🅳🆁🅴🅰🅼 #48

721 21 1
                                        

Cecile

"Nak.. Wag mo ko iiwan ha? Wala na papa mo. Sana wag kang mawala sa akin." Sabi ng isang babae na may pamilyar na boses. Si Mama.

Nababalot pa din ng dilim ang paligid pero nararamdaman ko ang pagdampi ng malamig na hangin. Ingay na galing sa makina. At mga tubo sa akin katawan. Pinilit kong igalaw ang katawan ko para tumayo pero hindi ko kaya. Ano bang nangyari? Ang naalala ko lang kasama ko sila mama at papa.

"Nak! Gising ka na! Doc! Yung anak ko gising na! Gumalaw na yung mga daliri niya!" Sigaw ni mama at mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay ko. I can sense her happiness and nervousness.

A minute passed until a doctor came. I can't talk yet I don't know why pero masaya ako para kay mama. Parang nagising ako sa isang matagal na bangungot. Wala along maalala sa mga nangyari pero masaya ako.

"Ma'am please wait outside while we are checking the patient's vitals" sabi ng doktor kay mama. Lumabas sila mama sa kwarto ko at natira na lamang ang nurse at doktor.

Dumaan ang oras at natapos na ang pagche-check sa kin pinapasok ulit nila si mama sa loob.

"Kamusta po si Cecile doc?" Tanong ni mama sa matandang lalaki.

"I have a good news and bad news. The good news is, your daughter is now stable and awake. Napakaswerte niya dahil bibihira sa tao ang sumurvive ng ganung katagal sa comatose. Maliit na tiyansa lang na mangyari to." Sabi ng doktor. Maiyak-iyak naman si mama ng marinig ito.

"Ano naman po yung bad news dok?"

"Sadly, due to what happen to her, ang mga muscles po ng katawan ni Cecile ay hmm... Let's say na natulog din sila katulad ng pagtulog ni Cecile. She can't talk and walk properly yet. But don't worry madam, babalik din po agad to sa tulong ng few excercises. Kailangan pa po manatili ni Cecile dito ng ilang buwan pa para ma-monitor pa po natin siya. Tatanggalin na po namin ang mga life supports dahil ayos na naman po siya. Mrs. and Ms. Alejo congratulations." Sabi ng doktor. Narinig man ni mama ang masamang balita ngunit nanatili pa din ang ngiti sa kanyang labi. Umiiyak siya.

"Maraming salamat dok! Kahit nawala na sila atleast nadito ang anak ko. Salamat po! Huhuhu!" Sabi ni mama.

Dumaan ang mga araw na wala akong ginawa kundi umupo at humiga. Sabi ng doktor makakatulong daw yun sa pagbabalik ko sa dati. Kwinento sa akin ni mama ang nangyari kinalungkot ko man pero naging masaya ako na kasama ko si mama.

2nd week is on the line they teach me how to exercise my feet and my throat. Nagagamit ko na siya paunti-unti pero limited pa din ang words na nagagamit ko. This treatment helps me a lot pero feeling ko may kulang sa akin. Parang may nawala.

"Anak gusto mo kumain na?" Tanong ni mama habang nakaupo ako sa hospital bed. Tumango lang ako at inilabas ni mama ang isang packed lunch.

"Umuwi ako sa bahay kanina, pinagluto na kita." Ngumiti ako kay mama at niyakap siya. Kahit mahaba ang naging tulog ko, na-miss ko pa din ang mama ko.

"Oo nga pala anak, may tatanong ako sayo!" Napatigil ako sa pagkain at muling tumingin kay mama.

"Aa-no po?" Sagot ko.

"Sino pala yung binabanggit mong Jade. Simula ng nagising ka sa tuwing pagtulog mo naririnig ko yung pangalan na yun. Ano mo ba siya?"

D̸̐̉́͜͜ŕ̡̨̩̻̙͝eͭ̆̓̊ͪą̢̛͖̺̥͎̙̐̾͗̓̕͝m̴̶̡̫̎ͣ͗ͮ͘̕: The Unknown Game [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon