit?"

"Umupo ka muna para mapag-usapan na natin ng maayos." Lumapit ako sa kanya. Umupo ako sa kabilang silya nakaharap sa kanya.

"Hayaan mo muna akong magsalita Rein bago mo ako tanungin."

"Tama ka. Ako nga ito si Neil. Ako ang kasama mo at nagpanggap na hero nung araw na umatake si Zid. Ako rin ang nagpainom ng gamot kay Zid two years ago para maisakatuparan ko ang plano. Ako ang may pakana ng lahat. Pati ang kay Benjo at Leil. Hindi mo rin ba napansin kung bakit sila ang Napili ko?" Naglabas siya ng isang papel at ballpen at may isinulat doon.

"You are chosen to see the future"

"Bakit mo ba pinapakita sa akin lahat ng ito?" Tanong ko sa kanya. Binalik niya ang kanyang ballpen sa kanyang bag at humigop muli ng kape.

"Ikaw ang magiging nanay ng ni Rein" sabi ni Neil.

"Anong ako? I'm Rein! Sino ka ba talaga Neil!?" Tanong ko sa kanya.

"You need to escape this nightmare Rein. Kailangan mong maging malakas." Pagkasabi niya nun ay nilabas niya ang laptop niya at ipinatong sa lamesa.

"Gusto mo ba makita kung sino ka ba talaga sa kasalukuyan?" Sabi ni Neil sa akin. May side na nagsasabi sa akin na umalis na ako pero yung curiousty ko ay nasa utak ko.

"Sige" yun lang ang salita na sinabi ko bago niya buksan ang laptop. Bumungad agad ang isang video. Nakatingin lang siya sa puting pader at may mga padaan daan na tao. Maya-maya pa ay may tumigil na isang lalaking nakasuot ng puti. Kasama niya ang isang matandang babae.

"Siya ang mama mo" sumakit ang puso ko sa sinabi ni Neil hindi ko alam Pero nanghina ako.
"Nasa hospital ka. 2 years ka ng comatose. 2 years ka ng naninirahan sa mundong ginawa ng isip mo." Sa bawat salitang binibitawan niya ay mas lalo akong nasasaktan. Nahihirapan akong huminga.

"Ibig sabihin pala lahat--" hindi niya na ako pinatapos at muli siyang nagsalita.

"Oo. Kasama kami sa ginawa mong mundo. Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na ito mangyayari. Eto ang magiging tadhana ng magiging anak mo. Pinakikita namin sa iyo ang mangyayari sa side ng anak mo. Tulungan mo siya at huwag mong iwan dahil siya dapat ang mamatay sa engkwentro niyo kay Liel." Napahawak ako sa dibdib ko. Habol hininga ang aking ginagawa upang makapagsalita pa.

"Paano ko maigigising sa panaginip na to!?" Tanong ko sa kanya. May nilabas siyang isang pulang button at isang dilaw na kutsilyo.

"Gamitin mo yan. Ang pulang button ang tutulong saiyong buksan ang iyong isipan sa mundo kung saan dapat ka nadun. Ang kutsilyo naman ang gigising sayo. Mula sa pagkakatulog." Inabot niya sa akin iyon. Kinuha ko naman ang button at pipindutin ko na sana ng bigla siyang magsalita.

"Alam mo ba na maganda na ang susunod na buhay mo kung pinagpatuloy mong manirahan dito. Magagawa mo na ang lahat ng gusto mo. Magiging mayaman at kaya mong gawin lahat ng gusto sa pagsasalita lamang. Ipagpapalit mo ba ito sa hirap na dadanasin mo pagkagising mo? O mananatili ka lang at magiging masaya?" Napatingin ulit ako sa button. Inilayo ko ang aking kamay. Nagpag-isip isip ko, tama siya. Kung maghihirap ako bakit ko ipagpapalit ang buhay ko sa kasalukuyan.

"Anong desisyon mo?" Tanong niya sa akin.

"Pag-iisipan ko" saka ko kinuha ang bahay na binigay niya sa akin at tsaka umalis at iniwan siyang nagiisa sa loob ng cafe.

D̸̐̉́͜͜ŕ̡̨̩̻̙͝eͭ̆̓̊ͪą̢̛͖̺̥͎̙̐̾͗̓̕͝m̴̶̡̫̎ͣ͗ͮ͘̕: The Unknown Game [EDITING]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt