🅳🆁🅴🅰🅼 #46

424 22 0
                                        

You can cheat death but you can't stop it coming

---

Rein

Hindi pa din ako pinapansin ni Stacy hanggang ngayon. Si Bryan naman hindi ko na nakita ulit. Hindi na siguro siya pumasok sa klase namin for the whole time. Ano kayang nagawa ko para magalit sila ng ganun?

"Okay! Dahil sa mga nangyayari sa school, napagusapan namin na i-cancel ang lahat ng klase for the whole week next week~"

Hindi pa tapos magsalita ang teacher namin ng makarinig na ako ng masasayang hiyawan. 'Yes' at 'Yehey' ang maririnig mo. Yung iba namang lalaki sa likod naghahagis ng kung ano-ano. Hays.

Natapos na ang buong klase at humabol ako sa paglalakad ni Stacy but unfortunately, hindi ko na siya nakita. Sobrang seryoso siguro ng gusto nang sabihin sa akin. Pumunta agad ako sa sinabi ng lugar nila. We need to fix this.

As I open the door nakita kong nakatalikod silang dalawa.
"Hey!" Sabi ko sabay kaway sa direksyon nila. Papalubog na ang araw.

"Why did you throw that away!?" Pambungad sa akin Stacy. Nakatalikod pa din siya. Nagulat ako sa tono ng boses niya. Galit ba siya?

"Wait.. What?" Pagtataka kong sabi sa kabilang dalawa.

Humarap si Bryan na may hawak na blue na plastic bag. Hinagis niya ito sa direksyon ko na agad ko namang sinalo. Binuksan ko ang plastic bag na nagpagulat sa akin. Ang button at ang kutsilyo. Nakuha nila?

"How--"

"WHY DID YOU THROW THIS FUCKING THING!?" sigaw sa akin ni Stacy. Doon ko lang nalaman na umiiyak pala siya.

"You are so selfish! Hindi mo na iniisip kung may madadamay! Kung mamatay ka sa tunay mong mundo lahat ng kasama mo dito ay di na mage-exist! Pati ikaw" sabi naman ni Bryan. Wait. Wala akong narinig na ganyan kay Neil. Bakit hindi niya sinabi sa akin?

"hindi ko alam--"

"HINDI MO ALAM KASI NAG-DECIDE KA AGAD-AGAD! NGAYON KAKAUNTI NA LANG ANG ORAS NA NATITIRA. AFTER NA LUMUBOG ANG ARAW WALA NA LAHAT NG PANGARAP KO!"

"HINDI KO MAN MAKITA ANG MUNDO MO ATLEAST I KNOW NA SOMEDAY MAGE-EXIST AKO! HINDI KO NA ALAM GAGAWIN KO REIN PLEASE! SANA NAMAN IBIGAY MO NA ANG HILING KO! HILING NAMIN"

After she said those words my tears fell like a rain. Hindi ko alam kung para saan pero I understand. Naging selfish ako. Hindi ko muna inisip ang kapakanan naming lahat. Inisip ko lang yung sarili kong pananaw.

Hindi na ako nakapagsalita after what she said. I want to say sorry pero parang naka glue ang bibig ko na hindi ko mabuka. After a while lumapit siya sa akin at niyakap ako. Walang imik si Bryan pero nakikita kong malungkot din siya sa mga aksyon na ginawa ko this past few days.

"Sorry Rein sa mga nasabi ko. Gusto ko lang naman yung makakabuti sa lahat. I know hindi ikaw si Rein sa ngayon but to be her mother, masasabi kong magiging mabuting ina ka sa kanya. Rein do not ever forget this moment. Kahit magising ka na." Sabi ni Stacy habang nakayakap pa din sa akin. Patuloy pa din siya sa pagiyak kagaya ko.

Lumapit sa amin si Bryan at kinuha ang bagay na inihagis niya kanina.
"Rein, kailangan mo na umalis. Malapit na maubos ang oras mo dito Rein"
Kinuha ko sa kamay niya ang button. I think this will be the right thing to do. I need to this for the future's sake.

"Do not ever forget this dream Rein. Kahit magisi---"

"Walang magigising!" Sigaw ng isang pamilyar na boses mula sa pintuan ng rooftop. Bakit siya andito. May kasama siyang isang babae. Yung babaeng tumulong sa amin nung gabing yun.

"Bakit ka nandito! Neil! Akala ko ba malinaw na ang kasunduan na bawal mo kaming pagilan at hindi ka din namin pipigilan." Sabi ni Bryan na humarang sa aming dalawa ni Stacy.

"Hah! Hindi ako pumayag di ba? You didn't heard me say. Yes to that trash agreement" sabi ni Neil habang nakangisi. Nasa likod lang niya ang babae na nakatingin naman sa direksyon ko.

"Jade! Stop them!" Sigaw ni Neil. Pagkasabi niya noon ay agad niyang itinutok ng babae ang daliri niya sa akin.

"Sorry Rein. This is my job" pagkasabi niya ng pangungusap na iyon ay lumabas ang isang tali sa kanyang daliri. Tinali nito ang aking kamay ng mahigpit kaya napabitaw ako sa kutsilyong hawak ko pati na din sa button.

"YAAAAHH" Sigaw ni Stacy Habang may hawak na bakal na upuan. Aakmang ihahagis niya na ito ng pigilan siya ni Jade gamit ang dalawang daliri. Akala ko kakampi ko siya.

Sinuntok niya si Stacy sa than na naging dahilan ng pagsuka niya ng dugo. Hindi pwede to! Hindi sila pwedeng madamay!

"Tama na yan!" Sigaw ko pero hindi nila ko pinansin. Sunod naman na sumugod si Bryan kay Jade. Nakipagsuntukan siya dito pero nasasalag ito ni Jade gamit lamang ang mga palad.

Maya-maya pa ay halata na pagod na si Bryan sa pakikipaglaban pero wala paring kapaguran si Jade sa pagsalag.

"Are you tired? Now, it's my turn" sabi ni Jade. Sinuntok niya sa mukha si Bryan na tumalsik sa pader. Sa isang suntok na binigay niya ay nawalan ng Malay si Bryan.

"Bravo! Bravo!" Sabi ni Neil habang napalakpak. Hindi ako makapagsalita sa mga nakikita ko. Umurong ang luha ko. Ni isang pangyayari ngayon ay hindi nagsi-sink in sa utak ko. Napatingin ako kay Jade. Papalapit siya sa akin!

Sa takot ko ay umaatras ako gamit ang aking mga paa. Binilisan ko hangga't maari dahil ayokong mahawakan niya ko dahil baka gawin niya ang ginawa niya sa mga kaibigan ko. But that plan gone wrong. Nakarating ako sa pinakasulok ng rooftop kaya wala na akong maatrasan. Hindi ko na magagawa ang pinangako ko.

Lumapit sa akin si Jade at lumuhod para mapantayan ang paglakaupo ko. Inalis niya ang buhok na tumatakip sa mukha ko at inilagay iyon sa tenga ko. Hindi ko maalis ang takot sa mukha ko. Hindi ko alam kung anong pwede niyang gawin sa akin kaya mas lalalong nanaig ang takot ko.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Tinitigan niya akong mabuti. Walang nakibo sa amin. Sa pagtitig ko sa kanya may naramdaman akong kakaiba. May nagsasalita sa utak ko.

•••

D̸̐̉́͜͜ŕ̡̨̩̻̙͝eͭ̆̓̊ͪą̢̛͖̺̥͎̙̐̾͗̓̕͝m̴̶̡̫̎ͣ͗ͮ͘̕: The Unknown Game [EDITING]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt